Baby natagpuan sa loob ng backpack!

Sanggol inabandona at isinilid sa loob ng backpack! Itatapon na sana ng basurero ang bag nang marinig niya ang ungol ng baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Itatapon na sana ng isang basurero ng Lapu Lapu City ang isang backpack na nakasabit sa isang bakod nang may marinig siyang tunog—ungol ng isang baby. Nang buksan niya ang bag, nagulat siya sa kaniyang nakita: isang sanggol inabandona at isinilid sa loob ng bag!

Muntik nang itapon ng basurero ang bag na ito.

Sa video na kuha, makikitang pinapaypayan ang baby na nasa loob pa rin ng backpack habang may tumatawag naman ng ambulansya. Hindi sigurado ang mga bystanders kung buhay pa ang bata. Ngunit nakita sa video na bigla nitong iminulat ang kaniyang mga mata at nilagay ang kamay sa kaniyang bibig.

“Hindi namin alam kung anong gagawin,” pahayag ni Rheene Lee, isa sa mga nakakita sa pangyayari. “Hindi namin alam kung buhay o patay ‘yong bata. May nagsabi na tumawag ng ambulansya.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Minulat ng bata ang kaniyang mata, tila sinasabing buhay pa siya.

Nang dumating ang ambulansya, dinala ang sanggol na inabandona sa Lapu-Lapu District Hospital upang matignan ng mga duktor.

Batang ina

Ayon sa imbestigasyon, tila isang batang ina ang nanay ng baby boy dahil may nakasilid na uniporme na pang babae at duguan na shorts sa loob din ng bag.

Napag-alaman na unimporme ito ng public school ng mga nasa Grade 7-10 sa lugar na iyon. Kung nasa ganoong baytang nga ang ina ng sanggol na inabandona, tinatayang 12 hanggang 16 na taong gulang pa lamang ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Komento naman ni Rheene na napakasuwerte na natagpuan ang bata kasi muntik nang itapon ang bag sa trak ng basura.

“Sana maalagaan na ang baby. Pero naaawa din ako sa nanay ng bata. Pang-teenager ang unimporme na nakita. Kailangan din niya ng tulong.”

Iniimbestigahan na ng baranggay ang nangyari at naiulat na ito sa pulis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa nurse ng Lapu-Lapu District Hospital na si Emily Ng, may ilang mga tao ang nagpahayag ng kanilang interes na i-adopt ang baby boy.

Nasa ospital na ngayon ang baby boy.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Source: The Sun

Basahin: Paano kausapin ang masikretong teenager

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement