Child actress na namatay sa dengue, isang beses lang nilagnat

Narito ang kwento ng ina ni Sophie Corullo tungkol sa biglaan pagkawala ng anak dahil sa sakit na dengue.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Senyales ng dengue, hindi daw napansin ng ina ni Sophie Corullo sa kaniya. Maliban nalang sa lagnat na isang beses lang ininda ng anak at agad din namang nawala.

Image from Sophia Corullo’s Facebook account

Ina ni Sophie hindi napansin ang senyales ng dengue sa anak

“Huwag silang panatag na porket na lagnat lang. Kahit isang araw lang na lagnat pa-checkup na nila.”

Ito ang payong ibinigay ni Angeli Corullo para sa mga magulang. Siya ang ina ni Sophie Corrula, ang child actress na pumanaw sa dengue sa edad na anim na taong gulang.

Nakilala si Sophie sa programang Showtime bilang ang “Mini Me” ni Anne Curtis. Isang araw bago siya nasawi ay napanood pa siya ng kaniyang mga fans sa programang Maalala Mo Kaya. Hindi nila akalain na kinabukasan ay mapapabalitang pumanaw ang batang artista. At ang naging dahilan ay ang nakakatakot na sakit na dengue.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kwento ng ina si Sophie hindi niya inakala na magkakaroon ng dengue ang anak lalo na’t gumagamit ito ng repellent lotion at laging mahahaba ang suot na damit.

“Kasi kumpleto si Sophie, mga lotion niya tapos yung mga spray. Talagang nagsspray kami saka lagi po yung nakamedyas na mahaba at long sleeve.”

Ito ang pahayag ni Angeli sa isang panayam niya sa programang Rated K.

Hindi rin daw kasi nagpakita ng senyales ng dengue ang anak, maliban nalang sa lagnat na agad rin namang nawala.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Nilagnat lang siya ng sandali, madaling araw lang. Thursday, Friday normal lang po siya naglalaro sa compound. Hanggang noong Sabado parang naghina na siyang kumain pero wala siyang lagnat.”

Ito ang dagdag na kwento ni Angelie. Ayon pa sa kaniya, ay masigla at malakas pa raw kumain si Sophie, ilang araw bago siya bawian ng buhay. Sa katunayan ay natapos pa nito ang isang episode niya sa Maalala Mo Kaya at nakapasok pa sa school. Ngunit bigla nalang daw itong tumamlay ng araw ng Sabado, ang araw na napagdesisyunan nilang dalhin na ito sa ospital at nalaman nilang may dengue ito at malala na.

Hindi inaasahang pagkawala

Kinabukasan ay tuluyan ng nasawi si Sophie, isang bagay na hindi naisip at hindi inakala ng kaniyang buong pamilya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dagdag pasanin pa sa kanila ang isa pa niyang kapatid noon na nag-agaw buhay dahil din sa sakit. Ngunit mabuti nalang at naagapan. Kaya ito ay nakaligtas sa sakit at ngayon ay nag-rerecover na.

Dahil sa nangyari ay may pinangako si Angelie sa kaniyang mga anak. Dahil ayaw niyang maranasan ulit ang sakit ng mawalan ng anak.

“Ang pangako ko sa mga anak ko kahit ano pang maramdaman nila ngayon ay deretso na kami sa doktor para hindi na po maulit.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sana ay magsilbing babala sa mga magulang ang nangyari kay Sophie. Huwag sanang balewalain ang mga nararamdaman ng inyong anak lalo na ang lagnat na pangunahing senyales ng dengue.

Samantala, ang iba ang sintomas ng dengue na dapat niyong bantayan ay ang sumusunod:

Mga sintomas ng dengue

  • Biglaang mataas na lagnat
  • Pananakit ng ulo
  • Pananakit ng mata
  • Matinding pananakit ng kasu-kasuhan
  • Fatigue
  • Pagsusuka o pagduduwal
  • Skin rash na lumalabas dalawa hanggang limang araw matapos lagnatin
  • Mild bleeding sa ilong o sa gums
  • Pagiging matamlay

Ang pagpapanatili naman ng kalinisan sa bahay, paggamit ng insect repellants, paglalagay ng screen sa pinto at bintana ng bahay pati na ang pagsusuot ng mahahabang damit ang ilan sa mga paraan para makaiwas sa mga lamok na nagdadala ng delikadong sakit na dengue.

Source: ABS-CBN

Basahin: Child actress, pumanaw dahil sa sakit na dengue

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement