#AskDok: Mabisa ba ang sebo de macho pantanggal ng peklat?

Madaming nagpapatunay sa bisa ng sebo de macho. Ano ang masasabi ng mga dermatologist tungkol sa bisa nito pagdating sa mga peklat?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Madaming nagpapatunay sa bisa ng sebo de macho. Ano ang masasabi ng mga dermatologist tungkol sa bisa nito? Effective ba talaga ang sebo de macho?

Ano nga ba ang sebo de macho?

Matibay ang katawan natin, kung titingnan ang dami ng sakit o karamdaman na nalalabanan nito sa araw-araw. Bagama’t minsan ay hindi lubusang gumagaling, at nag-iiwan pa ng bakas—tulad ng peklat sa balat.

Walang may gusto na mabahiran ang balat, lalo na kung di kaaya-aya ang peklat. Ang pangit nga namang tingan. Madalas na tanong ng lahat: ano ba ang mabisang pantanggal ng mga peklat sa balat?

Sa mga Pilipino, ang sebo de macho ang pinaka-kilalang pantanggal ng peklat. Marami ang nagpapatunay na epektibo ito, bagama’t matagal na panahon nga lang ang dapat na paggamit. Ating alamin kung paano gamitin ang sebo de macho.

Paano gamitin ang sebo de macho? | Image from Freepik

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Aprubado ba ng DOH at ng mga dermatologists ang sebo de macho?

Ang tanong ng karamihan, effective ba ang sebo de macho?

Ayon kay Dr. Rowena “Owen “Aguilar-Joven, M.D., dermatologist, hindi nirerekumenda ng mga dermatologist ang sebo de macho na pantanggal ng peklat. Tinuturing lang itong herbal o natural medicine, na hindi naman nakakasama, pero walang ‘therapeutic claims,” paliwanag ni Dr. Joven.

Wala naman ito sa listahan ng mga hindi aprubado at delika dong produkto ng DOH. Pero hindi rin ito “gamot”.

Ang peklat ay permanente. May mga mistulang nabubura nang bahagya, pero ito ay nagiging “light” lang talaga, o nag-iiba ng “kulay”. Pero kapag ang peklat ay sanhi ng hiwa, sunog o kaya ay puncture wound, hindi mabubura ang peklat nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano gamitin ang sebo de macho?

Walang makikitang ingredient ng sebo de macho sa lata nito, Pero ayon sa pagsasaliksik, iisa lang ang taglay nito: mutton’s tallow. Ano iyon at paano gamitin ang sebo de macho?

Ang mutton’s tallow ay sheep fat na remedyo para sa anumang kondisyon ng balat, mula pa nuong sinaunang panahon. Ito ay isang natural na produkto na nakakatulong na mapalambot ang balat na may peklat, at ayusin ang scar tissue.

Marami man ang nagpapatunay na epektibo ito at nakapagpawala ng peklat nila, dapat tandaan na ang pag-alis ng peklat ay hindi kasing-dali ng pagpapahid lang ng anumang ointment, dagdag na paliwanag ni Dr. Joven. Iba-iba kasi ang peklat—may malubha, malalim at may mababaw lang din. Depende rin ito sa genetic make-up ng isang tao, tulad na lang ng mga keloidal o prone sa keloids at sa may mga skin conditions tulad ng eczema at psoriasis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano gamitin ang sebo de macho? | Image from Freepik

Mainam ang ito bilang skin moisturizer, at maaari ding makatulong sa pagpapagaling ng ilang skin conditions tulad ng kagat ng insekto. Ang taglay kasi nitong mutton’s tallow ay fatty acids na nakakatulong sa pagpapakinis ng balat dahil may “naturally-occurring skin-restoring sebum” ito. Sa madaling salita, makakatulong ang ito na “mabura” ng paunti-unti ang peklat, pero hindi siguradong mawawala ng tuluyan ang peklat. Kailangan din ay regular at matagalan ang gamit nito.

Effective ba ang sebo de macho?

Ang pinakamainam na solusyon sa peklat ay ang maiwasan ito. Kapag may sugat, linisin itong mabuti gamit ang tubig, sabon at antiseptic, para maiwasan ang impeksiyon. Impeksiyon kasi ang pangunahing sanhi ng peklat. Iwasan ang pagpapahid ng kung anu-anong cream kung sariwa pa ang sugat.

Huwag ding kukutkutin ang mga lungab ng natutuyong sugat, dahil ito din ang nagiging sanhi ng peklat.

Paano nga ba nagkakaroon ng peklat?

Nabubuo o nagkakaroon ng peklat kapag napinsala ang iyong dermis o ang malalim at makapal na layer ng iyong balat. Ang katawan ay bumubuo ng panibagong collagen fibers upang matagpi ang napinsalang balat, na nagbubunga ng peklat. Ang peklat ay nabubuo kapag ang sugat ay tuluyan nang gumagaling o magaling na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Effective ba ang sebo de macho? | Image from Freepik

Iba’t ibang uri ng peklat

Mayroong ibat’t ibang uri ng peklat depende kung paano mo ito natamo.

Keloid scars. Ito ang resulta ng sobrang agresibong proseso ng pagpapagaling. Maaaring maiwasan ang pamumuo nito sa pamamagitan ng pressure treatment o paggamit ng gel pads na may silicone kapag ikaw ay nasugatan. Kadalasang ito ang namumuong peklat sa mga taong may dark skin.

