Ang autism ay isang developmental disorder na nakaka-akpeto sa maraming aspeto ng buhay: sa pakikipagusap, pakikibagay, o ang mga daily habits ng isang tao. Iba-iba ang sintomas at senyales ng autism at maaaring kahit apat na buwang gulang pa lamang ay mahalata na ito.
Senyales ng Autism: Maaari nga ba itong malaman dahil sa nursery rhymes?
Ayon sa isang pag-aaral, ang nursery rhymes tulad ng “eensy weensy spider” ay maaaring makatulong upang malaman kung may autism ang bata.
Ayon sa mga researchers pati na rin ang paglalaro ng peek-a-boo ay maaaring magpakita ng senyales ng autism. Paano? Kapag tila hindi nag-re-respond o nasi-stimulate ang bata sa pakikipag-usap o pakikipaglaro. Karaniwan kasi, kapag nakakakita ang bata ng tumatawa, o nakakarinig ng kumakanta nagre-respond ito.
Maaaring ang response ay pagngiti, tawa, o pagbigkas ng maiikling kataga. Sabi ng iba pang pag-aaral kasi mas nakakagrab ng atensyon ng bata ang bibig kaysa sa mata ng tao.
Pero kapag at risk sa autism, mababa ang level ng pag-respond ng bata. Tila hindi siya nagrereact sa mga ito.
Noong araw maraming nag-aakala na sa edad isang taong gulang pataas lamang nalalaman kung may autism ang bata, ngunit ngayon pala’y maaaring mas maaga pa dito at maaaring maagapan.
Senyales ng autism: Mababang brain activity pagkaharap ang tao
Ayon sa pag-aaral, iba ang brain activity ng mga baby na may autism sa iba’t ibang bagay: social (pagkaharap ang mga tao) at non-social (mga bagay o laruan).
Gamit ang neuroimagining technology sinuri nila ang brain activities ng mga babies edad apat hanggang anim na buwan.
Ginamit ng mga scientists ang mga:
- videos ng tao — mga naglalaro ng peek-a-boo
- videos ng mga bagay — tulad ng kotse
- tunog ng tao, tulad ng paghikab at pagtawa
- tunog ng mga bagay, tulad ng tubig mula sa gripo
Pagkatapos nito, kinumpara nila ang brain scans ng mga babies na may kapatid na nasa autism spectrum, at yung mga walang kapatid na ganito. Dahil may koneksiyon ang autism sa genetics, mas mataas ang chance ng batang may kapatid na mayroon nito na magkaroon ng autism.
Nakita nila na may pagkakaiba sa brain acitivity ang mga batang na-diagnose na may autism. Ang mga batang lumaking walang autism raw ay mas mataas ang brain activity. Ibig sabihin nito ay mas nagrerespond sila sa mga social prompts tulad ng tunog mula sa tao at mga videos na ito.
Ang mga batang may autism naman ay mas nagrerespond sa mga “still objects” o sa tunog ng mga bagay.
Tandaan na iba’t iba ang level ng autism, at importanteng kumunsulta sa pediatrician o espesyalista tungkol sa senyales ng autism at kung paano matutulungan ang iyong anak kung ma-confirm nga na may autism siya o at risk sa kondisyong ito.
Ano pa bang dapat malaman ng mga magulang tungkol sa senyales ng autism?
Obserbahan ang iyong anak kung, halimbawa, tila hindi pa rin niya alam ang sariling pangalan bago mag-one years old. Hindi naman dapat mabigkas niya ito, ngunit dapat kapag tinatawag siya ay lilingon siya.
Anti-social ba siya at mailap sa tao? Ang iba pang senyales ng autism ay delayed speech development, papaulit-ult na sinasabi o ginagawa, o kapag maikli ang attention span ng bata. Maaari ding may autism ang bata kapag nagta-tantrum ito tuwing naiiba ang routine sa araw-araw.
Maliban sa pagobserba sa mga nasabing pag-uugali at habits, narito ang mga maaaring gawin:
1. Obserbahan ang galaw ng mata ng bata
Karaniwang tinatawag din na eye tracking test, ginagawa ito sa pamamagitan ng isang makulay na larawan at isang interesting na bagay o laruan. Hawakan ang mga ito sa iyong kamay, mga dalawang hakbang mula sa bata.
Bilangin kung ilang beses titingnan ng bata ang mga bagay sa iyong kamay sa loob ng isang minuto. Kung tumingin siya ng apat na beses o kahit walong beses, hindi ito senyales ng autism. Pero kapag isa hanggang tatlong beses lamang siyang tumingin, maaaring senyales ng autism ito na dapat ikunsulta sa duktor.
2. Obserbahan ang kaniyang pandinig
Tinatawag ding sound or object test, maaaring subukan ito habang nasa high chair ang bata. Gumamit ng isang laruan na gusto ng bata at isang maliit na bell.
Hawakan ang laruan sa tapat ng mata ng bata tapos patunugin ang bell, na itinago mo sa iyong likod. Tingnan kung hahanapin niya ang pinanggalingan ng tunog sa loob ng tatlong segundo. Kung hindi niya ito ginawa, maaaring senyales ng autism ito.
3. Obserbahan ang kaniyang pagngiti
Karaniwang ginagawa ito kapag tatlong buwan o mahigit na si baby. Paano ito gawin? Humarap ka sa iyong baby na may “neutral expression” huwag sumimangot at huwag ring ngumiti.
Matapos ang ilang segundo, ngumiti. Tingnan kung ngingiti din ang iyong anak. Kapag napangiti mo ito kaagad, ay hindi siya at risk sa autism. Pero kapag delayed ang kaniyang response, maaaring senyales ng autism ito.
Mahalagang tandaan na hindi kinukumpirma ng mga tests na ito ang autism pero maaaring magbigay linaw tungkol sa senyales ng autism na dapat malaman upang maikunsulta mo ang bata sa duktor.
sources: WebMD, Science Daily
BASAHIN: 10 na bagay na dapat mong malaman, ayon sa mga magulang ng batang may autism