Santa Claus sa mga bata: Paano lubusang maipapakilala sa kanila

Sino ba si Santa Claus sa mga bata at paano mo siya lubusang maipapakilala sa kanila ng walang bahid ng kasinungalingan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Santa Claus sa mga bata ay isang magic tuwing kapaskuhan. Para sa kanila, si Santa Claus ay isang imahe na nagbibigay katotohanan sa kanilang mga hiling tuwing pasko na kanilang inaabang-abangan.

Ngunit habang sila ay lumalaki, nagsisimula silang magtanong tungkol kay Santa Claus na mahirap sagutin. Mga tanong tulad ng kung saan ba siya nakatira, saan sa niya kumukumuha ng mga regalo at paano siya nakakaikot sa buong mundo. Minsan ang maling sagot sa mga tanong na ito ay nagiging dahilan para magmukha itong kasinungalingan at hindi nila paniwalaan ang kahalagahan ng moral na itinuturo ni Santa Claus na pagbibigayan.

Pero paano nga ba maipapakilala si Santa Claus sa mga bata na hindi magmumukhang ito ay kathang-isip lamang? At paano maituturo sa kanila ang magandang gawi ng pagbibigayan ng walang pag-aalinlangan sa katauhan ni Santa Claus?

Narito ang ilan sa mga paraan na ibinahagi ng mga magulang mula sa buong mundo kung paano maipapakilala ng lubusan si Santa Claus sa mga bata.

Image from unsplash.com

Mga paraan kung paano maipakikila ng lubusan si Santa Claus sa mga bata

Hayaan silang mag-ala Santa Claus.

Isa sa pinakamagandang paraan ng lubusang pagpapakilala kay Santa Claus sa mga bata ay ang hayaan silang maging tulad niya kahit isang araw lamang. Isa din itong epektibong paraan para malusutan ang nakapa-curios nilang isipan at ang kanilang kagustuhan na makita si Santa Claus ng personal para talagang ito ay kanilang paniwalaan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bilang kapalit sa mga magagandang bagay na ibinigay sa kanila ni Santa Claus, ipaintindi sa kanila na ito naman ang panahon para siya ay matulungan at maging Santa Claus din sa buhay ng iba sa sarili nilang paraan.

Mga steps para mag-ala Santa Claus

Una ay hayaang mag-isip ang isang bata kung sino ang gusto niyang bigyan ng isang regalo. At bakit ito ang naisip niyang dapat makatanggap ng isang espeyal na regalo mula kay Santa.

Pangalawa ay ang hayaan siyang mag-isip kung ano ang magandang regalo sa tao ng kaniyang pagbibigyan na kailangan nito at magbibigay dito ng kaligayahan.

Pangatlo, hayaang siya rin ang bumili at magbalot ng regalong ito tulad ng ginagawa ni Santa Claus sa iyong mga kwento.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

At sa gabi kapag tulog na ang kaniyang pagbibigyan, tulad ni Santa, samahan siyang pasikretong iiwan ito sa harap ng bahay o pinto nito na may kaakibat na mensahe na “Merry Christmas mula kay Santa Claus.”

Sa ganitong paraan ay hindi na ang pagdating ni Santa Claus ang aabangan ng isang bata. Kung hindi ang saya na makikita niya sa mukha ng taong pinagbigyan niya ng kaniyang regalo tulad ni Santa.

At para mas maging tunay na Santa Claus, kailangan ipaintindi rin sa isang bata na dapat ay hindi malaman ng kaniyang pinagbigyan na ang regalo ay nagmula sa kaniya na parang ito ay isa paring magic. Ngunit isang klase ng magic na bunga ng kaniyang mabuting puso na nagnanais na magpasaya ng iba gaya parin ni Santa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hayaan silang makilala si Santa Claus sa sarili nilang paraan.

Para sa kilalang artista na si Bradd Pitt, isa sa paraan na naisip niya para hindi na bumuo ng kasinungalingan pa ukol sa katauhan ni Santa Claus sa kaniyang mga anak ay hayaan silang makilala si Santa Claus sa sarili nilang paraan. Ito ay dahil sa sarili niyang karanasan noong siya ay bata pa na kinalaunan ay tinuring niyang act of betrayal o pangloloko ng mga magulang niya sa kaniya ng siya ay lumaki na.

Kaya naman para maiwasan ang karanasan na tulad ng sa kaniya, hinahayaan niyang ang mga anak niya ang sumagot sa mga tanong nila. At hayaan silang maniwala sa kung sino ba si Santa Claus sa kanilang mga mata at isipan.

Gawing makatotohanan si Santa Claus sa kanilang mga mata.

Para naman kay Devon Corneal, isang lawyer at parenting blogger. Ang oras ng bata bilang isang bata ay mabilis lamang. Kaya naman dapat nilang maranasan ang mga bagay na magpapasaya sa kanila at magpapakulay ng kanilang kabataan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya naman para sa kaniya ay hinahayaan niyang maniwala ang kaniyang anak na ito ay isang magic na nakapakahalagang parte ng bawat kapaskuhan. Taon-taon sa tulong ng kaniyang asawa na gumaganap bilang Santa, sinasamahan niya ang kaniyang anak na kunyare ay pasikretong nag-aabang at sumisilip kay Santa sa tuwing maghuhulog at magbibigay na ito ng regalo para sa kaniya.

Sa ganitong paraan ay napapasaya niya ang kaniyang anak at naging makatotohanan ang mga kwentong kaniyang naririnig tungkol kay Santa.

Ipaintinding si Santa Claus ay simbolo ng pagmamahalan at pagbibigayan na maaring nasa katauhan ninuman.

Para naman kay Rebecca Munsterer, author ng “Mrs. Claus and The School of Christmas Spirit.” Para higit na mapaintindi ang imahe ni Santa Claus sa mga bata, ilagay sa kanilang isipan na si Santa Claus ang puso ng kapaskuhan. Siya lamang ang sumisimbolo ng pagmamahalan at pagbibigayan tuwing pasko na maaring makita sa katauhan ninuman.

Ngunit si Santa Claus ay hindi lamang dapat nararamdaman tuwing pasko lamang, kung hindi sa kahit ano mang araw o oras buong taon na maari kang magbigay kasiyahan at pagmamahal sa mga taong nasa paligid mo tulad ng ginagawa ni Santa tuwing pasko sa buong mundo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Sources: Today, Eonline

Basahin: 20 na mga regalo na puwedeng ibigay sa iyong minamahal—na hindi materyal na bagay