Contracture scars. Ito ang tawag sa mga peklat na dulot ng pagkasunog ng balat.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hypertrophic scars. Ito ay halos kaparehos ng keloid ngunit ito ay kulay pula, at ang pinsalang natamo nito ay hindi kasing-lala ng keloid.

Acnescars. Kung ikaw ay mayroong mga tigyawat o severe acne, maaari itong mag-iwan ng peklat.

Paano maaalis ang mga peklat?

Hindi man aktwal na naaalis ang peklat, may mga paraan para mabawasan ang kulay o bahagyang mabura sa ating balat. Tulad ng sebo de macho, may iba pang mga paraan para mabawasan ang peklat sa ating katawan.

Gamot sa peklat

Narito ang ilan sa mga gamot at over-the-counter (OTC) options na makakatulong para bahagyang mabura o mabago ang kulay ng peklat.

  • Creams, ointments o gels.

Ito ay katulad ng sebo de macho na isang moisturizer na pangtanggal ng peklat. Ang mga produktong ito ay ginagamit upang gamutin ang peklat na dulot ng hiwa, o sugat.

  • Silicon gels or sheets.

Ginagamit lamang ito sa balat na nagsisimula nang gumaling at hind isa mga open wounds.

  • Steroids.

Ang corticosteroid injections ay epektibo sa mga makakapal na peklat tulad ng keloid scars. Tinuturok ito sa tissues ng peklat upang mabawasan ang pangangati, pamumula at burning sensations na maaaring naibibigay ng mga peklat.

  • Laser therapy.

Tinatawag din itong laser skin resurfacing o laser scar revision. Ito ay kung saan ang tinatarget ng laser therapy ang mga blood vessels upang mabawasan itsura o kulay ng peklat.

  • Chemical peels.

Ginagamit sa panggagamot ng mild scarring. Isa itong chemical solution na natutunaw sa outermost layer ng ating balat at nakakatulong sa pagtaas ng cell turnover at nakapagbibigay ng mas makinis na balat at nababawasan ang irregular complexion. Kung ikaw ay mayroong dark skin, mas epektibo ang glycolic acid peel.

  • Subcision.

Isang epektibong common aesthetic treatment na ginagamit para sa mga acne scarring. Partikular na rin sa mga depressed o indented scars.

  • Microneedling.

Nagagamit ito sa lahat ng uri ng peklat. Pinapalakas nito sa collagen production na nakakatulong sa pag-restructure ng balat at mabawasan ang appearance ng peklat.

  • Medicated creams.

Ibinigay ito ng doktor depende sa uri ng peklat na mayroon ka. Kadalasang mas epektibo ito sa mga over-the-counter (OTC) creams.

Ilang natural na solusyon sa peklat

Kung hindi ka kampante dito, pwedeng subukan ang mga sumusunod na natural solutions.

  • Baking soda at tubig

Mabisa daw it kapag ginamit tuwing makalawang araw. Ipahid sa peklat at marahang kuskusin. 

  • Aloe vera 

Gumamit ng sariwang dahon ng aloe vera, pigain ang gel nito at ipahid sa peklat.

  • Lemon juice o Apple Cider vinegar

Gamiting ito bilang “toner”. Subukan muna sa maliit na bahagi ng balat dahil baka masyadong sensitibo ang balat mo para sa lemon juice.

Nakakatulong ang dalawang ito na matanggal ang pigmentation o discoloration. Ipahid lang sa peklat at iwan ng Ilang minuto saka hugasin. Gawin ito isang hanggang dalawang beses kada araw.

  • Langis ng niyog

Magpakulo ng langis ng niyog at haluan ng aloe vera gel, saka ipahid sa peklat. Hayaan hanggang 20 minuto, saka banlawan.

  • Gumamit ng  mga natural moisturizer tulad ng Bio-oil, cocoa butter, shea oil, Vitamin E oil, Coconut oil, Aloe Vera, at Rosehip Seed Oil.

  • Turmeric powder

Paghaluin ang turmeric powder, gatas at honey at ipahid sa peklat. Nakakatulong din ito na magkaron ng ‘glowing skin’.

  • Lavender at olive oil

Paghaluin ang tatlong patak ng lavender essential oil sa tatlong kutsara ng olive oil, imasahe sa bahagi na may peklat sa loob ng 5 minuto, at hayaan ito hanggang 30 minuto, bago hugasan ng maligamgam na tubig.

  • Patatas

Kuskusin pabilog ang iyong peklat gamit ang medium thick na hiwa ng patatas sa loob ng 20 minuto, matapos ay hayaan itong kusang matuyo sa loob ng 10 minuto.

Gawing regular ang paggamit o pagpahid, para makita ang bisa nito.

Tandaan lang na kapag gumamit ng mga ito, umiwas sa pagbibilad sa araw, payo naman ni Dr. Shubaghi Perkar, MD, dermatologist. Nakakasunog ng balat ang araw, at hindi ito aayon kung gumagamit ng mga pampaputi o pampaalis ng peklat. Kapag sunog ang balat, mas mahahalata ang peklat.

 

 

Dr. Rowena “Owen “Aguilar-Joven, M.D., dermatologist; Dr. Shubaghi Perkar, MD, dermatologist; WebMD

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.