Pag-upo ng matagal, hindi raw mabuti sa puso, at posibleng maging sanhi ng diabetes

Mahalagang umiwas ang mga magulang sa pagkakaroon ng sedentary lifestyle upang mapanatili ang kanilang kalusugan at malakas na pangangatawan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Madalas ba kayong nakaupo habang nagtatrabaho sa opisina? O kaya naman ay kapag nasa bahay ay palagi lang nakaupo o nakahiga? Siguro ay normal o natural lang ang madalas na pag-upo, dahil mas komportable magtrabaho sa ganitong posisyon.

Ngunit alam niyo ba na posible pala itong maging sanhi ng sakit sa puso, diabetes, at iba pang mga karamdaman?

Pag-upo ng matagal, nakakasama sa kalusugan

Hindi lingid sa kaalaman nating lahat na mahalaga ang pagiging aktibo upang magkaroon ng malusog at malakas na pangangatawan. Ngunit sino ba ang mag-aakala na ang simpleng pag-upo ay posibleng mayroong masamang epekto sa ating kalusugan?

Ayon kay Dr. Joana Macrohon, isang physical and rehabilitation medicine specialist, maraming masamang epekto ang sobrang pag-upo sa ating katawan. Aniya, “It can range from heart disease, yung pinaka-common. Diabetes, pwede din po. You can have even mga maski skeletal problems like backpains or problems with, say, the blood vessels, ‘yung nagmamanas ‘yung mga paa… Kung sedentary ka, hindi ka nag-e-exercise then your immunity would tend to be low. ‘Pag mababa ‘yung immunity mo, you can get things like cancer.”

“It’s very common even among the young ones. Nakikita mo na siya eh. Kasi most of our ano na ngayon, most of us are computer… na so parang wala kang option but to stick and do your job,” dagdag pa niya. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano makakaiwas sa pagkakaroon ng sedentary lifestyle?

Payo ni Dr. Macrohon na kailangan ay tumayo-tayo rin tayo kapag nagtatrabaho. Nakakatulong raw ang paglalakad ng ilang minuto bago bumalik sa pag-upo upang makaiwas sa mga sakit.

Mahalaga rin daw ang pagkakaroon ng physical activity tulad ng exercise o kaya sports upang mapanatili ang flexibility at strength ng ating katawan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Aniya, nakakatulong rin ang pag-set ng alarm upang maging reminder na kailangan nating tumayo o kaya maging mas active.

Heto pa ang ilang mga tips na perfect sa mga magulang:

  • Mag-exercise kasama ang iyong mga anak bilang bonding at physical activity.
  • Kung kayang tumayo habang nagtatrabaho, ay gawin ito.
  • Sa halip na mag-commute o kaya magmaneho, maglakad na lamang kung malapit lang ang iyong pupuntahan.
  • Sumubok ng mga bagong sports, o kaya ng mga mas physical na hobbies.
  • Kumain ng tama, at umiwas sa matataba o matatamis na pagkain at inumin.
  • Ituro sa iyong mga anak ang kahalagahan ng exercise at pagkakaroon ng malakas na pangangatawan.
  • Umiwas sa pagkakaroon ng sedentary lifestyle, o yung nakahiga at nakaupo palagi.

Source: GMA News

Basahin: Pagiging mataba ng mga kaibigan at kapitbahay, ‘nakakahawa’

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara