12 na benepisyo ng sensory play sa development ng iyong baby

Mahalaga ang pagkakaroon ng sensory play sa baby sapagkat nakakatulong ito sa kaniyang overall brain development.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano ang benepisyo ng sensory play sa development ng iyong anak? Sa anong edad maaaring magsimula sa sensory play? Alamin natin sa artikulong ito.

Ang mga sanggol at ang kanilang pandama

Ginagamit ng mga bata ang kanilang pandama upang tuklasin at maunawaan ang mundong kanilang ginagalawan mula kapanganakan hanggang sa maagang pagkabata. Nagagawa nilaito sa pamamagitan ng paghawak, pang-amoy, paningin, paggalaw, at pandinig.

Kapag ang mga bata at matatanda ay gumagamit ng kanilang pandama, natututo at mas napapanatili ang maraming kaalaman. Karamihan sa mga paborito nating alaala ang nagsasangkot ng isa o higit pa sa ating mga pandama. Tulad na lamang ng amoy ng isang summer night campfire o isang kanta na nasaulo mo kasama ang isang kababata.

Kapag na-trigger ang iyong ilong at eardrums sa mga pamilyar na amoy at ingay, ang iyong utak ay nakakagawa ng flashback recollection ng mga bukod-tanging karanasan.

Ang ating utak ay binubuo ng halos na triylon na bilang ng brain cells, na tinatawag ding neurons, at ang koneksyon sa pagitan nito ay tinatawag na synapses.

Ang unang tatlong taon sa buhay ng isang baby ay kritikal para sa brain development. Habang ang brain cells ng isang sanggol ay tinatayang nasa 50 trillion synapses sa pagkapanganak. Ang utak ng isang tatlong taong gulang ay lumalaki hanggang 1000 trillion.

Paano nga ba masisigutado ng mga magulang ang healthy brain development ng kanilang mga anak? Engage the senses! Ang sensory play ay isa sa mga maraming paraan upang matulungan mo ang iyong newborn sa pagkamit ng brain development sa kanilang edad.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sensory play sa baby

Ang sensory play ay tumutukoy sa mga aktibidad na nag-e-engage sa pandama ng isang bata tulad ng paghawak, pang-away, panlasa, paggalawa, balanse, paningin, at pandinig.

Ang mga sensory activities ay nakakahikayat sa mga bata na magkaroon ng scientific processes habang naglalaro, gumagawa, nag-aaral, at tumutuklas.

Nagiging daan ang sensory activities upang ma-fine-tune ang kanilang pamamahala sa iba’t ibang sensory information. Ang pagtulong sa kanilang utak na ma-develop ang mas malakas na koneksyon upang maproseso at tumugon sa sensory information.

Habang nagkakaroon ng tiwala at komprehensyon ang isang bata sa tekstura. Nakakabuo rin ng positive neural connections sa utak, na nagpapahiwatig na ligtas itong bigyan ng pansin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang sensory play ang humuhubog sa utak ng bata na paniwalaan ang sa tingin nilang positibo at ligtas. Sa wakas, ang paghubog sa desisyon ng bata at nakakaimpluwensya sa kanilang pag-uugali.

Larawan mula sa iStock

Bakit mahalaga ang sensory play sa baby?

Ang pagbibigay ng oportunidad sa iyong anak na aktibong gamitin ang kanilang pandama habang tinutuklas nila ang mundo sa pamamagitan ng “sensory play” ay kritikal sa brain development dahil nakakatulong ito sa pagbuo ng mga koneksyon sa nerves sa mga brain circuits.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Napapabuti nito ang abilidad ng bata na gumanap sa mas mahirap na gawain ng pagkatuto at nagpo-promote ng cognitive development, language development, gross motor skills, social interaction at abilidad sa pagtugon sa suliranin.

Benepisyo ng Sensory Play sa baby

Sa ibaba ay ilan sa mga benepisyo ng sensory play sa holistic development ng iyong anak.

1. Nakakatulong sa cognitive growth

Mahalaga ang sensory stimulation sa brain development ng mga baby. Kaya naman mahalaga ang sensory play. Nakakatulong ito na mapakakas ang sensory synapses and functions.

Ang synapses sa utak ay idinaragdag o pinuputol sa pamamagitan ng mga karanasan sa buhay. Mahalagang mailantad ang mga kabataan sa iba’t ibang sensory experiences upang mabuo ng kanilang utak ang nararapat na sensory prcessing abilities.

Marami sa mga pandamang ito ay pinakamahusay na nabubuo (kung hindi eksklusibo) sa isang yugto ng panahon, na tinatawag ding crucial period. Karamihan sa mga crucial times ay natuklasang umiiral sa early postnatal years. Kung kaya’t mahalaga ang sensory play sa mga bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Gayunpaman, habang nagma-mature ang development ng utak, hindi ito nagiging ekslusibong kapaki-pakinabang sa mga bata. Ang mga bago at nauulit na interaksyon ay bumubuo ng ugnayan na nakakapagpalakas sa abilidad ng bata na gumanap sa mga humihirao na educational tasks.

2. Ang sensory activities ay nakakatulong na mapalawak ang kaalaman

Anumang paggamit ng sensory material supports innovation and experimentation sa pamamagitan ng pagbibigay ng praktikal, self-directed, self-centered play environment. Ang diskarteng ito ay nakakapag-akit sa mga bata na may iba’t ibang estilo ng pag-aaral at pangangatwiran.

3. Ito ay inclusive

Larawan mula sa iStock

Itinataguyod nito ang pagiging inklusibo dahil walang tama o mali sa pagsasagawa ng pandama. Isa sa mga nakikinabang sa mga sensory experiences ay ang mga batang may espesyal na pangangailangan, second-language learners, at sinomang may makatotohanang estilo ng pag-aaral.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

4. Pinapaunlad at pinaghuhusay nito ang alaala ng iyong anak

Tinukoy ng mga scientists na ang pang-amoy ang isa sa mga pinakamalakas na ugnayan sa pagitan ng pandama at alaala. Ang iba pang mga pag-aaral na nag-uugnay sa memorya at mga oandama ay nagpapahiwatig na ang ating mga alaala ay ipinamamahagi sa buong utak at sa sensory regions.

Ang pagpapahintulot sa iyong anak na gumamit ng maraming pandama upang matapos ang isang gawain ay nagbibigay-daan upang sila’y matuto sa kanilang karanasan at maalala ang mga natutunan.

5. Hinihikayat nito ang pagbuo ng mga gross at fine motor activities

Ang mga motor capacities ng isang sanggol ay mayroong mga kasanayang kinasasangkutan ng acceleration. Ang sensory play ay nagiging daan ng mga bata upang makagalaw at makapaglaro sa iba’t ibang paraan, madalas sa mga inuulit na paraan.

6. Nakakapaghikayat ng pagtugon sa suliranin, pagkamalikhain, at pagtuklas

Ang pagpisil, pagbuhos, paghila, pagtapik, pagkuskos, pagsinghot, pagtulak, pakikinig, pagsasama-sama, pagdadala, at posisyon ng paglalaro ay mga aktibidad na kinagigiliwan ng mga bata, kabilang ang paglalaro ng maluwag na bahagi.

7. Naghihikayat ito ng katahimikan at nagtuturo ng self-regulation

Ang mga bata na nakikipaglaro sa kanilang mga pandama ay madalas na abala sa kanilang mga aktibidad. Ang mga imahe at lakas ng mga bula, pati na rin ang mga tubig ay nakakagambala sa mga bata, na nagsisilbing pagbuo ng kamalayan.

Gayundin ang paggamit ng mga mababangong kandila upang makagawa ng mahalimuyak na amoy. Higit pa rito, ang mga sensory activities tulad ng paghawak ng mga kamay sa bigas o pagbuhos ng tubig sa isang tasa ay maaaring makagambala at makapagpakalma sa isang bat ana nakakaramdam ng over-stimulation o pagkabalisa, nakakatulong upang makabuo ng self-regulation skills.

Larawan mula sa iStock

8. Nakakatulong ito sa language development

Ang mga bata ay natututong mag-isip, makaramdam, at maka-ugnay sa kanilang paligid at sa mga bagay na kanilang nakikita, naririnig, nahahawakan, nalalasahan, at naaamoy. Ang pag-aaral at wika, lalo na ang mga salitang naglalarawan ay pinasisigla nang sabay-sabay sa pamamagitan ng paggamit ng ilang mga pandama.

9. Nakakatulong ito sa pag-aaral ng mga pagkakaiba at mga katangian

Pagdating sa mga kulay, ang sensory play ay nagbibigay ng learning environment sa mga bata upang maimbistegahan ang pagkakaiba ng mga kulay. Ang mga katangian ng isang entity o ideya aynatutuklasan ng mga bata gamit ang kanilang mga pandama.

10. Nakakatulong ito sa pag-angkop sa bagong kapaligiran

Ang natural na kapaligiran ay nagbibigay ng labis na malayang oportunidad upang mapaunlad ang pandama ng isang sanggol. Mahusay rin ang messy play. Ang indoor dirty play, sa kabilang banda, ay maaaring ma-explore habang ang bahay ay secured at malinis.

Larawan mula sa iStock

Habang ang iyong anak ay naglalaro sa dumi, takpan ang sahig o ibabaw ng lamesa ng lumang plastic table cover. Ang banyo o lababo ay magagandang lugar para sa messy play, lalo na kapag mayroong tubig o pintura. Ang mga sensory containers at containers ay maaaring makatulong maalis ang maluluwag na bahagi.

11. Nakakapaghikayat ito ng scientific thinking

Binubuo ng sensory play ang pananaliksik, pagkamalikhain, hypothecation research, at nakakatulong ito sa mga bata na gamitin ang kanilang pandama upang maimbestigahan ang mga bagong bagay.

12. Nakakapagbigay ito ng masasayang karanasan

Magkakaiba ang pandama sa isa’t isa. Ang mga bata ay nagkakaroon ng pagkakataon na matuto ng mga bago tungkol sa kanilang sarili at ang kanilang mundo sa pang-araw-araw bilang resulta ng pagtatatag ng walang limitasyon na pagkakataon at iba’t ibang bukod-tanging karanasan.

Mga ideya ng sensory play at sensory toys para sa mga baby

Habang tinitignan niya ang mga tanawin, tunog, amoy at texture sa kanyang paligid, ang iyong sanggol ay magsisimulang mas maging mapagmasid kaysa maging aktibo sa paggawa ng mga sensory activities.

Pero hindi ito magtatagal hanggang ang iyong anak ay nag-clutching, mouthing, reaching, crawling at cruising tungo sa mga bagay na nakakapukaw sa kanyang interes.

Larawan mula sa Shutterstock

Gumamit ng mga high-contrast photos

Ang mga black and white contrast ay maaaring kapakipakinabang sa mga bagong panganak. Maaari mo itong isabit sa lugar na pinaglalaruan ng iyong anak upang mapalakas ang kanilang optic nerve development.

Maglakad-lakad (o tumingin sa labas ng bintana)

Maglakad-lakad sa inyong lugar, at tumigil upang makinig ng ingay ng mga ibon, tumingin sa makukulay na bulaklak, o ang simpleng pagdama sa hangin.

Habang naglalakad, sabihan ang iyong sanggol ng mga bagay tulad ng, “Ang ganda nung pulang bulaklak” o “Ang sarap sa pakiramdam ng malamig na hangin.”

Subukan ang tummy time habang nasa play mat

Ang tummy time ay maaaring gawing sensory experience sa pamamagitan ng paggamit ng makulay na play mat.

Let’s make contact

Mag-explore ng iba’t ibang textures habang inilalarawan ito sa iyong baby. “Malambot ang balahibo ni Sparky, makati ang balbas ni daddy, basa ang damo…” at siguraduhin na ligtas ang lugar na kanyang nararanasan, kung nasaan ka man.

Magbigay ng maiingay na laruan

Ang mga sensory toys na lumilikha ng ingay tulad ng squeak, rattle, trill, twitter, kapag hinahawakan o nagagalaw ay malakas na makaagaw ng interes ng iyong baby lalo na sa mga apat na buwan. Magbigay ng iba’t ibang uri upang masubukan niya ang lahat ng ito.

Hayaang magsubo ang iyong baby

Ang mga sanggol ay natututo na magsubo ng mga bagay sa kanilang bunganga, kaya’t siguraduhin na maraming malinis at ligtas na mga bagay para sa iyong baby na kanilang maaabot at makakagat, tulad ng board o boots na gawa sa tela, rattles, at teethers.

Have fun in the tub

Maglagay ng mga lumulutang na bagay kapag ang iyong sanggol ay kaya nang umupo habang naliligo. Matutuwa ito na panoorin na gumagalaw ito sa tuwing gagalawin niya ang tubig.

Ikonsidera na gumamit ng sensory bags

Punuin ang isang zip-top bag ng mga tactile na bagay tulad ng shaving cream o hair gel para sa mga older babies. Isara ang bag gamit ang isang malakas at matatag na tape, at hayaan itong pisilin ng iyong anak hanggang sa ito’y masiyahan (siguraduhin na nababantayang maigi).

Gawing sensory items ang mga normal na bagay sa bahay

Malamang ay Nakita mo nang maglaro ang iyong baby ng mga basic na gamit sa bahay, tulad ng towel roll, palayok at kutsara, o straw. Ikaw at ang iyong anak ay matutuwa sap paggamit ng ganitong mga bagay na mayroon na sa inyong bahay.

Gumawa ng sensory board/bin nang magkasama

Pagsama-samahin ang iba’t ibang mga bagay sa loob ng bahay na maaaring makapagpasigla sa pandama at siguraduhin na ligtas itong gamitin. Ikabit ito sa isang malaking cardboard o ilagay ito sa isang container o bin.

Hayaan ang iyong anak na pakiramdaman at maglaro gamit ang iba’t ibang textures. Magtanong ng mga katanungan ukol sa sensory exploration ng iyong anak. Gumawa ng mga usapan kung saan ang iyong anak         ay mahihikayat na gumamit ng mga salitang naglalarawan.

Halimbawa, tanungin ang mga ito:

  • Anong pakiramdam?
  • Anong itsura nito?
  • Ano ang amoy nito?
  • Ano ang tunog nito?
  • Anong lasa?

Malambot, malagkit, malamig, at maganda ay ilan lamang sa mga nakakatuwang paglalarawan ang maaaring matutunan ng iyong anak sa paglalaro ng sensory board. Ang pagtulong sa iyong anak na ma-develop ang kanilang pandama ay nakakatulong din na palakasin ang kanilang linguistic abilities.

Kaya naman sa susunod na mapansin mo ang iyong anak na naglalaro ng iba’t ibang bagay tulad ng paper tower rolls, palayok, straws, o laruan, hikayatin pa sila.

Ang bata ay maaaring gumamit ng kahit ano upang matuto sa kanyang paligid. Hayaan mo ring gamitin niya ang kanyang instincts upang makatulong na mapaunlad ang kanyang mga pandama.

 

Isinalin sa wikang Filipino Shena Marie Macapañas mula sa theAsianparent Singapore ng may permiso.

Sinulat ni

Shena Macapañas