Basta’t batang Zest-O noon, dapat batang Zest-O din ang mga anak! Mula noong bata pa kami ni Chito, hanggang sa magkaanak na kami, Zest-O pa din talaga ang sarap na nasa sa puso namin. Certified batang Zest-O ang buong pamilya!
Kagaya ninyo, Batang Zest-O din kami ni Chito!
Tuwang-tuwa ako dati kapag may nagse-celebrate ng birthday sa klase o di kaya kapitbahay dahil paniguradong makakapag-Zest-O na naman ako! It was really a treat for me na parang mas nagiging special ‘yong okasyon.
Kahit si Chito ang daming fond memories with Zest-O.
Ikinukuwento niya sa akin na kapag naiisip niya ang school days niya, ang unang naiisip niya ‘yong mga panahon na kasama lang niya ang barkada niya sa canteen—kuwentuhan, nagtatawanan at madalas puro kalokohan ang naiisip. Tamang kwela lang.
“Basta’t may Zest-O, okay na kami,” sabi niya. “Kompleto na araw namin no’n!”
Once a Batang Zest-O, always a Batang Zest-O!
Kaya naman siguro ngayong parents na rin kami ni Chito, gusto rin namin na maramdaman ng mga anak namin ‘yong same joy na we felt when we were kids kapag may Zest-O.
Siguro kahit sinong magulang na laking Zest-O makaka-relate na talagang maiisip mong isama ito sa baon ng anak mo. Staple ‘yan sa lunchbox ng chikiting namin!
One time, nakalimutan kong maglagay ng Zest-O sa baunan ni Miggy, naku po! Talagang hinanap niya. Kaya mula noon, ‘yon na ‘yong una kong nilalagay sa bag para hindi na makalimutan.
Gusto ko na kapag nakikita- nila na may Zest-O sa baon nila, maiisip nila na, “Wow, may treat sa akin si Mommy!”
Baon Ideas with Zest-O
Happy talaga ako na naging paborito din ng mga anak ko ang Zest-O. Madali na rin sa akin to mix and match the flavors sa kahit anong baon nila.
For Miggy, ang madalas na ‘binibigay ko talaga sa kaniya ay ang orange flavor. Iniisip ko kasi na mas kailangan niya ‘yon para sa extra energy at resistensya, especially these days na madalas umuulan. . Lahat pa ng flavors, contain 100% Vitamin C, high in Vitamin A & good source of Zinc na makakatulong na mas maging healthy sila.
Perfect din itong i-combine with heavy meals, kapag kanin at fried food ang ulam, mas nagiging balanced meal pag may Zest-O Juice Drink. Parang hindi kasing bigat ‘yong feeling sa tiyan pagkatapos kumain.
Kapag field trip naman o mga days na may program sina Ate Pia sa school, gumagawa ako ng Zest-O Mango slushie. Nilalagay ko lang sa freezer overnight ang pack para kahit mahaba ang biyahe at whole day ang field trip, malamig pa rin siya kapag ininom ni Ate.
Nakakatuwa rin kasi nagiging special ang baon niya at ginaya na rin ng friends niya ang Zest-O slushie hack namin.
At bilang I have growing kids, panigurado na pag-uwi galing school naghahanap pa rin sila ng merienda. Apple ang go-to flavor na hinahanda ko. Perfect pair ‘yan sa sandwich or puwede rin sa pancake!
Naisip ko nga na sa darating na summer, puwede silang magbenta ng Zest-O ice candy para bata pa lang marunong na rin silang dumiskarte at matutong mag-ipon. Sana mamana nila ‘yon from me.
Nakakatuwang isipin na dati-rati, naghihintay lang ako ng birthday para maka-inom ng Zest-O. Ngayon, dahil na rin sa sipag at tiyaga, kayang-kaya ko ng i-treat ang sarili ko at ang pamilya ko. Unli Zest-O for the whole family, hindi lang para sa mga bata, para samin din ni Chito!
More than 40 years na ang Zest-O, at mula noon hanggang ngayon, lahat ng moms kagaya ko alam na alam na Zest-O ang sarap na nasa puso ng pamilyang Pilipino! Batang Zest-O ako dati pa. Ngayon na mommy na rin ako, Zest-O pa rin ang binibigay ko sa kids ko. Sabi nga nila, moms know best!
Kayo, ano ang Batang Zest-O story ninyo?
Gawing #BatangZest-O na rin ang mga kids niyo! Hanapin ang flavors ng Zest-O in Sari-Sari Stores near you and in all leading Supermarkets nationwide. Available din sa Shopee. #SarapNaNasaPusoMo
ALSO READ: Why are snacks important for a child: Snacking and its benefits to my children