Saturday is our Family Day

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sabado lang libre si tatay, sabado lang sya nakaka pag pahinga. Minsan nga rumaraket pa sya kapag wala syang pasok sa trabaho. Gumagawa ng mga makukumpuni sa bahay, nag kakabit ng aircon, nag aayos at nag lilinis ng aircon. Kaya kapag wala syang lakad ng restday nya, sinusulit namin ang buong araw na kasama sya. After lunch, naghaharutan muna kami kulitan, kwentuhan bago mag siesta, syempr pati kaming magulang sumasabay ng siesta sa dalawang chikiting para makabawi ng tulog at pahinga. Pag gising ng hapon, saka kami lalabas sasakay gamit ang motor ni tatay. Lilibot lang sa kung saan, hindi naman kalayuan at syempre doble ingat. Pumapasyal kami sa hindi gaanong mataong lugar at open na area para safe. Tuwang tuwa ang dalawa kong anak sa tuwing nakasakay sa motor, kung ano ano ang tinuturo." tatay airplane.". "tatay, big truck" "tay excavator" "tay clouds" "tatay saranggola". Hindi nauubos ang daldal, lahat napapansin, sobrang nakakatuwa. Pag tapos pumasyal hindi pa natatapos dahil bibili kami ng miryenda syempre ang paborito nilang Bananaque, bibili kami sa palengke at kakainin namin sa malapit na Park sa lugar namin.Kung saan pinapasyalan talaga ng mga bata para makapag laro at makapag takbo takbo ang mga bata. Pagtapos mabusog sa miryendang bananaque, saka naman mag hahabulan ang dalawang bata at syempre naka bantay kami sa kanila, may ibang bata din kasi na tumatakbo at hindi namamalayang makaka bangga na. At kapag oras na ng uwian,hihirit pa talaga at magsasabing "nanay bibili tayo ng ulam" oh diba? Alam na ng turning 4 years old son ko ang mga dapat mangyari, hahahaha. O siguro sadya lang syang galaero kaya gusto pang mamalengke. Matatapos ang araw ng pahinga ni tatay na may mga batang napagbigyang lumabas at makagala kahit minsan lang, ayus lang. Importante nabibigyan ng oras at atensyon ang pamilya. Para sa akin simple lang ang buong araw, kuntento na ako sa oras na binibigay ni tatay sa aming pamilya. Masayang masaya na ako, Oras at atensyon lang sobra sobra na para sa amin ng mga anak nya. Kaya sa mga susunod na sabado, isa lang hinihiling ko walang katapusang kasiyahan para sa pamilya ko ❤️

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

elene orio aguelo