Senyales na nagtataksil ang asawa
Siguro dumating kana sa pagkakataon na bigla mo na lamang mararamdaman ang kakaibang aura sa iyong asawa. Na tila ba may kakaiba at hindi tama. Maaaring nakikita mo na ang mga senyales na nagtataksil ang iyong asawa ngunit hindi ka aware rito!
Senyales na nagtataksil ang asawa na kailangan mong malaman
Tila wala na sigurong ibang mas makakaalam pa ng mga sikreto ng mga pagtataksil maliban sa nagtaksil at sa babae o lalaki na kinasama nito. Ang 29-anyos na si Clare, na nakipaghiwalay sa kanyang nobyo noong malaman na ito ay kasal na pala, ay nais umanong tulungan ang mga kapwa n’ya babae kung paano malaman kung ang kanilang kinakasama ay nagtataksil – bago mahuli ang lahat.
“Hindi ko akalain na magiging kerida ako. Naiinis ako sa ideya na inaagaw ang asawa ng ibang babae. Pinaikot lang ako para maging kabit ng isang lalaking may-asawa. Naniniwala akong nanloloko ang mga lalaki dahil nandoon na sila sap unto kung saan gusto nilang malaman at subukin kung hanggang saan ang kanilang pagkalalaki.”
Aniya, na-guilty umano siya matapos malaman na ang karelasyon niya ay kasal at may dalawang anak. Sinabi umano ng kanyang dating nobyo na siya ay nakipaghiwalay na sa kanyang asawa.
“Nangako ako sa sarili ko na hindi na ako magiging kabit muli, kahit kalian, lalo pa’t iniwan akong nalulumbay at may sakit ng dati kong relasyon, nadurog ang tiwala ko sa sarili ko. Ngayon, masaya nalang akong malaman na makakatulong ako sa ibang mga babae kung paano nila makikita ang mga warning signs.
Paano mo malalaman kung nagsisinungaling ang asawa mo
Narito ang mga palatandaan para masabing nagtataksil ang inyong asawa:
1. Madalas na “late nights”
Nakakaranas kayong humiga sa gabi na hindi kasabay sa pag-tulog ang inyong asawa? Kung ang inyong asawa ay madalas napupuyat at hindi ninyo kasabay matulog, madalas ang dahilan ay may ginagawa s’ya na hindi n’ya gustong ipaalam sa inyo. Bagamat maaaring trabaho ang dahilan, ani Clare, hindi daw dapat ito ipagsawalang bahala basta.
2. Pagbabago sa spending habits
Ang mga taong may kinakasamang iba ay madalas gumagastos ng iba sa karaniwang pag-gastos n’ya dati – minsan nag-aapply pa ang mga ito ng bagong credit card ng hindi ipinapaalam sa inyo. Maaaring biglang bumibili ng mamahaling bagay ang mga ito.
3. Pag-iiba ng mga pinakikinggang music
Maaaring simple lang pagbago ng hilig lang ito pero ayon kay Clare, ang isang lalaki na biglang nag-iba ang taste in music ay maaaring naimpluwensyahan ng kanyang kinakasamang babae. Maaaring mag-download s’ya ng mga kanta na hindi naman typical sa kanyang mga dati nang pinapakinggan para ma-impress ang babae. Ani Clare, bagamat hindi sa lahat ng pagkakataon ay ganito ang situwasyon, hindi raw dapat ito binabalewala.
4. Pagiging mapaglihim sa kanyang mga gadgets
Pagkakaroon ng marami at iba’t ibang passwords sa kanyang cellphone, laptop at social media ay isa sa mga karaniwang palatandaan. Bagamat lahat ay may karapatan magkaroon ng privacy, ang isang taong walang tinatago ay dapat walang maging problema na i-share ang access sa accounts sa kanyang asawa kung ito ay tanungin.
5. Mapanuyang mga sagot
Ayon kay Clare, ang isang lalaking nagtataksil ay madalas gumagawa ng kuwento upang mapagtakpan ang kanyang mga kasinungalingan. Dahil rito, mas nagiging mapanuya ang kanilang mga sagot para hindi mahalata ang kanilang pagsisinungaling.
6. Madalas na pagsama sa isang babaeng katrabaho
Kung ang iyong asawa ay madalas lumalabas kasama ng isang babaeng katrabaho pero iginiit nito na sila ay magkaibigan lamang, maging mas maingat daw, ayon kay Clare. Kung ang katrabaho ng iyong asawa ang s’yang malandi, maaari itong maging mas malaking pahamak sa inyong pagsasama.
7. Bagong mga pag-uugali
Kung ang inyong asawa ay may bagong pag-uugali, o kaya naman mga bagong pananalita o expressions o ‘di kaya ay mga kilos, maging alerto. Maaaring nakuha o natutunan nila ito sa kanyang kabit.
8. Pagiging mas “narcissistic”
Mas pinapahalagahan na ba ngayon ng inyong asawa ang kanyang panlabas na itsura sa pamamagitan ng pagbili ng mga bagong damit o kaya naman ay pagbabawas ng timbang? Maaring senyales na ito ng kanilang pagtataksil. Ayon kay Clare, bagamat hindi 100% na pagkakaroon ng kabit ang dahilan ng kanilang pagnanais na magbawas ng timbang, maaari parin itong maging babala.
9. Naging matrabaho na ang pakikipagtalik
Kung wala na ang spark sa kama, maaaring dahilan ito sa pagkakaroon n’ya ng pagtingin sa iba. Ani Clare, kailangan ibalik ang excitement sa inyong pagsasama. Narito ang ibang mga tips para maging natural at hindi “pilit” ang pagsisiping ninyong mag-asawa.
10. Malayo na ang loob ng inyong asawa
Hindi na siya nagkukwento tungkol sa kanyang araw o kaya naman sa kanyang nararamdaman. Kahit sa isang pagtatalo, hindi na rin siya naglalaan ng oras o tiyaga para ito ay pag-usapan at ayusin. Ito ay maaaring dahil sa hindi na kayo ang una nilang pinagsabihan ng kanilang saloobin at nakahanap na sila ng ibang pagkukuhanan ng pang-unawa.
Sana ay may natutunan kayo sa mga payo ni Clare. Mayroon ba kayong alam na ibang senyales ng pagtataksil na nais n’yong ibahagi? Ipaalam ito sa amin sa pamamagitan ng mga komento sa baba.
If you want to read the english version of this article, click here.
BASAHIN: Bakit nangyayari ng higit sa isang beses ang pagtataksil, ayon sa siyensya