Mahalaga ang paglalaan ng panahon para sa ating pamilya. Mas nagiging matatag ang relasyon ng bawat miyembro ng pamilya kung nakapaglalaan ng quality time kasama ang family. Ano nga bang September events ang maaaring puntahan ng pamilya ngayong buwan? Alamin dito!
September events Philippines 2023
The Best of Anime 2023 The Reunion
Kung mahilig sa anime o animated films ang iyong anak tiyak na matutuwa siya kung dadalo kayo sa BOA 2023. Non-stop anime fun ang maaaring maranasan tampok ang mga panels, cosplay competitions, guest apperances, gaming tournaments, at iba pang stage activities at fan meets.
Mayroon ding mga anime merch at manga books na maaaring mabili sa BOA 2023. Gaganapin ang naturang event sa SMX Convention Center, Mall of Asia, Pasay City, sa September 16, 2023, 10:00 am. Maaari namang bumili ng tickets sa SM tickets.
September events in the Philippines: G Music Fest 2023
Para naman sa mga OPM lover, maki-awit at umindak sa mga tugtugin ng ating OPM artist sa G Music Fest. Tampok ang mga OPM artist tulad ng Urbandub, Itchyworms, BINI, Lola Amour, December Avenue at iba pa. Mayroon ding mga nakahandang immersive activities sa nasabing music fest. Gaganapin ang G Music Fest sa September 16, 12:00 pm sa Circuit Makati.
Maaaring mag-redeem ng tickets sa GlobeOne app.
Watsons Playlist: The Feel Great Concert
Isang gabi naman na puno ng musika ang hatid ng Watsons Playlist: The Feel Great Concert. Tampok ang mga kilalang mang-aawit tulad nina Zack Tabudlo, Ben&Ben, at SB19. Gaganapin ito sa September 24, 7:00 pm sa Araneta Coliseum.
Narito ang mga hakbang upang magkaroon ng libreng ticket sa nasabing concert.
September events in the Philippines: Edamama Family Expo 2023
Libreng event naman ang hatid ng Edamama Family Expo 2023. Ito ay isa sa mga biggest shopping and learning event para sa pamilya. May iba’t ibang mga activity na tampok sa on-ground event na gaganapin sa September 15-17 sa SMX Convention Center, Mall of Asia, Pasay City.
Enjoyin ang iba’t ibang exclusive deals at exciting freebies mula sa 200+ brands at mag-enjoy din sa iba’t ibang pampamilyang activities. Kailangan lang mag-sign up sa edamama page para makalahok sa naturang event.
September events Philippines 2023: Manila International Book Fair
Tinaguriang “The Book Industry Expo of the Philippines” ang Manila International Book Fair. Kung mahilig sa mga libro at iba pang babasahin ang inyong pamilya o ang iyong mga anak, tiyak na matutuwa ito sa paglilibot at pagbili ng mga aklat sa MIBF.
Ang MIBF ang longest-running at pinakamalaking book fair sa Pilipinas. Tampok sa MIBF ang largest at most comprehensive collection ng books, magazines, comics, educational aids, at iba pang allied materials. Ang exciting dito, hindi lang local publishers at bookstores ang kalahok rito kundi maging book printers, foreign publishers, embassies, art and craft suppliers, artist groups, tech businesses, paper suppliers at marami pang iba. Kaya naman, hindi lang mag-eenjoy, matututo rin ang iyong anak!
Gaganapin ang Manila International Book Fair sa September 14 hanggang September 17 sa SMX Convention Center, Pasay City.
Family Fun Fair 2023 Kick Off
Masayang family fun fair event naman ang magaganap sa North Wing Expansion Atrium ng Robinsons Antipolo sa September 15, 10:00 am hanggang sa September 17 ng 9:00 pm.
Maraming goodies, freebies at fun-filled activities na tampok sa nasabing family fun fair.
September events 2023: Iba’t ibang pista sa mga lalawigan
Kung out-of-town activity naman ang trip ng pamilya, pwedeng dumalo sa mga pista na gaganapin ngayong September.
Narito ang listahan ng mga fiesta na magaganap ngayong buwan:
Busig-On Festival – September 7-9 (Labo, Camarines Norte)
Base naman ito sa epiko ng bayan ng Labo na tinatawag na Busig. Tungkol ito sa pagkabayani at pag-unlad ng Bicolano values. Tampok sa festival na ito ang distinct historical values at sentiments na ipinakikita sa pamamagitan ng skills competitions.
Traslacion o Penafrancia Festival – September 13 (Naga City)
Pagdiriwang ito ng pista ng Our Lady of Penafrancia, patron ng Bicol Region. Ang Traslacion ay ang pag-transfer ng imahe ng Our Lady of Penafrancia mula sa Basilica patungong Naga Cathedral kung saan ay bubuhatin ito ng daan-daang lalaking deboto.
Lapay Bantigue Dance Festival – September 28 (Masbate City)
Local dance art festival ito na originated mula sa graceful movements ng mga seagulls na kung tawagin ay Lapay. Maraming ganitong ibon sa Barangay Bantigue, Masbate.
Iba pang pista ngayong September
- Sarakiki Festival – September 1-8 (Calbayog City)
- Diyandi Festival – September 27 (Iligan City)
- Dahunog sa Dipolog – September 26 – October 07 (Dipolog City)
- Hin-ay Festival – September 1-29 (Irosin, Sorsogon)
- Bicol Food Festival – September 1-30 (Naga City)