Saudia flight na mula Jeddah to Malaysia nag-emergency turn-around dahil sa isang pasaherong ina na nakalimutan ang baby niya sa airport.
Usap-usapan ngayon sa online world ang kuwento ng isang ina na sumakay sa eroplano at naiwan ang kaniyang baby sa airport.
Naging controversial pa ito lalo ng mag-trending din ang video ng pag-uusap ng piloto at air traffic control operatives na humihingi ng permiso na makabalik sa King Abdul Aziz International Airport ilang minuto lang matapos magtake-off.
Ito ay dahil umano sa isang pasahero na naiwan ang baby niya sa airport.
Saudia flight incident viral video
Ayon sa video na unang inupload sa Youtube at naging viral na, maririnig ang piloto sa salitang Arabic na nire-relay ang nangyari at dahilan kung bakit kailangan nilang bumalik.
Gulat at hindi alam ang gagawin ay hindi agad nakasagot ang mga air traffic controllers.
Mula sa salitang Arabo ay itinaranslate sa salitang Ingles ang pag-uusap ng piloto at ATC operatives para mas maintindihan ng mga nakikinig.
“May God be with us. Can we come back or what?” ang sunod na nasambit nalang ng piloto na naisalin na mula sa salitang Arabo
Sa parehong video ay maririnig ang usapan sa background ang ATC operatives na hindi makapaniwala sa nangyayari.
“This flight is requesting to come back… a passenger forgot her baby in the waiting area, the poor thing,” ayon sa isang operative.
Dito na muling tinanong ang piloto ng ATC operative para kumpirmahin ang dahilan kung bakit kailangan nilang bumalik.
“One passenger she left her baby in the terminal. She refused to continue the flight,” sabi ng piloto.
Gulat at hindi parin alam kung anong tamang action na dapat gawin ay napasagot nalang ang ATC na, “Ok, head back to the gate. This is totally a new one for us!”
Ayon sa mga reports ay bumalik at nagkitang muli ang ina at ang baby niya na naiwan.
Ngunit hindi pa alam sa ngayon kung ano nga ba ang naging dahilan upang makalimutan ng ina ang kaniyang anak.
Samantala, hindi ito ang unang insidente ng air-travel related parenting decision.
Noong 2017, isang larawan ang kumalat ng isang baby na inihiga sa airport floor habang gumagamit ng telepono ang kaniyang ina.
Ang larawan ay inupload ng isang netizen na may caption na “idiot.”
Agad itong naging viral at tumanggap ng magkakaibang reaksyon sa netizen sa umano’y kapabayaan ng ina ng baby.
Sa paliwanag ng ina ng baby na kinilalang si Molly Lensing na taga-Illinois inilapag niya sa airport floor ang kaniyang baby upang ito ay maka-stretch.
Ilang oras na daw kasing nakalagay sa carrier ang kaniyang two-month old daughter matapos silang ma-stranded sa Colorado Airport ng mahigit 20 hours na dahil sa technical glitch sa Delta.
Dahil sa pagod at kailangang maka-stretch ay inilapag niya muna ito sa airport floor na sinapinan niya ng blanket.
Kinailangan niya ring tumawag sa kanilang pamilya para malaman kung nasaan sila at hindi na mag-aalala.
Dahil naging viral ang naturang larawan ay kinabahan si Lensing na maaring makita ito ng isa sa kaniyang mga katrabaho at makumpromiso ang credibility niya bilang isang pediatric nurse.
Kaya naman sana, ang karanasan daw na iyon ayon kay Lensing ay maging isang aral sa publiko na huwag agad i-judge online ang parenting techniques ng isang taong hindi naman nila kilala.
Ganun narin sa nangyaring insidente sa Saudia flight.
Sa ngayon ay hindi pa natin alam kung ano ang naging dahilan kung bakit naiwan ng ina ang kaniyang baby.
Ang mahalaga ay nagkita muli sila at nagkasama.
Dahil sa ginawang pag-iintindi ng piloto sa request at kalagayan ng inang pasahero ay nakatanggap naman ito ng papuri sa mga netizens.
Sources: The Independent, The Independent, Today, Lad Bible
Photo by Niels And Marco on Unsplash
Basahin: Worried about ‘mommy brain’? Here are 7 ways to keep your mind sharp