School year 2020-2021 magbubukas sa August ayon sa DepEd

Inanunsyo ni DepEd Secretay na ngayong August ang simula ng school year 2020-2021 sa Philippines. Ito ay sa gitna ng COVID-19 outbreak sa buong bansa.

Nitong May 5 ng umaga, opisyal ng inanunsyo ni DepEd Secretary Briones ang pagbubukas ng school year 2020-2021 sa Philippines. Ito ay sa kabila ng nararanasan pa ring COVID-19 outbreak sa buong bansa.

School year 2020-2021 in Philippines | Image from: Unsplash

School year 2020-2021 in Philippines

Sa public briefing na ginanap nitong Tuesday ng umaga sa Laging Handa, opisyal na inanunsyo ni Department of Education Secretary Leonor Briones ang pagbubukas ng school year 2020-2021 sa Philippines ngayong August 24.

Ngunit dahil sa banta pa rin ng COVID-19 sa bansa, hindi magiging normal o dating kinagawian ang pagsisimula ng bagong school year ng mga studyante. Ayon kay Secretary Briones, maaaring pumunta mismo sa school ang studyante o kaya naman via online ang pag-aaral. Ang pagpasok ng studyante ay nakabase sa magiging desisyon ng government task force bawat lugar. Ito ay dahil rin sa bagong protocol na itinaas na nagsimula noong May 1. Ang pagkakaroon ng General Community Quarantine.

Samantalang, maaaring online teaching muna ang mangyayari sa mga lugar na nakataas pa rin ang Enhanced Community Quarantine.

School year 2020-2021 in Philippines | Image from Freepik

Dagdag pa ni Secretary Briones, ang main priority nila ay pangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng mga studyante.

“Una sa lahat, ang pinakamalaking konsiderasyon natin dito ay to protect the health and safety and well-being of learners. ‘Yun ang pinakaunang priority natin,”

Ang klase ay magsisimula sa August 24 at magtatapos sa April 30, 2021.

Aminado si Secretary Briones na ito ay isang challenge para sa kanila at hindi magiging madali ang bagong ipapalakad. Ayon rin sa kanya, nakahanda na ang ibang mga school para sa pagbubukas ng klase sa August. Ang ilang public o private schools ay nakahanda na sa bagong method ng pagtuturo via online.

Dagdag ng DepEd secretary na nagsagawa sila ng survey para rito. Pwedeng gamitin ang field ng online, TV, cellphone at radio sa pagtuturo.

Kailangang ring mag report ng school sa kanila sa June 1 kung ano ang plano sa darating na pasukan. Kung ito ba ay gagawing physically o virtually.

School year 2020-2021 in Philippines | Image from Freepik

“May mga schools na handa na daw sila na magbukas ng online, public o private, ng kanilang school lessons. Marami ring through the cellphone. Nag-survey kami, puwede ding sa telebisyon at saka sa radyo,”

Kanselado na rin ang mga national at school related activities katulad ng Palarong Pambansa, Brigada Eskwela at iba pang aktibidad sa school na dinadaluhan ng maraming tao. Ito ay para mapanatili pa rin ang social distancing na mahigpit na inuutos. Bawal pa rin ang mga mass gathering para na rin maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Samantala, panatilihin pa rin ang proper health quarantine guidelines. Iwasan muna ang paglabas ng bahay at makihalo sa madaming tao. Ugaliin ang social distancing kung hindi maiiwasang lumabas para mamili ng grocery. I-disinfect muna ang mga pinamili at maghugas ng kamay kapag galing sa labas.

 

Ingat po tayo mommies! 

 

Source:

GMA News

BASAHIN:

Teach your kids life skills instead of homeschooling during pandemic

Sinulat ni

Mach Marciano