TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Sarah Geronimo to her parents: “Araw-araw ko po kayo nami-miss at naiisip.”

4 min read
Sarah Geronimo to her parents: “Araw-araw ko po kayo nami-miss at naiisip.”

Ayon pa sa aktres, mas matamis sana ang kaniyang tagumpay at mas magiging masaya siya kung magkakabati na sila ng mga magulang niya.

Sarah Geronimo humingi ng tawad sa mga parents niya. Pag-amin pa ng aktres araw-araw niyang namimiss ang mga ito.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Sarah Geronimo message to her parents.
  • Alitan sa pagitan ni Sarah at kaniyang mga magulang.

Sarah Geronimo message to her parents

Nitong Sabado, October 29 ay may emotional post ang singer na si Sarah Geronimo sa kaniyang Instagram account. Bagamat ito ay burado na, agad namang umagaw ito ng pansin ng marami lalong-lalo na ang mga fans ni Sarah. Dahil ang singer sa unang pagkakataon ay nagsalita tungkol sa estado ng relasyon nila ng kaniyang mga magulang.

Inumpisahan ni Sarah ang kaniyang IG post sa paghiling na sana lahat ng nakakabasa ng kaniyang post ay ligtas mula sa nagdaang bagyo. Sunod niyang pinasalamatan ang mga tao sa paligid niya at pamilya. Ganoon narin ang Diyos na inspirasyon at lakas niya umano para harapin ang mga pagsubok niya sa buhay.

Sa sumunod na talata ay doon na binanggit na Sarah ang kaniyang pamilya. Doon rin niya ipinaabot sa mga magulang niya ang paghingi niya ng tawad sa mga gusot at hindi pagkakaintindihan na pinagdaanan nila.

“Gusto ko rin kunin ang pagkakataon na ito, sa paraan din na ito.. na humingi ng tawad sa aking pamilya na labis na nasaktan sa aking mga naging desisyon sa buhay. Patawad po.”

Ito ang mensahe ni Sarah sa kaniyang mga magulang.

sarah geronimo parents

Larawan mula sa Instagram account ni Sarah Geronimo

Dagdag pa ng singer, walang hanggan ang pasasalamat niya sa mga magulang. Lalong-lalo na sa pag-aalaga at pagmamahal na ibinigay nito sa kaniya at mga kapatid niya. Pag-amin pa ni Sarah, sa kabila ng hindi nila pagkakaintindihan, araw-araw niyang naiisip ang mga magulang at namimiss niya ang mga ito.

“Sa aking mga magulang, walang hanggan po ang pasasalamat ko para sa buhay na ibinigay niyo sa akin, sa aming magkakapatid. Lahat ng suporta at pag-aaruga, ang inyong walang katumbas na pagmamahal. Walang sino man ang pwedeng makapagpunan po nito.”

“Mahal na mahal ko kayo daddy at mama ko. Araw-araw ko po kayo nami-miss at naiisip.”

Ito ang sabi pa ni Sarah.

Paalala ni Sarah tungkol sa pamilya

Sa parehong IG post ay ibinahagi rin ng singer ang isang mahalagang bagay na natutunan niya sa karanasan. Ito ay ang pahalagahan ang pamilya at kung paano pananatiling buo at masaya ito.

“Ang pamilya ay binuo ng Diyos. At patuloy itong magiging buo kung pagmamahal at pagpapakumbaba ang paiiralin sa ating puso ano man ang pagkakaiba o maging choices, desisyon sa buhay ng bawat isa.”

Paalala pa ng singer, dapat din daw pahalagahan ang bawat oras at pagkakataon na ibinibigay ng Diyos para makasama ang iyong pamilya. Gaano man ka-busy o may hindi man pagkakaintindihan ay dapat daw iparamdam sa mga ito ang iyong pagmamahal.

sarah geronimo parents

“Para saan nga ba lahat ng ginagawa natin kung hindi para rin sa kanila. Malayo man sila o malapit, yakapiin natin sila nang mahigpit sa pamamagitan ng pagtanggap at pagpili sa kanila.”

Sa sunod na talata ng kaniyang IG post ay pinasalamatan ni Sarah ang kaniyang mga fans sa walang humpay na pagsuporta sa kaniya. Pinasalamatan niya rin ang kilalang star maker at manager niyang si Vic del Rosario na naging daan niya para maging sikat na singer at artista.

At sa huli, pinasalamatan ni Sarah ang kaniyang Geronimo family na inspirasyon niya sa kaniyang mga tagumpay sa buhay. Pero dagdag pa ng singer, mas tatamis sana ang tagumpay niya at kaligayahan, kung magkakaayos na sila ng kaniyang pamilya.

“Sa aking buong Geronimo family, mula noon hanggang ngayon, kayo ang inspirasyon ko sa buhay. Para sa inyo ang aking muling pagyakap sa musika at pagkakataon na muling makapagbigay ng saya at inspirasyon sa ibang tao.

Ngunit bilang isang anak at kapatid, para sa akin ang makasama kayo habang ako ay nabubuhay nang may pagmamahalan at kapayaan sa ating mga puso ang tunay na ibig sabihin ng mga salitang tagumpay at kaligayahan.”

Ito ang sabi pa ni Sarah.

Alitan sa pagitan ni Sarah at kaniyang mga magulang

sarah geronimo parents

Larawan mula sa Instagram account ni Sarah Geronimo

Matatandaang nagsimula ang alitan sa pagitan ni Sarah at kaniyang pamilya ng biglaang magpakasal ang aktres sa mister niya na ngayong si Matteo Guidicelli noong February 2020.

Ito raw ay hindi alam ng kaniyang mga magulang. Naging mas kontrobersyal pa ito ng biglang sumulpot ang ina ni Sarah na si Mommy Divine sa kanilang kasal. Ang dahilan noon ni Mommy Divine ay gusto niya lang daw kausapin ang anak.

Pero walang detalye kung ito ba ay naganap. Bagamat kumalat ang balita na isang bodyguard ni Sarah ang nasapak ni Matteo. Ito daw ang nagsabi umano kay Mommy Divine ng dapat sana ay secret wedding ng dalawa.

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Sarah Geronimo to her parents: “Araw-araw ko po kayo nami-miss at naiisip.”
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko