Babawasan umano ng Department of Education (DepEd) ang prescribed minimum school days na noon ay 180-220 days. Ipatutupad daw ito sa school year 2024-2025.
Araw ng pasok sa eskwela babawasan ng 15 araw
Dahil sa naging karanasan ng mga estudyante ngayong S.Y 2023-2024, kung saan ay naging madalas ang class suspension. Nagdesisyon ang DepEd na bawasan ang prescribed minimum school days para sa susunod na academic year.
Ayon kay DepEd Assistant Secretary Francis Bringas, plano ng ahensya na bawasan ng 15 araw ang noo’y 180 hanggang 220 school days na nakatalaga sa batas. Maaari umanong magsimula ang S.Y 2024-2025 sa July 29 at matapos ng March 31, 2025. Saktong 165 days.
Ito umano ay para matiyak na sa panahon na matindi ang init ng panahon, partikular sa buwan ng Abril at Mayo, ay naka-bakasyon na ang mga mag-aaral.
“The immediate effect of the transition is if we’re going to end in March 2025. The number of school days will be reduced to 165. Historically, the minimum has been 180 school days, and because we will shorten the SY, we will have to cope with the possible non-covering of some competencies,” saad ni Bringas sa interview ng PTV.
Old school calendar ibabalik sa school year 2025-2026
Sa kabila ng pagpapaikli ng araw ng pagpasok sa eskwela, titiyakin naman umano ng ahensya na masasaklaw ang lahat ng required competencies. Gagawa umano sila ng drastic measures. Para masiguro na ang lahat ng kailangang maituro at matutunan ng bata ay maituturo sa mas maikling panahon.
“So that’s what the curriculum and teaching strands are preparing to make sure that there will not be an increase or additional learning loss,” aniya.
Ang hakbang na ito ng ahensya ay simula na rin ng planong pagbabalik sa old school calendar.
Sa meeting ng House basic education committee, kinompirma ni DepEd Bureau of Learning Delivery Director Leila Areola. Na magsisimula nga ang S.Y 2024-2025 sa July 29 at magtatapos sa March 31. Kaugnay nito, sa susunod na taon o sa S.Y 2025-2026 ay magsisimula na ang mga klase ng June.