Anu-ano nga ba ang mga bagay na nagiging sanhi ng kanser?

Madalas nakikita natin sa internet na kung anu-anong mga bagay raw ay sanhi ng kanser. Ngunit alin nga ba dito ang totoo, at alin ang gawa-gawa lang?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kapag sumisilip ako sa Facebook, madalas kong nababasa ang tungkol sa mga bagay na nagiging sanhi ng kanser. Kapag nababasa ko ito, dali-dali akong pumupunta sa Snopes.com at inaalam kung totoo nga ba ang aking nabasa. Kaya’t naisip ko na pagsama-samahin ang resulta ng aking research, para madaling malaman ng mga tao kung ano ang totoo at hindi totoo.

Carcinogen: Ang tunay na sanhi ng kanser

Bago ang lahat, intindihin muna natin kung ano nga ba ang kanser. Maraming uri ng kanser, at bawat uri ay iba ang sanhi. Posibleng magmula ang kanser sa radiation, o kaya sa toxin, at pwede rin sa virus. Pero ang lahat ng uri ng kanser ay nilalabanan ng katawan ng tao bago pa ito lumala.

Mayroong ilang mga bagay, tulad ng paninigarilyo, ang napag-alamang sanhi ng lung cancer. Ngunit hindi nito ibig sabihin na kapag nanigarilyo ka ng isang beses ay magkakaroon ka na agad ng kanser. Wala itong limit, kaya’t posibleng matagal bako ka magkaroon ng kanser, o kaya naman ay mabilis itong lumabas.

Kaya’t ating alamin kung ano nga ba ang mga bagay na sanhi ng kanser, at ano naman ang hindi nagdudulot nito.

1# Kulay sa buhok

Mayroong kumalat na article na nagsasabing ayon daw sa isang doktor, nagiging sanhi ng kanser ang kulay sa buhok.

Ang totoo: Ang mga pangkulay sa buhok na ginawa bago mag 1980 ay posibleng magdulot ng kanser. Ngunit safe naman ang mga bagong uri ng pangkulay sa buhok. Pero posible pa rin na magkaroon ng panganib para sa mga hair stylist. Ayon sa IARC Working Group, hindi sanhi ng kanser ang paggamit ng kulay sa buhok.

Source: NIH National Cancer Institute, USA

Ang aming hatol: Safe ang paggamit ng kulay sa buhok

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

2# Mga sausage at processed meat

Hindi sariwa ang processed meat. Kaya ito tinatawag na processed meat ay dahil dumaan ito sa proseso upang hindi ito agad mabulok ( tulad ng, bacon, sausages, hot dogs, ham, salami, at pepperoni). Ibig sabihin, mayroon itong mga dagdag na kemikal na upang ma-preserve ang karne.

Ang totoo: Ang processed meat, pati red meat ay posibleng maging sanhi ng bowel cancer. Kahit apat na pirasong bacon, o isang pirasong hotdog lang ang kainin mo araw-araw, posibleng tumaas ng 18% ang risk sa bowel cancer. Ang white meat naman tulad ng manok, isda, at seafood, ay hindi sanhi ng kanser.

Source: Cancer Research, UK, World Health Organization

Ang aming hatol: Umiwas sa maraming processed meat, at bawasan din ng kinakain na red meat.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

3# Mga inihaw at piniritong pagkain

Ang inihaw at piniritong pagkain, lalo na ang karne, ay isa daw sa mga posibleng sanhi ng cancer.

Ang totoo: Ang malakas na init na kinakailangan para mag-prito o mag-ihaw ng pagkain ay nagiging sanhi ng carcinogen sa pagkain. Ang madalas na pagkain ng ganitong klaseng pagkain ay puwedeng magdulot ng colorectal, pancreatic, and prostatic cancer. Nagdudulot rin ito ng kanser sa digestive system.

Source: World Cancer Research Fund

Ang aming hatol: Huwag palaging kumain ng mga inihaw at piniritong pagkain.

