STUDY: Pagiging masyadong matakaw ng bata, maagang senyales ng autism

Pagiging sobrang selan sa pagkain o kaya naman ay sobrang takaw sa pagkain, palatandaan na ng autism na dapat hindi isawalang bahala ng mga magulang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Senyales ng autism sa mga bata kabilang ang pagiging masyadong matakaw o kaya naman ay sobrang mapili sa pagkain. Ito ang natuklasan ng isang pag-aaral.

Mga unusual eating behaviors bilang senyales ng autism

Marami sa mga bata ang picky eater o mapili sa pagkain, marami namang gustong-gusto ang kumain. Pero ayon sa isang pag-aaral kapag ang mga gawaing ito ay excessive o sobra sa normal, ito ay maaring senyales ng autism na dapat bigyang pansin na agad ng mga magulang.

Maliban sa sobrang pagiging matakaw at picky eater, ito ang iba pang unusual o atypical eating behaviors na kabilang rin sa mga senyales ng autism:

  • hypersensitivity sa food textures
  • pagbubulsa ng pagkain na hindi naman sinusubo o kinakain

Ito ay makikita sa 70% ng mga batang kumpirmadong taglay ang disorder.

Ang mga unusual eating behaviors na ito ay mapapansin agad sa mga batang isang taong gulang. Dapat maging palatandaan ito sa mga magulang at mga doktor para sa early detection ng autism. Mahalaga ang early detection para mapataas ang tiyansa na maagapan ang disorder at hindi na lumala.

Ito ay ayon kay Dr. Susan Mayes, isa sa mga author ng pag-aaral at professor ng psychiatry mula sa Penn State College of Medicine.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from EyeEm

Pag-aaral tungkol sa unusual eating behaviors at autism

Napatunayan nila umano ang findings na ito matapos i-analyze ang eating behaviours ng higit sa 2,000 na mga bata. Ito ay ang pinagsamang bilang ng mga typical na bata at mga batang may taglay na autism, attention-deficit/hyperactivity disorder (ADHD) at iba pang developmental disorders.

Mula sa kanilang analysis ay natuklasan nilang ang iba pang unusual eating behaviors na senyales ng autism sa bata ay pagkakahilig sa iisa o iilan lang na uri ng pagkain. Pati na rin ang hypersensitivity sa food temperatures o sa init o lamig ng pagkain.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga unusual eating behaviors na ito ay natuklasang 7 times na makikita sa mga batang may autism kumpara sa mga batang may taglay ng ibang developmental disorders.

Pahayag ng mga doktor

Sinuportahan naman ng isa pang doktor na si Dr.Keith Williams ang findings ng pag-aaral. Siya ang director ng Feeding Program sa Penn State Children’s Hospital. Ayon sa kaniya, karamihan ng mga batang ini-evaluate nila na may multiple eating disorder ay na-diagnose na positibo sa autism.

“When we evaluate young children with multiple eating problems, we start to wonder if these children might also have the diagnosis of autism. In many cases, they eventually do receive this diagnosis.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya naman ay may pakiusap si Dr. Susan Mayes sa mga magulang pati narin sa mga primary care providers. Pakiusap niya, kapag napansin ng unusual eating behaviours sa isang bata ay agad na idaan siya sa autism screening. Ito ay para ma-detect nang mas maaga ang autism at maibigay sa bata ang pangangalaga na kailangan niya. Dahil malaki ang posibilidad na ma-outgrow o mawala ang autism kung maibibigay agad ang treatment na angkop sa batang taglay ang disorder.

“The earlier that autism is diagnosed, the sooner the child can begin treatment,” mariin na pahayag ni Dr.Mayes.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source: WebMD, The Conversation
Photo: Freepik

Basahin: Makakatulong ba ang nursery rhymes para malaman kung may autism si baby?