Walang kahit sino ang may gustong mapasok sa isang abusive na relationship. Ngunit para sa iba, hindi madaling umalis sa ganitong kalagayan. At ito na nga ang naging kuwento ng isang inang nasa ganitong klaseng relasyon. Napilitan siyang panoorin kung paanong ang kanilang sanggol pinatay ng kaniyang asawa sa isang live video.
Sanggol pinatay sa isang live video
Isang lalake mula Thailand ang kumuha ng video kung saan pinatay niya ang kaniyang anak na si, Beta, na kaniyang ibinahagi sa social media. Matapos ang insidente, nagpakamatay siya sa pamamagitan ng pagbibigti.
Ibinahagi sa CNN ni Group Capt. Somsak Khaosuwan, mula sa Ministry of Digital Economy and Society ng Thailand, na ang video daw ng pagkamatay ng bata ay nasa social media ng 24 oras.
Mas malala pa dito ay napilitang panoorin ng inang si Jiranuj Trairat ang walang-awang pagpatay sa sarili niyang anak. Bukod dito, wala pa siyang magawa upang sagipin ang sarili niyang anak.
Kasama raw niya ang kaniyang pinsan nang bigla siyang tinawag nito. Nagtitingin daw sa Facebook ang pinsan nang makita ni Jiranuj ang kaniyang asawa sa isang video habang tinatalian ang leeg ng anak.
“Alam ko na may mangyayaring masama,” sabi ni Jiranuj.
Pinatawagan niya sa pulis ang kaniyang pinsan, at dali-dali naman siyang umuwi sa kanilang tahanan.
Nakita daw niya ang video ng mga 5:00pm, at nakauwi siya ng bahay ng 6:00pm.
Nasa isang abandonadong building daw ang katawan ng mag-ama. Nakitang magkatabi ang kanilang bangkay, sabi ni Jullaus Suvannin, ang pulis na nag-iimbestiga sa kaso.
Ayon sa deputy police spokesman na si Kissana Phathanacharoen, ito raw ang unang insidente ng ganitong klaseng pagpatay na nangyari sa Thailand.
Paano ito nangyari?
Ayon sa mga pulis, abusado daw ang lalake sa kaniyang asawa.
Nag-away raw sila isang araw bago mangyari ang insidente. Dahil dito, napilitang umalis ang babae dahil sinasaktan siya ng kaniyang asawa.
Natatakot daw ang lalake na baka siya ay iwan at hindi na mahalin, ayon sa mga ulat.
Ano ang sabi ng mga netizen?
Galit na galit ang mga netizen sa nangyaring insidente.
Ang isa sa kanila, si Avada Teeraponkoon, ay sinabing ito na raw ang pinakamasamang video na kaniyang napanood. Hindi niya nasikmurang panoorin kahit ilang segundo lang ng video.
“Paano niya nagawang panoorin ang pagkamatay ng anak niya?” sabi ni Rujirek Polglang. Dagdag pa niya, sana namatay na lang daw ng mag-isa ang ama.
Kami rito sa theAsianParent ay nakikiramay sa inang nawalan ng kaniyang pinakamamahal na anak.
Source: CNN, New York Post
Isinalin sa Filipino ni Alwyn Batara
https://sg.theasianparent.com/baby-killed-on-live-video
Basahin: Ama, pinatay ang biyenan, asawa, at ang tatlo nilang anak