Sanggol patay dahil sa virus na hinihinalang galing sa halik

Mag-ingat sa impeksyon na maaaring makukuha ng anak niyo mula sa iba't ibang tao kapag pinapabuhat niyo siya. Ito ang babala ng isang ina nang mamatay dahil sa Meningitis ang kanyang baby...

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa unang dalawang buwan ng iyong baby, dapat maging maingat dahil marami silang maaaring makuhang impeksyon sa paligid at sa mga taong nakakasalamuha nila.

“Ang unang dalawang buwan ng buhay ay napaka-kritikal. Madali lamang mag-spread ang mga virus at magkasakit ang newborns,” ayon kay Dr. Tanya Altmann ng California sa isang panayam sa CNN.

Nagulat na lamang sina Nicole at Shane Sifrit na nakatira sa Iowa, U.S.A., nang magkaroon ng meningitis HSV-1 ang anak nilang si Mariana. Ayon sa pediatrician, nagmula ito sa herpes virus na nakuha ng baby sa isang halik.

Sa kasawiang palad, binawian na ng buhay ang baby nila na ipinanganak lamang noong July 1, 2017.

Ayon sa isang report ng CNN, napansin daw nilang may sakit si baby Mariana matapos ang wedding nila. Matamlay daw ito at walang gana kumain.

“Sa loob lamang ng dalawang oras, tila di na siya humihinga at nagkaroon siya ng organ failure,” saad ni Nicol sa isang panayam sa WHO.

Pagdating nila sa ospital, nakumpirma nilang may meningitis na nga ang baby nila, mula sa herpes na nagdudulot din ng singaw.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano ang nagdudulot ng herpes meningitis?

Bacteria, fungi, at iba’t ibang klaseng germs ang maaaring magdulot ng herpes meningitis. Sa adults, puede itong makuha sa pakikipagtalik. Maaari din itong maipasa ng ina sa anak sa panganganak.

Mahirap man alamin ang eksaktong sanhi ng pagkamatay ni baby Mariana, nakakasiguro ang doktor niya na hindi niya ito nakuha sa magulang niya, dahil pareho silang negative sa virus.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa tingin ng ina ng sanggol na si Nicole, marahil ay may humawak o humalik sa kanyang infected na tao. Kaya’t naniniwala siya na lahat ng mga magulang ay dapat maging maingat. Huwag ninyo ipahawak o ipahalik kung kani-kanino lang ang inyong mahal na sanggol.

READ: “Don’t kiss my newborn baby on the mouth”

Be sure to check out theAsianparent Community for more insightful stories, questions, and answers from parents and experts alike. If you have any insights, questions or comments regarding the topic, please share them in our Comment box below. Like us on Facebook and follow us on Google+ to stay up-to-date on the latest from theAsianparent.com Philippines!

Sinulat ni

Bianchi Mendoza