4 na uri ng pang-aabuso sa bata at ano ang mga senyales nito

Hindi madaling malaman kapag may nangyaring pang-aabuso sa bata. Kaya't marapat na malaman ng bawat magulang ang mga senyales nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bilang mga magulang, obligasyon nating siguruhin ang kaligtasan ng ating mga anak. Mula sa ano mang uri ng pang-aabuso. Alamin dito kung ano ba ang warning signs ng pang aabuso sa bata at paano natin matutulungan ang ating mga anak.

Iba’t ibang uri ng pang aabuso sa mga bata

Pang aabuso sa bata: Physical abuse

Ito ay ang pananakit nang pisikal sa bata. Kung ang ginagawa ng abuser ay nagdudulot ng sugat, gasgas, paso, pilay, at pananakit ng katawan, ito ay nangangahulugan na nakararanas ng physical abuse ang bata.

Ito ang pinakakaraniwang pang-aabuso na kaugnay ng child abuse. Maging ang labis na pagdidisiplina sa anak na nagdudulot na ng sakit sa katawan nito ay itinuturing na physical abuse.

Larawan mula sa Freepik

Emotional abuse

Ang mga gawi naman na nagdudulot ng epekto sa mental na kalagayan ng bata ay tinuturing na emotional abuse o kilala rin sa tawag na psychological abuse. Ilan sa mga halimbawa ng emotional abuse ay ang mga sumusunod:

  • madalas na pagsigaw sa bata
  • pagsasalita nang hindi maganda sa bata
  • hindi pagpapakita ng kabaitan o affection sa bata
  • mahabang oras na hindi pagpansin sa bata
  • mga harsh joke o mga birong nagdudulot ng pagkababa sa bata
  • pagtawag ng kung anu-ano sa bata na maaaring magdulot ng pagbaba ng kaniyang self-esteem

Ang mga batang nakararanas ng emotional abuse ay maaaring makaramdam ng depresyon. Ilan pa sa mga sintomas nito ay ang social withdrawal at delayed o inappropriate emotional development.

Pang aabuso sa bata: Neglect

Hindi lang ibang tao ang pwedeng maging abuser ng bata. Pwede rin na maging abuser ang mga magulang. Kung laging unavailable ang magulang o caregiver ng bata, itinuturing itong neglectful o pagbabaya. Kahit na physically present ang parents pero hindi nito inaalagaan o binibigay ang pangangailangan ng bata, considered itong child abuse.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sexual abuse

Ang paghipo sa bata sa sexual manner o pagkakaroon ng sexual relations sa isang bata ay sexual abuse. Kabilaang na rito ang ano mang behavior na nagdudulot ng sexual stimulation sa bata.

Itinuturing na sexual abuse ang pamimilit sa bata na gumawa ng sexual act, indecent physical exposure, at fondling. Ang abuse man ay minsan lang nangyari o paulit-ulit, considered pa rin itong sexual abuse.

Ilan sa mga senyales na maaaring makita sa bata kung ito ay biktima ng sexual abuse:

  • Promotion ng sexual behavior nang hindi akma sa edad ng bata
  • Pagkakaroon ng difficulty sa toilet habits
  • Pananakit, pangangati, sugat, o pagdurugo ng ari
  • Hirap sa paglakad o pag-upo
  • Dugo sa underwear ng bata

Pwede ring magkaroon ng sexual behavior ang bata sa kapwa nila bata dulot ng naranasang sexual abuse.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Freepik

Bukod sa mga pasa, marami pang maaaring senyales ng pang-aabuso sa bata. Dahil sa takot ng mga bata, maaaring hindi ito mag-kuwento o mag-sumbong sa nararanasan na pang-aabuso.

Warning signs ng child abuse

Ito ang mga maiilap na senyales ng pang-aabuso sa bata na dapat bantayan:

Senyales ng pang aabuso sa bata: Mga nakatagong pasa

Ang pisikal na pang-aabuso sa bata ay madalas nangyayari sa mga bahagi ng katawan na hindi inaasahan.

Ang mga pasa ay maaaring hugis sinturon, kamay o paso ng sigarilyo. Maaaring nakabihis ang bata nang hindi bagay sa panahon para lamang matago ang mga pasa. Ngunit kailangan muna manigurado at hindi agad isipin na may tinatagong pasa ang bata dahil lamang sa pananamit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nagsasagawa ng pang-aabuso sa paglalaro

Kapag wala pang sapat na kaalaman upang iparating ang pang-aabuso sa bata, maaaring gamitin ang paglalaro upang ipaalam, i-proseso at tanggapin ang nakikita o nararanasan.

Maaaring gumamit ng mga kakaibang salita sa paglalaro ng bahay-bahayan na naririnig ng mga pang-aabuso. Maaari din gumamit ng stuffed toys para ipakita ang ginagawa sa kanila. Ito ang kanilang paraan upang matanggap ang bagay na emosyonal o mahirap para sa kanila.

Senyales ng pang aabuso sa bata: Pag-ihi sa pagtulog

Kapag ang bata ay inaabuso, maaari itong umatras sa mga nakasanayan nang ugali.

Ang batang potty trained na biglang naiihi sa kama o salawal ay maaaring biktima ng pang-aabuso. Sila ay bumabalik sa panahon na naramdaman nilang ligtas sila. Babala ng mga child psychiatrist na maaaring iba ang rason nito. Maaaring hindi pa talaga sanay ang bata o may ibang problema itong iniisip tulad ng pagkakaroon ng bagong kapatid.

