5 Senyales ng CHEATING na madalas hindi natin nahahalata

Minsan, ang infidelity ay hindi natin mahahalata hanggang huli na. Alamin ang mga experience ng mga mommies tungkol sa senyales ng cheating na hindi halata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung iisipin natin ang pangangaliwa o cheating, madalas naiisip natin na madali lang itong mahalata. Nandyan yung magiging secretive bigla ang partner natin, yung tipong ayaw na i-share ang mga password sa e-mail o social media accounts. Minsan, nahahalata ito sa simpleng pagiging tahimik at kapag hindi na kasing lambing ng dati ang mister mo.

Pero meron din palang mga senyales ng cheating na hindi gaanong halata.

1. “Laging pagod at walang gana”

Hindi lang ito yung normal na pagod sa overtime, pero yung tipong parati na lang walang ganang makipagusap o makinig. Kwento ni Azrael sa Female Network, lagi na lang pagod at puyat ang partner niya.

2. “Sobrang sweet bigla”

Meron din naman biglang sobrang susuyuin ka for no reason, sabi ni S.C. Bibigyan ka ng regalo o yayain ka mag-date. Puedeng “guilty” lang ito based sa experience niya. Kahit na magandang bagay ang maging sweet ang husband mo, sa experience ng iba ay puedeng senyales ito kung hindi naman ito normal na ginagawa ng asawa mo.

3. “Pinapauna ako laging matulog”

Sa experience ni G.S., hindi niya napansin na kaya pala pinapauna siyang matulog ay may ka-chat at kausap pala ito sa gabi. Madaling isipin na concerned lang ang asawa mo kaya ka niya pinagpapahinga pero minsan senyales din ito na may iba siyang pinagkakaabalahan.

photo: dreamstime

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

4. “Siya na naglalaba ng damit niya”

Sabi ng eksperto na si April Masini, pagka nag-volunteer siya na siya mag-laba or magpa-laundry marahil ay may ebidensiya ng cheating sa damit o bulsa niya, kaya niya gustong gawin ito para di mo makita.

5. “Bigla na lang siyang may hobbies na hindi mo alam”

Mag-ingat kapag may mga bagong hobbies siya na hindi ka kasali. Ayon kay Amy Spencer, isang eksperto sa relationships, magandang bagay naman na bagong hobby si hubby pero may dalawang bagay na dapat kang isipin. Una, kapag bigla na lang silang mag-pursue ng isang hobby na hindi sinasabi sayo. Pangalawa, kapag biglang todo effort sila dito to the point na hindi na kayo masyadong nagkikita.

Ang advice ni Spencer ay ipakita mong interesado ka rin dito at kung puwede tanungin mo siya lagi tungkol sa progress niya. Kung maaari, sumali ka din sa hobby niya. If vague ang mga sagot niya, magsimula ka nang magtaka.

Iba-iba ang tipo ng relasyon at ang totoo sa iba ay hindi totoo para sa lahat. Huwag sana maging sanhi ng pagka-paranoid ang listahan na ito, bagkus sana’y makatulong na mapatibay ang tiwala at samahan ninyo sa isa’t isa base sa mga leksyon ng mga relasyon na naging malungkot ang hantungan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

May maidagdag ka ba sa listahan na ito? I-share mo lang sa comments para makatulong sa mga ibang mommies.

READ: Inherited cheating: Namamana nga ba ang pangagaliwa?

Be sure to check out theAsianparent Community for more insightful stories, questions, and answers from parents and experts alike. If you have any insights, questions or comments regarding the topic, please share them in our Comment box below. Like us on Facebook and follow us on Google+ to stay up-to-date on the latest from theAsianparent.com Philippines!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Bianchi Mendoza