Santino Nievera ipinagmamalaki ng kaniyang ama na si Martin Nievera tungkol sa progress nito. Ayon kay Martin, ito ay kaniyang paraan para maging inspirasyon sa mga magulang na may anak na autism na mas mahalin at gamiting inspirasyon ang special na kondisyon ng anak.
Martin Nievera nag-open up tungkol sa autism ng anak na si Santino Nievera
Si Santino Nievera ay anak ni Martin Nievera sa dating karelasyon na si Katrina Ojeda. Ito ang pangatlong anak ng singer. Mayroon siyang dalawang anak na lalaki sa dating asawang si Pops Fernandez.
Hindi man ganoon kakilala sa mata ng publiko ang anak na si Santino, sinabi ni Martin na hindi naman niya itinatago ito. Lalo na ang special needs nito bilang isang batang mayroong kondisyon na autism.
“My son Santino is a special boy. He’s on the spectrum. It’s something I have never told either. I’m not hiding it but no one has ever asked. He’s 12 years old and he has a very long journey ahead of him. He’s high functioning but low social.”
Ito ang proud na pagpapakilala ni Martin Nievera sa anak na si Santino Nievera sa isang newspaper interview.
Pagkukuwento tungkol sa autism ng anak
Pagbabahagi pa niya ay noong una hindi niya alam kung paano ipapakilala si Santino sa publiko. At kung paano ipapaalam sa lahat ang kondisyon nito. Pero sa isang show niya sa Las Vegas ay na-inspire siya sa confidence na ipinakita ng anak ng masayang batiin nito ang mga manonood at mag-play ito ng drums sa harap nila.
“He grabbed the mic and started ‘Hello, everybody.’ He surprised everyone. I spent weeks thinking how I’m going to introduce him. Do I say that he’s special? Or do I just not introduce my son? I was so problematic how I’m going to introduce him but he just grabbed my mic.” Ito ang masayang pag-kwekwento ni Martin sa hindi niya malilimutang moment kasama ang anak sa stage.
Mas lalo nga daw siyang pinahanga ng anak ng mag-play na ito ng drums. Inakala niya noong una na hindi nito matatapos ang buong kanta ng Green Day na “Boulevard of Broken Dreams” pero pina-bilib siya ng anak ng tapusin nito ang buong kanta.
“I felt like the best parent ever and I had nothing to do with it. I wasn’t even there when he learned to play the drums. But to show you that miracles can happen, it can happen in a three-minute song. Some people have thought he would have given up in the middle of the song, but he finished the whole song. You can imagine how I felt, especially with him and that song,” pagbabahagi ni Martin.
Tulad niya ay hindi rin makapaniwala at naiyak ang teachers at therapist ni Santino sa ipinakita niya. Lalo na ang mga audience na nag-enjoy sa performance ng anak.
Pagpapalaki sa anak na si Santino Nievera
Sa ngayon ay kasama niya dito sa bansa si Santino pero ito talaga ay nakabase sa US kasama ang kaniyang ina na ipinagmalaki niya rin ang maayos na pag-aalaga at pagpapalaki sa anak.
“All credit goes to the mom. We’re no longer together, but we’re still friends. And because of that, I find myself going to the States a lot more often. Because of Santino’s condition, I feel like he needs to have that family atmosphere. The first thing he says when we are together is, ‘Look, we’re a family!’ His quips sting sometimes! So I try to be really hands-on.”
Marami nga daw naituro kay Martin ang anak na si Santino, isa na nga rito ay ang pagiging pasensyoso.
“He has really changed me a lot. I’m definitely more patient nowadays than I was with my elder sons.”
“His special needs goes well with my specialties. If he wants to hear someone talking funny, I can give him that. If I need to be silly, I’m exactly that guy. Or if he needs a cartoon character on the spot, I’m right there. And I love every minute of it.”
Kaya naman ikinalulungkot ni Martin ang mga encounters ng anak sa mga taong may lack of sensitivity at understanding sa special needs ng mga batang tulad niya.
Autism awareness advocacy
Kaugnay nito ay may mga shows na ginawa si Martin sa US para ma-promote ang cause ng autism at mapaliwanagan ang publiko lalo na ang mga magulang sa pagtanggap at pagtrato sa mga batang may kondisyon na ito.
“Autism is less than a disability but more of a gift. Their minds, their emotions, their senses, are all fast forward. And they’re so sensitive. They’re way ahead of us.”
Ayon kay Martin, napakaliberating para sa kaniya na mapag-usapan ang anak na si Santino at ang kondisyon nito. Hindi lang dahil sa wakas ay naipakilala niya na ito sa publiko kung hindi pati narin sa nais niyang maging inspirasyon ang kalagayan ng anak sa ibang tao.
“I’ve been wanting to say this for the longest time. Not for anything, but I want to make a difference while I’m still alive. I want to be able to make a difference by helping others who are in the same situation. Anytime they need me, I’m here. My son doesn’t want anyone to feel bad for him. He wants people to cheer him on”, dagdag pa niya.
Source: Inquirer Entertainment, Manila Bulletin
Photo: Philippine Daily Inquirer
Basahin: 5 early signs of autism in toddlers