Scarlet Belo, isa na ring tourism ambassador!

Scarlet Belo, isa na ring tourism ambassador!

Ang cute na cute na bulilit nila Hayden Kho at Vicki Belo na si Scarlet Snow Belo ay opisyal na ngang itinalaga bilang youngest tourism ambassador.

Youngest and cutest tourism ambassador

Nito ngang ika-17 ng Setyembre, Martes, sa edad na apat na taon, itinalaga si Scarlet Snow Belo bilang isang tourism ambassador ng Department of Tourism na pinangunahan ni Secretary Berna Romula Puyat.

Sa Instagram post nga ni Secretary Berna masayang isinambit niya, "@scarletsnowbelo, our youngest and cutest advocate of Philippine tourism, is now part of the fun! #itsmorefuninthephilippines #itsmorefunwithscarletsnow"

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Berna Romulo Puyat?????? (@bernsrp) on

Sa Instagram account naman ni Scarlet Snow, niyaya niya agad si Secretary Berna to get to work.

Aniya sa kaniyang caption, "Ok Tita Berna, let's get to work and invite ALL the peoples of the world to our Philippines (but only as visitors, ok!) #ItsMoreFunInThePhilippines"

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Scarlet Snow Belo (@scarletsnowbelo) on

Proud parents

Sa pagtalaga nga kay Scarlet Snow Belo, siyempre ang kaniyang mga magulang na sina Hayden Kho at Vicki Belo ang pinakamasaya at proud sa lahat.

Ipinakita nga ni Dra. Vicki kung gaano siya ka-proud sa anak sa kaniyang Instagram post.

Sa caption ng celebrity derma momma, "At 4 years old @scarletsnowbelo already knows that #itsmorefuninphilippines."

Nagpasalamat din ang doktora sa DOT secretary, "Thank you @bernsrp for inspiring our daughter."

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Vicki Belo, M.D. (@victoria_belo) on


Source: Phil Star

Basahin: Mga importanteng travel safety tips para sa mga nagbubuntis

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner