Former child star Serena Dalrymple nanganak na! Pinasilip larawan ng kaniyang baby

Nanganak na ang dating sikat na child actress na si Serena Dalrymple. Matatandaang November 2023 nang ibalita niya na siya ay preggy.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Feeling “old” na umano ang mga batang 90s dahil ngayon ay nanganak na ang paborito nila noong child star na si Serena Dalrymple.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Serena Dalrymple nanganak na!
  • Patunay na nagkakaedad na raw ang mga batang 90s

Serena Dalrymple nanganak na! Ibinahagi picture ng baby

Isang nakatutuwang larawan ang ibinahagi ni Serena Dalrymple sa social media. Ikinatuwa ng mga netizen at mga kaibigan ng dating child actress ang magandang balita nito.

Sa isang Instagram post ni Serena, makikita ang larawan ng cute na paa ng kaniyang baby habang binabantayan ito ng mga alaga niyang golden retriever at Siberian husky.

Larawan mula sa Instagram ni Serena Dalrymple

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Walang mang detalyeng iniligay si Serena sa kaniyang post, nangangahulugan lamang ito na nanganak na ang former child star sa panganay nila ng kaniyang non-showbiz husband na si Thomas Bredillet.

Ibinahagi ni Serena ang good news na ito noong April 6, 2024.

“Home sweet home,” ito ang mababasa sa caption ng naturang IG post.

Matatandaang November 23, 2023 nang ibalita rin ni Serena sa kaniyang followers na siya ay buntis. Taong 2022 naman nang pakasalan niya ang non-showbiz husband.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram ni Serena Dalrymple

Patunay raw na nagkakaedad na ang mga 90s kids

Kwela naman ang reaksyon ng mga fan ni Serena sa balita niyang ito.

Saad ng isang netizen, “Parang kailan lang, bulilit ka pa. Hehe Congrats!”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sabi naman ng isa pa, patunay raw ang panganganak ni Serena Dalrymple na tumatanda na talaga ang mga batang 90s.

“Congrats Ms. Serena, Paalala ito na nagkaka edad na nga tayo  may mga anak na ang ating child star  congratulations again!”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram ni Serena Dalrymple

Unang nakilala si Serena sa commercial ng isang fast-food chain. At ito ang nagsilbing daan para sumikat ang aktres at makilala sa larangan ng pelikula at telebisyon.

Isa sa mga pelikula kung saan siya gumanap ay ang “Bata Bata Paano Ka Ginawa?” Nakasama niya rin sa pelikulang ito ang magagaling na artista tulad nina Carlo Aquino at Vilma Santos.

Bukod dito ay marami pang comedy films na ginawa si Serena kasama ang mga sikat na komedyante na sina Dolphy, Redford White at Babalu. Kaya naman favorite child star talaga siya ng mga batang 90s.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Taong 2005 nang iwan niya ang showbiz career sa Pilipinas at piniling manirahan sa Amerika.

Sinulat ni

Jobelle Macayan