Pagkakaroon ng sobrang kaalaman sa pagtatalik

Ang isang bata na nakakaranas ng pang aabuso sekswal ay hindi alam na ang naranasan ay hindi normal. Ang isang naabusong bata ay maaaring natuto sa pagtatalik sa maling paraan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Makikita ito sa pagkakaroon ng kaalaman sa pagtatalik na hindi angkop sa kanilang edad. Maipapakita nila ito sa paglalaro, pagsasalita at pakikipag-ugnayan sa iba.

Senyales ng pang aabuso sa bata: Hindi angkop na pag-hawak sa iba

Ang mga batang nakakaranas ng pang-aabuso ay hindi alam ang kanilang hangganan pagdating sa katawan nila o sa iba. Maaari nilang hawakan ang sarili o ang ibang tao sa paraan na hindi angkop sa pag-iisip na normal ito.

Pag-iwas sa isang tao o sitwasyon

Ang mga batang naabuso ay may hindi sapat na kamalayan sa pagpigil sa pang-aabuso. Hindi rin nila alam kung paano ito hindi mauulit. Maaari nilang iwasan ang nang-aabuso tulad ng pag-iwas sa tao na dati nilang ikinatutuwang kasama. Ito ang paraan ng batang naaabuso upang maging ligtas at iwasan ang nang-aabuso.

Minsan, hindi alam ng bata ang gagawin lalo na kung malapit sa magulang ang nang-aabuso. May mga panahon din na matapos magsumbong ng bata, hindi ito pinaniwalaan ng magulang. Ang tanging paraan na naiiwan sa bata ay ang pag-iwas.

Pag-aatubiling makipag-ugnayan

Ang isang bata na dating mahilig sa tao na biglang naging mailap ay maaaring nakaranas ng pisikal o emosyonal na pang-aabuso.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang ilang bata na naabuso ay nagiging pipi o hindi na nagsasalita. Pero tandaan din na hindi lahat ng bata ay Palakaibigan. Mayroong mga batang likas na mahiyain, kaya ang pagiging mailap ay hindi laging senyales ng pang-aabuso. Masusuri ng isang propesyonal kung ano ang totoong rason ng pagiging mailap ng bata.

Larawan mula sa Freepik

Hindi makapag-isip nang mabuti sa paaralan

Hindi lamang attention deficit / hyperactivity disorder (ADHD) ang dahilan ng hirap mag-isip sa paaralan. Ang mga nakararanas ng pang-aabuso sa bata ay maaari din mahirapan tumutok sa paaralan. Dahil dito sila ay napag-iiwanan sa paaralan ng mga kaibigan.

Malaking pagbabago sa pag-uugali

Ang biglang paghina o paglakas sa pagkain ay maaaring senyales ng pang-aabuso sa bata.

Ang mga hindi nahihirapan matulog na biglang nagkaka-insomnia o ayaw matulog mag-isa ay maaaring naabuso. Ayon sa mga psychiatrist, ang mga pagbabago sa pag-kain, pag-tulog, pag-dumi, at pag-uugali ay paraan ng bata upang ayusin ang emosyon na dala ng pang-aabuso.

Mababang kumpiyansa sa sarili

Maaaring sisihin ng batang naaabuso ang kanilang sarili. Iniisip nila na hindi sila nararapat mahalin o tulungan. Ito ay dala ng mga sinasabi ng nang-aabuso upang hindi magsumbong ang bata. Dahil dito, bababa ang kumpiyansa sa sarili ng bata sa pag-iisip na sila ang may kasalanan kaya nangyayari ang mga bagay na ito sa kanila.

Pag-antala ng child development

Ang mga bata na naabuso ay maaaring hindi makamit ang tamang milestone sa tamang panahon. Maaaring mapigilan ng pang-aabuso ang kanilang development. Halimbawa, ang hindi pagbigay ng pagkain sa bata bilang parusa ay maaaring maging dahilan ng malnutrition nito.

Madalas na pag-sama ng pakiramdam

Maaaring makaranas ng pisikal na sintomas ang ilang batang nakakaranas ng pang-aabuso. Ang mga sintomas ay maaaring magresulta ng hirap sa pagkain, pag-tulog at pagsama ng pakiramdam. Ang pang-aabuso ay maaaring hindi nanggagaling sa matatanda. Maaaring nakakaranas ang bata ng pambu-bully kaya ito nakakaramdam ng ganitong mga sintomas. Kaya mabuting kausapin nang masinsinan ang anak upang malaman ang ugat ng pagsama ng pakiramdam nito.

Maraming bata ang nakararanas ng pang-aabuso mula sa mga mas nakatatanda o sa mga kapwa nila bata. Kaya naman, importanteng alam natin bilang mga magulang kung may mga kahinahinalang pagbabago sa ating mga anak. Kapag may napuna tayong senyales na sila ay naaabuso, mabuting kausapin ang bata at iparamdam dito na safe space nila tayo at walang mangyayaring masama sa kanila kung sakaling sila ay magkwento.

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nababantayan natin ang ating mga anak. Lalo na para sa mga working parents. Kaya naman ang maayos na komunikasyon sa araw-araw ay isa sa mga susi upang mailigtas ang ating mga anak mula sa pang-aabuso.

Samantala, kung sa palagay mo ay ikaw na siyang magulang pala ang nagdudulot ng pang-aabuso sa bata, sinasadya man o hindi, tandaan na ang labis na disiplina na maaaring nagdudulot ng perwisyo sa bata ay uri ng child abuse. Importante na kausapin ang bata nang may pagmamahal. Mahalaga rin na tandaan natin na karapatan ng isang bata na magkaroon ng ligtas at maayos na pamumuhay –malayo sa ano mang uri ng pang-aabuso.

Karagdagang impormasyon isinulat ni Jobelle Macayan