“The world is healing” ang hirit ng mga netizen matapos na ibahagi ng kanilang idolo na si Sarah Geronimo na ngayon ay nakikipag-usap na raw sa kanila ni Matteo Guidicelli ang kaniyang inang si Mommy Divine.
Mababasa sa artikulong ito:
- Sarah, Matteo on speaking terms na kay mommy Divine
- Mommy Divine nagpadala ng mga gulay sa mag-asawa
Sarah Geronimo, mommy Divine nagkaayos na!
Larawan mula sa Instagram ni Sarah Geronimo
Matapos ang mahaba-haba ring panahon ng ‘di pagkakaunawaan, on speaking terms na umano ang mag-inang Sarah Geronimo at Mommy Divine. Ito ang kwento ni Sarah Geronimo sa interview ni Dyan Castillejo sa TV Patrol noong March 25, 2024.
Nabanggit ni Castillejo sa interview na nag-uusap na nga raw ang mag-inang Sarah Geronimo at Mommy Divine. Na agad sinang-ayunan ng Pop Star.
Aniya, “Yes! Yes! Thank you, Lord. I love you, Ma.”
Sumegunda naman ang asawa niyang si Matteo Guidicelli ng “I love you, Ma! And we love our moms, right?”
Larawan mula sa Instagram ni Sarah Geronimo
Salaysay nga ng mag-asawa ay okay na sila at nakikipag-usap na sa kanila si Mommy Divine. Matatadaang naging maingay na kontrobersiya nang mahigpit na tinutulan ni Divine ang pagpapakasal ni Sarah Geronimo kay Matteo Guidicelli noong February 2020.
Kaya naman ngayong nag-uusap na ang mag-ina ay talaga namang ikinatuwa ito ng mga fan ng singer-actress.
Sarah, Matteo pinadalhan ng gulay ni mommy
Larawan mula sa Instagram ni Sarah Geronimo
Bukod nga sa balitang on speaking terms na ulit sina Sarah at mommy Divine, naikwento rin ng pop star na nagpapadala raw ng gulay ang kaniyang mommy sa kanila ni Matteo.
Matatandaang noong March 2020 ay naibalita ng Cabinet Files na nagtitinda ng mga gulay at prutas si Mommy Divine. Ang mga gulay at prutas na ito ay ani niya mula sa kanilang farm. At ngayon nga ay nagagawa na nitong magpadala ng kaniyang mga inani sa kaniyang anak na si Sarah.
“Ang mama ko po, nagse-sell ng ano niya, produce niya. Mga gulay, fruits. Binigyan ako ni Mama, red rice, ganyan!” tuwang-tuwang pagbabahagi ni Sarah.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!