May makukuha bang 'Separation Pay' pag nag-resign?

Ano ang separation pay at kailan kwalipikado ang isang empleyado na makakuha nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

May makukuha bang separation pay pag nag resign? At paano i-compute ang halaga ng separation pay kung qualified ka na makakuha nito.

 

May makukuha bang separation pay pag nag-resign?

Ayon sa Article 298 at 299 (dating Article 283 at 284) ng Labor Code of the Philippines, ang separation pay ay ang halagang nakukuha ng isang empleyado kapag siya ay umalis na sa kanyang trabaho.

Pero hindi lahat ng empleyadong nahiwalay sa trabaho ay maaring makatanggap nito. Lalo na kung ang dahilan ng separation sa trabaho ay ang sumusunod:

  • Serious misconduct o hindi pagsunod ng empleyado sa mga alituntunin ng kanyang trabaho.
  • Gross at habitual neglect sa trabaho o duty ng isang empleyado.
  • Panloloko ng empleyado sa kanyang employer o duly authorized representative ng kanilang kompanya.
  • Pagkakasangkot ng empleyado sa krimen o offense laban sa kanyang employer o immediate family nito. O kaya naman ay sa duly authorized representative ng kompanyang pinagtatrabahuhan.

Makakatanggap ba nito ang mga nag-resign na empleyado?

May makukuha bang separation pay pag nag-resign? | Larawan mula sa Freepik

Para sa mga empleyadong nag-resign sa kanilang trabaho, hindi ito kwalipikado na tumanggap ng separation pay. Dahil base sa Korte Suprema [Hinatuan Mining Corporation v. NLRC, 335 Phil. 1090, 1093-1094 (1997)] nakasaad na:

“In fact, the rule is that an employee who voluntarily resigns from employment is not entitled to separation pay, except when it is stipulated in the employment contract or CBA, or it is sanctioned by established employer practice or policy.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Samakatuwid ay walang makukuhang separation pay ang isang nag-resign na empleyado. Maliban na lang sa mga sumusunod na dahilan:

  • Nakasaad sa Employment Contract na pinirmahan ng empleyado na siya ay makakatanggap ng separation pay kahit na siya ay mag-resign.
  • Nakasaad sa CBA o Collective Bargaining Agreement ng kompanya at ng labor union na may matatanggap pa rin an separation pay ang empleyado kahit na siya ay nag-resign.
  • Ang pagbibigay ng separation pay ay nakaugalian na o established company practice ng pinagtratrabahuang kompanya ng empleyado.

Magkano ang maaaring matanggap na separation pay ng kwalipikadong empleyado?

Samantala ang halaga ng separation pay na matatanggap ng kwalipikadong empleyado ay naiiba depende parin sa dahilan ng kaniyang pagkakahiwalay sa trabaho.

Maaaring ito ay katumbas ng kalahati o isang buwan niyang sahod sa kada taon ng kaniyang pagseserbisyo sa pinagtratrabahuang kompanya.

Kung saan itinuturing na katumbas ng isang taon ang anim na buwang pagseserbisyo ng isang empleyado. At ang sahod na gagamitin sa komputasyon ay ang kaniyang latest salary.

Kalahati ng isang buwang sahod sa kada taon ng pagsesebirsyo

Ang isang empleyado ay maaring tumanggap ng kalahating buwan ng kaniyang sahod sa kada taon ng kaniyang pagsesebirsyo kung siya ay mahihiwalay sa trabaho sa sumusunod na dahilan:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Pagbabawas ng tao dahil sa pagkalugi ng kompayang pinagtratrabahuan.
  • Pagsasara o pagtigil ng operasyon ng kompanyang pinagtratrabahuan.
  • Pagkakaroon ng sakit na hindi maaring malunasan o gumaling sa loob ng 6 na buwan. O ang kaniyang patuloy na pagtratrabaho ay makakasama pa lalo sa kaniyang kalusugan o kasama sa trabaho.

Sample computation:

Kung ang isang empleyado ay may sahod na P8,000 kada buwan at nagtatrabaho na ng 10 taon sa kaniyang kompanya ay ito ang kaniyang matatanggap.

½ ng P8,000 = P4,000 (kalahating buwang sahod)

P4,000 x 10 (bilang ng taon ng pagtratrabaho) = P40,000 separation pay

Kung ang empleyado naman ay 9 na taon at 5 buwan palang nagtratrabaho sa kompanya ay ito lang ang kaniyang matatanggap.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

P4,000 x 9 (bilang ng taon ng pagtratrabaho) = P36,000.

Ito ay dahil hindi pa maituturing na isang taon ang 5 buwan tulad ng nauna ng nabanggit.

Image from Freepik

Isang buwang sahod sa kada taon ng pagsesebirsyo

Samantala, ang isang empleyado ay maaring tumanggap ng isang buwan ng kaniyang sahod sa kada taon ng kaniyang pagsesebirsyo kung siya ay mahihiwalay sa trabaho sa sumusunod na dahilan:

  • Paggamit ng makabagong kagamitan ng kompanya upang makatipid. Kaya naman hindi na kakailanganin pa ang serbisyo ng empleyado.
  • Labis na tao o ang posisyon ng empleyado ay redundant na.
  • Hindi na maaaring mailagay sa kaniyang dating posisyon ang empleyado. Dahil sa inutos ng awtoridad na itigil na ang operasyon ng establisyementong pinagtratrabahuan. O ang posisyon ng empleyado ay hindi na nag-eexist at wala ng ibang posisyon na maari siyang paglagyan.

Sample computation:

Kung ang isang empleyado ay may sahod na P8,000 kada buwan at nagtatrabaho na ng 10 taon sa kaniyang kompanya ay ito ang kaniyang matatanggap.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

P8,000 (isang buwang sahod) x 10 (bilang ng taon na pagseserbisyo) = P80,000 separation pay

Kung ang empleyado naman ay 9 na taon at 5 buwan palang nagtratrabaho sa kompanya ay ito lang ang kaniyang matatanggap.

P8,000 x 9 (bilang ng taon ng pagtratrabaho) = P72,000.

Ito ay dahil hindi pa maituturing na isang taon ang 5 buwan tulad ng nauna ng nabanggit.

Kung ang empleyado naman ay 5 buwang palang nagtratrabaho sa kompanya, siya parin ay makakakuha ng separation pay. Ngunit ito ay katumbas lang ng isang buwan niyang sahod.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang separation pay ng isang empleyado ay buo niyang matatanggap. Sapagkat ayon sa Tax Code ng Pilipinas ay exempted ito sa income tax tulad ng iba pang benepisyong nakukuha ng mga empleyado. Lalo na kung siya ay nahiwalay sa trabaho ng dahil sa sumusunod na dahilan:

  • Pagkamatay
  • Pagkakasakit
  • Physical disability
  • Iba pang dahilan na wala sa control ng empleyado tulad ng retrenchment, redundancy at cessation ng business operation ng pinagtratrabahuang kompanya.

Nasagot ba ng artikulong ito ang iyong mga katanungan tungkol sa separation pay Philippines? Para sa iba pang katanungan tungkol sa benepisyo at karapatan ng mga manggawang Pilipino ay basahin ang 2019 DOLE Handbook na makikita sa pahinang ito.