School Supplies List: Back To School Must-Haves For Kids

Pasukan na naman! Siguradong mamimili ka na ng school supplies ng iyong anak. Alamin ang mga gamit na di dapat mawala sa iyong shopping list!

Pasukan na naman! Siguradong nagsisimula ka nang maglista ng mga school supplies na bibilhin mo para sa iyong chikiting. Tiyak na kaliwa’t kanan na pamimili na naman ‘yan mommy. 

‘Wag na ‘wag mastress! Tutulungan ka namin sa pagpili ng mga back to school supplies na maaari mo ring mabili online. Keep on scrolling para malaman kung ano nga ba ang mga products na dapat ay kasama sa listahan mo. Plus, alamin ang mga best brands na tiyak ay sulit at dekalidad.

School Supplies List

School Supplies List: Back To School Must-Haves For Kids

1. School bag

Una sa listahan ay ang school bag. Tiyak na mas maeexcite ang iyong anak kapag maganda at gusto niya ang design ng kanyang bag. 

Napakaraming available na bags online na mura, waterproof at may magandang designs at colors gaya ng Thunlit school backpack. Ang bag na ito ay gawa sa nylon kaya’t ito ay splash proof. Breathable rin ito at magaan. May cute animal prints ang backpack na ito at available in two colors: pink at green. Perfect mapa-babae man o lalaki ang iyong chikiting. 

School Supplies List: Back To School Must-Haves For Kids | Thunlit Backpack

2. Pencil

Kung nasa grade school ang iyong anak, napaka importante ng lapis para sa kanya. Ito ang ginagamit na panulat ng mga bata na nasa prep hanggang grade 3. Sa kabilang banda, essential pa rin ito para sa mga higher grade level dahil ginagamit din ito sa iba nilang subjects gaya ng Art.

Sa dami ng brands ng pencil na mabibili mo sa market, siguradong pipiliin mo pa rin ang Mongol for your little one. Subok na ang brand na ito sa loob ng maraming taon at sure na sure kang safe ito at non-toxic.

School Supplies List: Back To School Must-Haves For Kids | Mongol Pencil

3. Crayons

Hindi rin pwedeng mawala sa listahan mo ng school supplies ang crayons. Bukod sa ginagamit ito para sa Art class, kadalasan ay nirerequire rin ito bilang pangsagot ng mga activities ng iyong chikiting sa kanilang libro.

At siguradong pag naisip mo ang crayons, Crayola agad ang brand na pumapasok sa isip mo. Ito ang kinalakihang brand ng crayola ng bawat isa sa atin. Tiyak na safe rin ito ipagamit sa iyong chikiting dahil gawa ito sa non-toxic ingredients.

School Supplies List: Back To School Must-Haves For Kids | Crayola

4. Pad paper

Huwag din kalimutan ang pad paper ng iyong anak. Kadalasang ginagamit ito para sa mga short quiz o exam at iba pang activities. Siguraduhin lamang na akma para sa grade level ng iyong chikiting ang iyong pipiliin.

Maganda ang brand na EasyWrite pagdating sa pad paper. Makinis ang bawat pahina kaya naman napakaganda sulatan. Malinaw din ang mga lines na siyang nagsisilbing gabay ng mga estudyante sa pagsulat.

School Supplies List: Back To School Must-Haves For Kids | Easywrite

5. Notebook

Last but not the least, notebook! Iba’t ibang uri rin ng notebook ang ginagamit ng kids depende sa kanilang grade level. At maaaring umabot sa sampu o higit pa ang kakailanganin nila nito dahil sa iba’t ibang subjects na mayroon sila.

Kaya naman para makatipid, magandang choice ang notebook set na ito from Advance. Available ang brand na ito anumang type ng notebook ang kailangan mo! Mayroon silang writing, composition at spiral notebooks. Sa halagang di aabot ng Php 200, mayroon ka nang 6 pieces notebook.

School Supplies List: Back To School Must-Haves For Kids | Advance

Price Summary

Brand Price
Thunlit Backpack Php 399.00
Mongol Pencil Php 115.00
Crayola Crayons Php 89.00
Easywrite Pad Paper Php 61.00 - Php 178.00
Advance Notebook Php 149.00

School Supplies List: Back To School Must-Haves For Kids

Siguradong maging ikaw mommy ay excited na sa pagpasok ng iyong chikiting sa school. Ngunit bago ang lahat, tiyaking ready na ang kanyang mga gamit. Kaya naman ano pang hinihintay mo? Mag add-to-cart na agad ng mga school supplies na nasa aming listahan at ‘wag palagpasin ang discounts na naghihintay sa’yo! 

 

Sinulat ni

Teresa Alcantara