LOOK: Miriam Quiambao gives birth to second son at 46

Ayon kay Miriam, mas naging madali ang naging pagbubuntis niya sa pangalawang anak sa kabila ng kondisyon na APAS at sa kaniyang edad.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Second baby ni Miriam Quiambao ipinanganak na! Ito ay isang boy na pinangalanan nilang Ezekiel.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Pagsilang ng second baby ni Miriam Quiambao.
  • Pregnancy journey ni Miriam sa kaniyang 2nd miracle baby.

Second baby ni Miriam Quiambao ipinanganak na!

Image screenshot from YouTube video

Ipinanganak na ni Miriam Quiambao ang kaniyang second baby na pinangalanan nilang Ezekial Isaiah “Ziki” ng mister na si Ardy Roberto.

Ayon sa latest Instagram post ni Miriam si baby Ziki ay ipinanganak nito lamang Lunes, July 12 sa ganap na 6:6pm. Si baby Ziki ay may timbang na 7lbs 1oz at may habang 50cm ng maipanganak.

Sa kanilang YouTube channel ay ibinahagi rin nila Miriam at Ardy ang naging panganganak ng dating beauty queen.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pahayag ni Ardy, siya ay excited at kinakabahan sa pagdating ng pangalawa nilang anak ni Miriam.

“I feel the adrenaline, I don’t know what to do. I want to run around the hospital. And I am hoping na I can be there when the baby comes out,” sabi ni Ardy.

Sa vlog ay ibinahagi naman ni Miriam ang kaniyang naging paghahanda sa panganganak sa pangalawang anak via cesarean section delivery.

“I am so nauuhaw. Hindi pala puwede uminom just before CS. Last meal ko was 9 o’clock that was my last bite. Tapos at lunch time I was just drinking water. Pero nothing by mouth until 5 o’clock.”

Ito ang pahayag ni Miriam na makikitang very happy at excited sa pagdating ng pangalawa niyang anak. Dagdag niya pa nga sila ng mister na si Ardy ay very emotional sa pagdating ng kanilang 2nd baby.

Sa tulong nga ng kaniyang OB-Gynecologist na si Dr. Becky Singson mula sa Asean Medical Center ay matagumpay na naisilang ni Miriam si Baby Ziki.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maririnig sa video na tuwang-tuwa ang doktora kay baby Ziki, “Ang taba-taba!”. Ito ang masayang sabi ng doktora ng mahawakan na ang anak ni Miriam.

Miracle baby number 2 nila Miriam at mister na si Ardy Roberto

Image screenshot from YouTube video

Para kay Miriam at Ardy, ang pangalawa nilang anak na si baby Ziki ay isa ring miracle baby tulad ng panganay nilang si Elijah. Ito ay dahil ang naging pagbubuntis ni Miriam dito ay hindi nila inaasahan.

Dahil sa edad na 45 ay hindi na akalain ni Miriam na mabubuntis pa siya lalo pa’t siya ay nakakaranas ng kondisyon na APAS o Antiphospholipid Antibody Syndrome. Ito ang nagpahirap kay Miriam na magbuntis sa una nilang anak ni Ardy.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Another miracle ito ‘di ba, imagine 45 years old na ko, 1 to 2 percent of getting pregnant. Tapos ito wala pang mga work-ups spontaneous pregnancy siya.”

Ito ang naging pahayag ni Miriam noon ng i-anunsyo ang naging pagbubuntis niya kay baby Ziki, Disyembre ng nakaraang taon.

Sa edad na 46 maayos niyang naisilang si baby Ziki na walang komplikasyon hindi tulad ng nauna niyang panganganak. Mas naging madali rin ang naging pagbubuntis niya sa kaniyang 2nd baby na umabot ng 37 weeks na ipinagbuntis. Hindi tulad ng panganay nilang si Elijah na inabot lang ng 35 weeks.

Image screenshot from YouTube video

Ang kuwento at kondisyon nga ni Miriam ay ginamit na halimbawa ni Dr. Singson sa mga babaeng nagnanais rin na magkaanak.

“Lahat ng kababaihan dyan na hopeful na magkaanak, may pag-asa pa. Miriam is such a beacon of hope for everybody.”

Ito ang sabi ni Dr. Singson na OB-Gyne ni Miriam.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

LOOK: Miriam Quiambao shares birth story of Baby Elijah

Miriam Quiambao on marriage and becoming an ‘instant mommy’

APAS o antiphospholipid antibody syndrome: Sanhi, sintomas, at lunas

Ano ang APAS o Antiphospholipid Antibody Syndrome?

Ang APAS o Antiphospholipid Antibody Syndrome ay isang sakit na kung saan ang isang tao ay may mataas ng level ng antiphospholipid antibodies (APA) sa kaniyang dugo.

Dahil sa mataas na presensya ng APA sa dugo, mas nagiging malapot ang dugo ng taong may APAS na posibleng maging dahilan ng pagbabara nito sa ugat o vein.

Ayon sa statistics, isa hanggang limang porsyento lang sa 100 na tao ang nagkakaroon ng sakit na ito. Ito ay isang abnormalidad sa antibodies ng isang tao na kung saan ang mga “autoantibodies” ay inaatake ang mga protina sa dugo na tumutulong sa blood clotting.

Ang pagkakaroon naman ng APAS sa isang buntis ay maaring magdulot ng mga sumusunod:

  • Pamumuo ng dugo na maaring magdulot ng heart attack, stroke o pulmonary embolism
  • Mababang level ng platelet sa dugo
  • Rashes at skin ulcers
  • Miscarriage at iba pang pregnancy complication tulad ng preeclampsia, thrombosis, autoimmune thrombocytopenia, fetal growth restriction at fetal loss

Ang mga buntis na babae na may APAS ay kailangang mag-inject ng blood thinners at mababang dose ng aspirin sa buong pagbubuntis hanggang sa bago manganak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagkatapos manganak ay kailangang magpapatuloy parin ang isang babae sa kaniyang treatment para maiwasan ang pagbabara ng dugo sa kaniyang ugat.

Ang APAS ay isang kumplikadong sakit ngunit maaring malampasan. Tulad ng nangyari kay Miriam Quiambao na ligtas na naipanganak ang dalawa niyang anak sa kabila ng kondisyon.

Source:

EMedicineWebMD