May pag-asa — mag-asawang senior sabay gumaling sa sakit na COVID-19

Huwag mawalan ng pag-asa at pananalampataya sa Panginoon, ito ang mensahe ng mga seniors na gumaling sa COVID-19.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mag-asawang seniors gumaling sa COVID 19 at may mensahe sa mga biktima ng sakit na patuloy paring nakikipaglaban sa kanilang buhay.

Mag-asawang seniors gumaling sa COVID 19

Trending ngayon sa Facebook ang video ng dalawang seniors na gumaling sa sakit na COVID-19. Ito ay dahil sa kabila ng mga bilang ng naiulat na nasawi sa sakit ay pinatunayan nilang hindi imposible na malagpasan ito ninuman. Lalo na ang mga tulad nila na sinasabing pinaka-vulnerable at mahina ang depensa laban sa coronavirus disease.

Image from Facebook video

Ang trending video ay kuha ni Cessna Valdez-Coronado, isang medical technologist sa VRP Medical Center sa Mandaluyong City. Sa naturang ospital na-confine ang mag-asawang seniors gumaling sa COVID 19.

Gamit ang kanilang official Facebook page ay nagbahagi rin ang VRP Medical Center ng video at kuwento ng paggaling ng mag-asawang senior citizens.

Kuwento ng kanilang paggaling

Ayon sa VRP Medical Center, dalawang linggo na na-confine ang mag-asawa sa kanilang ospital dahil sa COVID-19. Una, umanong nagpositibo sa sakit ang 63-anyos na babaeng senior pero nakiusap ang mister nitong kinilalang si Cesar na mananatili ito sa tabi niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa panayam naman kay VRP Medical Center administrator Rona Garcia, bagamat kinakailangang i-isolate ang isang taong nag-positibo sa sakit ay pinayagan nila ang mag-asawa na magkasama. Ito ay matapos silang pumirma ng waiver na nagsasaad ng maaring maging epekto ng request nila.

“Protocol po for COVID ang walang bantay kasi madali makahawa. But this case nakiusap sila, they signed a waiver,” pahayag ni Garcia.

Ito daw ay dahil mapilit ang mister na si Cesar na babantayan at sasamahan niya ang kaniyang misis na may sakit sa ospital. Kaya naman kalaunan pati si Cesar ay nahawa na sa kaniyang asawa at nag-positibo narin sa sakit. Dahil hindi naman daw parehong malala ang kanilang kondisyon ay pinayagang magsama ang mag-asawa sa isang kwarto sa ospital.

“Married for 39 years, with two children, the husband never left his wife’s bedside when she contracted the virus ahead of him. The emotional husband said, “We never gave up hoping, praying, and believing that we will survive, and we will soon be going home to our family.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang pahayag ng VRP Medical Center sa kanilang Facebook post.

Samantala, ayon kay Cesar, dasal umano ang naging sandalan at lakas nilang mag-asawa sa loob ng dalawang linggong pagkaka-confine sa ospital. Dagdag pa ang positivity na ipinapakita ng kanilang mga doktor at nurses sa kabila ng kaseryosohan ng kanilang kalagayan.

Sa video nga ng kanilang pagkaka-discharge sa ospital ay naghanda ng madamdaming send-off entourage ang mga staff ng VRP Medical Center sa mag-asawa. Pagkababa nila sa lobby ng ospital ay sinalubong sila ng masasayang ngiti at palakpakan.

Mensahe ng mag-asawa sa mga COVID-19 patients

May mensahe namang iniwan ang mag-asawa sa iba pang pasyente ng COVID-19 na na patuloy na nakikipaglaban sa sakit. Ito ay ang huwag mawalan ng pag-asa at manampalataya lang sa Panginoon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Never give up, keep praying, and trust God that you will be healed. Your doctors and nurses are taking care of you.”

Ito ang mensahe ng mag-asawang seniors gumaling sa COVID 19.

Bagamat, magaling na sa sakit ay patuloy parin namang sasailalim sa 14 days home quarantine ang mag-asawa. Ito ay alinsunod sa PSMID guidelines na ibinibigay ng Department of Health sa mga recovered patients ng COVID-19 disease.

Isa pang senior ang gumaling sa COVID-19

Samantala, maliban sa kanila ay may isang 73-anyos na babae rin mula sa Baguio City ang gumaling mula sa sakit. Siya ay si Mila Costales. At ang kuwento niya ay ibinahagi ng kaniyang pamangkin na si Ron Perez sa isang programa ng ABS-CBN.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image screenshot from ABS-CBN News video

Kuwento ni Perez, sinugod sa ospital ang kaniyang tiyahin nang makaramdam ng sintomas ng COVID-19. Ito ay ang pagkakaroon ng lagnat, diarrhea at kawalan ng ganang kumain.

Ayon naman kay Costales, tulad ng mag-asawang senior na gumaling sa sakit ay hindi daw siya nawalan ng pananalampataya sa Diyos. At labis siyang nagpapasalamat sa mga staff ng Notre Dame Hospital sa Baguio City na nag-alaga at tinulungan siyang labanan ang COVID-19 disease.

COVID-19 cases sa Pilipinas

Sa ngayon ay may naitala ng 3,660 na positibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Nasa 163 na sa bilang na ito ang naiulat na nasawi dahil sa sakit. Habang may 73 katao ang matagumpay na nalampasan ang sakit at naka-recover mula rito.

Samantala, patuloy parin ang isinasagawang testing ng DOH upang matukoy kung sino pa ang positibo sa sakit. Habang nag-anunsyo na si Pangulong Rodrigo Duterte ng extension ng enhanced community quarantine na ipinatutupad sa Luzon. Ito ay upang ma-kontrol at maiwasan pa umano ang pagkalat ng COVID-19 virus sa bansa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

 

Source:

ABS-CBN News, GMA News, World Meters

Hospital bill ng isang COVID-19 patient umabot na ng P1.44 Million