Dating child star na si Serena Dalrymple sa pagbubuntis sa kaniyang first baby: “Adding a little more love to our tribe❤️”

Serena sinabing “happily married” sila ng mister niya matapos ang first anniversary nila bilang husband and wife.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Serena Dalrymple buntis sa first baby nila ng mister niyang si Thomas Bredillet.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Serena Dalrymple buntis sa kaniyang first baby.
  • Buhay may asawa ni Serena Dalrymple.

Serena Dalrymple buntis sa kaniyang first baby

Larawan mula sa Instagram account ni Serena Dalrymple

Higit isang taon matapos magpakasal ay inanunsyo ng dating child star na si Serena Dalrymple na siya ay buntis na sa kaniyang first baby. Ang announcement ginawa ni Serena sa kaniyang Instagram account tampok ang mga larawan nila ng mister niyang si Thomas Bredillet.

Kasama ang kanilang mga fur babies ay ipinagdiwang ni Serena at mister na si Thomas ang pagkabuo ng dagdag na miyembro ng kanilang pamilya. Base sa mga larawan na ibinahagi ni Serena ay sa darating na Marso ang due date ng kaniyang panganganak. Kung bibilangin siya ngayon ay nasa limang buwan na ng kaniyang pagdadalang-tao.

Ang pagbubuntis nga ni Serena ay mas nakadagdag daw ng “love” sa pagsasama nila ng kaniyang mister.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Adding a little more love to our tribe. ❤️”

Ito ang sabi pa ni Serena.

Si Serena binati ng mga celebrity friends niya sa magandang balita. Ilan nga sa nagpaabot ng kasiyahan nila para kay Serena ay sina Angelica Panganiban, Rica Peralejo at Nikki Valdez.

Larawan mula sa Instagram account ni Serena Dalrymple

Buhay may asawa ni Serena Dalrymple

Setyembre ng nakaraang taon ng ikasal si Serena sa mister niyang si Thomas. Matapos ang higit na isang taon nilang pagsasama bilang mag-asawa, si Serena sinabing “happily married parin sila”.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagbibiro pa nga ni Serena hindi hadlang ang layo ng height nila sa isa’t-isa sa kanilang pagmamahalan. Sa katunayan, si Serena nagpagawa ng customized na upuan para may tungtungan siya sa tuwing magpapapicture sa tabi ng asawa niya.

Larawan mula sa Instagram account ni Serena Dalrymple

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Been happily married for a year now ❤️ it’s also been a year since I got my custom made footstool so I didn’t look too tiny next to these 6+ ft giants ? happy anniversary @tnbred ! I love you.?”

Ito ang sabi ni Serena sa isa niyang Instagram post.

Congrats Serena and Thomas!

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement