Ikaw ba ay panganay na anak o kaya naman bunso sa magkakapatid? Napapansin mo ba ang ibang pag-uugali ng kapatid mong second child? Ang bawat miyembro ng pamilya ay may kanya-kanyang katangian. Ngunit ngayon, pag-uusapan natin ang second child personality!
Ang mga pangalawang anak ay pasaway, ayon sa science
Ayon sa pag-aaral ng Massachusetts Institute of Technology, talagang nagkakaiba ang pag-uugali ng isang bata base sa kung kailan ito pinanganak.
Ang mga pangalawang anak lalo na kung lalaki ay sinasabing may problema sa pag-uugali.
Napag-alaman na ang 40% ng mga pangalawang anak na lalaki sa datos na kinuha sa Denmark at Florida ay maagang nakukulong at sumasailalim sa Juvenile Justice System. Ang iba naman sa kanila ay nasu-suspend sa school.
Ngunit ano nga ba ang explanation sa pag-aaral na ito? Ipagkumpara natin ang mga first-born sa second-born child.
Hindi maikakaila na majority ng mga panganay ay nakukuha ng buo o madali ang atensyon ng kanilang mga magulang. Dahil sila ang first born, sila ang nagiging malapit agad sa kanilang mga magulang at halos kanang kamay na din sa magkakapatid. Iba naman ang kaso ng mga pangalawang ipinanganak. Hindi maiiwasan na hindi sila nabibigyan ng sapat na atensyon ng kanilang magulang at makabuo ng matibay na pundasyon sa relasyon nila.
“Second-born children tend to have less maternal attention than do their older siblings.”
“Bakit hindi mo na lang gayahin ang kuya/ate mo?” ito ang mga katagang hindi napapansin ng mga magulang na nakakasakit sa kanilang pangalawang anak.
Dahil nga hindi nakakatanggap ng sapat na atensyon ang pangalawang anak sa kanilang bahay, kadalasan sila ay nasa mga kaibigan. Dito nila nararamdaman o nakukuha ang atensyon na hindi nila makuha sa kanilang bahay.
“They’re usually the first of their siblings to take a trip with another family or to want to sleep at a friend’s house,” -Linda Dunlap, Ph.D., professor of psychology
Second Child Personality
Bukod sa pagiging ‘delinquent’ ng mga middle child, maipagmamalaki mo pa rin sila sa kanilang kakaibang pag-uugali. Narito ang ibang katangian ng isang second born:
1. Peacemaker
Sa isang pagkakaibigan, hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng hindi pagkakaintidihan ng bawat isa kaya naman nagdudulot ito ng pag-aaway. Ngunit maswerte ka kapag middle child ang iyong kaibigan. Sila ay kadalasang pumapagitna sa away at pinapagbabati ang magkabilang panig.
2. People-pleaser
Ang mga pangalawang anak ay may ugali na talagang magugustuhan ng mag tao. Ito ay ang pagiging ‘people-pleasers‘. Sila ay kilala sa pagiging nice at matulungin sa kapwa tao. Maaasahan mo sila sa lahat ng bagay. Kumbaga ‘one-call away’ ang mga middle child.
3. Friendship keeper
Sila rin ay kadalasang asset ng grupo. Nariyan ang pagiging mapagmahal nila sa bawat myembro. Pinapahalagahan ang isang pagkakaibigan at itinuturing na pamilya.
Source: Hit Network
BASAHIN: Pinakamatalino sa magkakapatid ang panganay, ayon sa pag-aaral