Ito daw ang ginagawa nila Hayden at Vicki para ma-encourage si Scarlet na magkaroon ng love of learning

Ito daw ang ginagawa nila Hayden at Vicki para ma-encourage si Scarlet na magkaroon ng love of learning

Ayon kay Daddy Hayden Kho, isa lang daw ang ginawa nila ni Dra. Vicki Belo upang ma-encourage ang anak na si Scarlet Snow Belo na maging bibo at mabait.

Ika-17 ng Setyembre, Martes, nagkaroon ng pagkakataon ang TAP na makausap si Dr. Hayden Kho sa Meet My Feet Event sa White Space Manila sa Makati para sa launching bilang brand ambassador ng kanilang anak ni Vicki Belo na si Scarlet Snow Belo.

Paano ito ine-encourage kay Scarlet Snow Belo?

Paano nga ba mahihikayat ang isang apat na taong gulang na bata ang "love of learning?"

Para kay Doc Hayden para mahikayat niya ang anak na si Scarlet Snow Belo, "learn by example," ika nga rin ng ibang mga magulang.

Tip ni Doc Hayden, "Well children learn by example, so if you want your kids to read books, you have to show them that you're reading books."

Halimbawa pa niya, "If you want them to set aside time to study, then set aside time to study and show them you can't just lecture them about these things—you have to show them by example."

"Everything naman with kids, they just look at you and then copy what you do," dagdag pa ng ama ni Scarlet Snow.

"Obedience should be right away all the way with a happy heart."

Sa pagdidisiplina naman nila Hayden Kho at Vicki Belo kay Scarlet Snow, wari naman nila'y dinidisiplina nilang mabuti ang kanilang anak.

Katulad rin ng ibang bata, binibigyan rin nila ng timeout ang anak at pinapaalala rito kung gaano kahalaga ang "obedience."

Kuwento nga ni Doc Hayden, "I think we're doing okay—we're doing well in fact in disciplining her and she's not naman matigas ang ulo."

Dagdag pa ng doktor, "She's not disobedient, she's not salbahe. If I need her to do something, all I have to say is okay and I don't have to make a face or anything."

"I don't even have to say it in an intimidating way, I just have to say it and then she'll do it," aniya pa.

"We use the rod—we use timeouts," mariin niyang sinambit.

Paliwanag ng doktor, "Her favorite is her playroom, so we don't allow her to use her playroom."

"Our training is obedience should be right away all the way with a happy heart, so if it's not right away, she gets it," pagbabahagi niya.

Own style

Sa murang edad ni Scarlet Snow Belo, makikitaan na nga siya ng kaniyang pagiging fashionista, lalo na sa kaniyang mga isinusuot na damit.

Kuwento ni Daddy Hayden Kho ang pagkakaroon ni Scarlet Snow ng sarili niyang style ay dahil na rin sa kaniyang bubbly personality.

Pagbabahagi ni Doc, "Well she loves colors—she has a very bubbly personality and also a very colorful personality!"

Aniya pa, "We're just discovering this about her now, now that she's 4 years old we're excited!"

"Why does she like particular colors? I don't really know. What I do know is that when she likes something, she really, really likes it. She's a creature of habit," paliwanag niya.

Kuwento pa ng doktor na nagsti-stick na di-umano sa partikular na kulay ang anak na si Scarlet Snow and nagma-match na rin ito ng kulay na gusto niyang suotin.

Sambit ni Hayden, "Ang favorite niya naman has always been purple and then her second has always been brown."

"Ever since she was one and a half years old, purple, brown, and blue-green," aniya pa.

Paliwanag pa ng celebrity dad, "It doesn't change—yun yung gusto niyang colors talaga and she has particular color combinations that she wants combined and she doesn't just mix & match whenever she's in the mood to choose, but otherwise she wears whatever."

Photo: Cocoon Studio (Meet My Feet event)

Basahin: Teach your kids to love books at a young age

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner