Hindi itinago ni Sarah Lahbati ang kaniyang mga stretch marks sa latest bikini photo kasama ang asawang si Richard Gutierrez.
Mababasa sa artikulong ito:
- Sarah Lahbati walang takot na ipinakita ang stretch marks
- Mga dapat malaman tungkol sa stretch marks
Sarah Lahbati walang takot na ipinakita ang stretch marks
Madalas na mahumaling ang mga netizens sa sexy photos ng celebrity couple na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez. Pinagpala nga naman kasi sa kagandahan at kagwapuhan ang mag-asawa.
Pero sa latest post ni Richard Gutierrez sa kaniyang Instagram, iba ang napagtuunan ng pansin ng netizens. Bukod sa sweet pose ng dalawa, kapansin-pansin ang stretch marks ni Sarah Lahbati sa kaniyang belly.
Larawan mula sa Instagram ni Richard Gutierrez
Ilang artista ang nagcomment ng pagsuporta sa nasabing post kabilang na ang kapwa niya celebrity mom na si Coleen Garcia. Maraming fans naman ang natuwa sa pagpapakita ni Sarah Lahbati ng kaniyang stretch marks.
Saad ng isang fan, “Thanks for sharing your beautiful body, stretch marks and all…This is such a mom inspiration. You go girl!”
Isang netizen naman ang nagpasalamat din kay Sarah Lahbati sa pagpapakita nito ng stretch marks. Aniya, magiging confident na rin siya sa sariling katawan. Marami pang ibang mommy ang na-inspire sa picture ni Sarah Lahbati sa kanilang bakasyon sa El Nido, Palawan.
Larawan mula sa Instagram ni Sarah Lahbati
Matatandaang noong January 26, 2022 nang unang ipakita ni Sarah Lahbati sa social media ang kaniyang stretch marks. Sa nasabing social media post, ipinahayag ni Sarah Lahbati na pagod na siyang itago ang stretch marks. At ang pagpopost ng picture sa kaniyang Instagram ang kaniyang paraan ng pagsasabing tanggap niya ang kaniyang sarili.
“I’m tired of hiding my stretch-marks. I’m not perfect. No one is. What’s funny is it took me awhile to accept that. My biggest insecurity. To love me fully. To fully accept me.”
Reminder din daw ang kaniyang stretch marks na siya ay strong at resilient woman. At ang patunay ng kaniyang lakas ay ang pagsilang sa dalawa niyang anak na sina Zion at Kai.
Binaha rin ng papuri ang nasabing Instagram post. Isa ang celebrity mom na si Andi Eigenmann sa sumuporta sa body positivity ng aktres. At syempre todo support din si Richard Guitierrez sa lakas-loob na pagpapakita ni Sarah Lahbati ng stretch marks.
Aniya, “Proud of you my love.”
Larawan mula sa Instagram ni Sarah Lahbati
BASAHIN:
Sarah Lahbati at Richard Gutierrez nag-celebrate ng kanilang 2nd wedding anniversary
Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: “I hope one day, magkita sila.”
Daniel Padilla ready to marry Kathryn Bernardo: “Looking forward ako doon.”
Mga dapat malaman tungkol sa stretch marks
Ang stretch marks ay indented streaks o guhit-guhit sa balat na karaniwang makikita sa abdomen, dibdib, balakang, at buttocks. Common ito sa pregnant women, lalo na sa kanilang last trimester. Hindi painful o harmful ang stretch marks ngunit para sa ilan, hindi ito magandang tingnan sa balat.
Hindi required na ipagamot ang stretch marks. Kadalasang kusa itong nawawala, sumailalim man o hindi sa treatment. However, may cases na hindi na talaga ito mawawala pa.
Symptoms
Hindi lahat ng stretch marks ay magkakatulad ang itsura. Maaari itong magbago depende sa kung gaano na ito katagal sa iyong balat. Pwede ring makaapekto kung saang bahagi ito ng katawan nag-appear at kung ano ang iyong skin type. Ang ilan sa mga common variations nito ay ang mga sumusunod:
- Indented streaks o guhit-guhit sa abdomen, dibdib, hips, buttocks, o iba pang bahagi ng katawan.
- Maaaring ito ay kulay pink, red, black, purple, o blue
- Pwedeng ito ay bright streaks na nag-fade to a lighter color
- Maaari ding ma-cover nito ang large area ng iyong katawan.
Causes
Dulot ng stretching of the skin ang stretch marks. Ang severity nito ay depende sa iba’t ibang factors tulad ng genetics, at degree ng stress sa skin.
Maaari ding makaapekto ang level ng hormone cortisol sa pagkakaroon nito. Ang cortisol ay ang hormone na pino-produce ng adrenal glands. Nakaaapekto ang hormone na ito sa elastic fibers ng ating balat.
Risk Factors
Kahit sino ay maaring magkaroon ng stretch marks. However, mas mataas ang posibilidad na magkaroon ka nito kung ikaw ay:
- Babae
- May personal o family history ng stretch marks
- Buntis
- Gumagamit ng corticosteroids
- Sumailalim sa breast enlargement surgery
- Nag-eexercise at gumagamit ng anabolic steroids
- May genetic disorder tulad ng Cushing’s syndrome o Marfan syndrome
- Rapid growth in adolescence
- Mabilisang pagpapataba at pagpapapayat
Kailan dapat lumapit sa doktor?
Kung ikaw ay nababahala na sa pagdami ng iyong stretch marks. O kaya naman kung malaking bahagi na ng iyong balat ang apektado nito, magpakonsulta sa doktor.
Matutulungan ka ng doktor na malaman ang root cause ng iyong stretch marks. Kapag na-determine na ng iyong doktor ang dahilan nito, magbibigay siya ng treatment options.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!