4# Paggamit ng microwave

May ilang mga katiwa-tiwalang website ang nagsasabi na nakakasama sa tao ang paggamit ng microwave. Dahil dito, maraming umiiwas sa paggamit ng microwave sa pagluluto.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang totoo: Walang pinagkaiba ang pagluluto gamit ng microwave sa pagluluto sa kalan. Basta’t maayos at hindi sira ang microwave at sundin mo ang tamang paggamit nito, .

Source: Cancer Council, Australia

Ang aming hatol: Safe ang paggamit ng microwave sa pagluluto at pag-init ng pagkain.

5# Plastic

Madalas sinisisi ang paggamit ng plastic dahil hindi ito mabuti sa kapaligiran. Dahil dito, iniisip ng mga tao na masama sa kalusugan ang paggamit ng mga lalagyan na gawa sa plastic.

Ang totoo: Hindi sanhi ng kanser ang BPA. Safe ang paggamit ng plastic. Walang problema ang pag-init ng pagkain sa plastic, basta microwave-safe ito. Safe din ang paggamit ng cling film, pati ang paglagay ng bote ng gatas ni baby sa microwave. Pero huwag dapat initin ang breastmilk sa microwave.

Source: Cancer Research UK, The European Food Safety Authority

Ang aming hatol: Safe ang paggamit ng plastic.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

6# Pag-inom ng alak

Ang pag-inom raw ng isang baso ng red wine bago kumain ay makabubuti sa iyong puso.

Ang totoo: Sa kababaihan, posibleng makadagdag sa panganib ng kanser ang pag-inom ng alak. Ngunit hindi naman ito magiging problema basta’t hindi sumosobra ang pag-inom. Ang safe na amount ay nasa apat na baso ng red wine sa isang linggo.

Source: NHS, UK

Verdict: Huwag uminom araw-araw.

7# Betsin o Monosodium Glutamate (MSG)

Maraming natatakot na kumain ng pagkaing mayroong betsin. Ayon sa ibang mababasa sa internet, ito raw ang sanhi ng Chinese Restaurant Syndrome, kung saan nagkaroon ng pagkahilo, sakit ng ulo, pamamanhid, at kung anu-ano pang side-effect matapos nilang kumain ng pagkain na may betsin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang totoo: Safe ang paggamit ng MSG o betsin. Ang mahalaga ay huwag sumobra sa pagkain nito. Hindi ito sanhi ng kanser.

Source: Cancer Council, Western Australia

Ang aming hatol: Safe ang paggamit ng MSG. Ngunit hinay-hinay lang sa pagkain ng instant noodles at pagkain na may betsin, dahil nakakataba ang ganitong uri ng pagkain.

8# Cellphone at wifi router

Siguradong nakatanggap na kayo ng email o kung anu-ano pang messages tungkol sa epekto ng wifi at ‘radiation’ ng cellphone.

Ang totoo: Wala pang pag-aaral na nagsasabing masama ang paggamit ng cellphone at wifi sa tao. Mas nakakasama ang madalas na paggamit ng cellphone, lalo na sa mga bata dahil hindi ito mabuti sa kanilang mga mata, at posibleng maging sanhi ng cellphone addicition.

Hindi rin naglalabas ng ionizing radiation ang wifi at kawad ng kuryente. Ang radio waves na galing sa wifi router ay napakahina, at hindi posibleng maging sanhi ng kanser.

Source: NIH, National Cancer Institute, USA; Cancer Research UK

Verdict: Huwag madalas gumamit ng cellphone, lalong lalo na sa mga bata. Safe ang paggamit ng wifi.

Hindi lahat ng bagay ay sanhi ng kanser, pero mahalaga pa rin na pangalagaan natin ang ating pangangatawan upang mapanatili ang ating kalusugan.

 

Basahin: Sperm ng mga lalake, ‘niluluto’ daw ng paggamit ng cellphone!

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara