1. Hindi siya takot na sabihin ang kaniyang saloobin
Kung ang iyong mister ay nagkukuwento sa iyo ng mga kaganapan sa kaniyang bawat araw, sinasabi n’ya ang kaniyang mga opiniyon sa mga bagay bagay, at sinasabi n’ya ang kanyang mga saloobin ng walang pag-aalinlangan, o kaya naman ay walang intensiyon na pilitin kang baguhin ang iyong opiniyon, malalaman mo na may tiwala sa iyo ang iyong asawa at wala s’yang itinatago.
2. Ipinararamdam n’ya sa iyo na mahal ka n’ya
Ang pagpaparamdam sa iyo na ikaw ay kaniyang iniibig ay isang paraan ng iyong asawa na iparamdam sa iyo na ikaw ay ligtas at walang dapat ipag-alala.
3. Tapat na mga tao rin ang kaniyang mga kaibigan
Sabi nga nila, “birds of the same feather flock together.” Gayun din sa mga tao. Kung pinalilibutan ng asawa mo ang kanyang sarili ng mga taong puwede mong pagkatiwalaan, makasisiguro kang hindi siya kalian man matutuksong magtaksil.
Ang mga mabubuting tao ay hindi pumapayag na gumawa ang kanilang kaibigan ng masama. Kaya naman kung ganitong klase ang mga kaibigan ng iyong mister, pahalagahan mo sila at ituring ng mabuti dahil makatutulong silang gabayan ang iyong asawa na iwasan ang tukso.
4. Hindi siya kailan man nagsinungaling sa’yo
Ang pagsisinungaling ang isa sa mga bagay na nakasisira ng isang relasyon kaya naman kung ang iyong asawa ay nagagawang magsinungaling sa iyo, mahihirapan na kayong ibalik ang tiwala sa inyong pagsasama.
5. Ikaw ang kanyang pinakamatalik na kaibigan, at ang kanyang true love
Kung itinuturing ka niya na kaniyang pinakamatalik na kaibigan, lalo na bilang kanyang true love, nangangahulugan itong ikaw ang pinakamahalagang tao sa kanyang buhay. Dahil dito, mananatili siyang tapat sa iyo at hindi ka niya magagawang saktan.
6. Ipinapakita at ipinaparamdam n’ya ang pagpapahalaga n’ya sa’yo
Kung araw-araw, o di kaya naman ay madalas, na ipinaparamdam ng iyong asawa sa iyo na siya ay nagpapasalamat na ikaw ay natagpunan niya sa kaniyang buhay, makasisiguro kang hindi ka niya pagtataksilan.
7. Espesiyal ang pagtingin n’ya sa iyo
Alam mo ang pagtingin na ito. Ito ang pagtingin na sa’yo lamang n’ya binibigay. Ito ang pagtingin na nagbibigay kasiguraduhan sa iyo na baliw siya para sayo at lubos ka n’yang minamahal.
Ang pagtingin na ito rin ang magbibigay kasiguraduhan sa iyo na habang hindi mo ito nakikitang ibinibigay niya sa iba, hindi siya nagtataksil sa iyo.
Ang article na ito ay unang isinulat ni Alwyn Batara.