Serena Dalrymple naka-schedule ng magpakasal sa kaniyang French boyfriend sa susunod na linggo.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Pagpapakasal ng kilalang child star noon na si Serena Dalrymple.
- Engagement nina Serena at boyfriend na si Thomas.
- Kumusta na nga ba si Serena?
Pagpapakasal ng dating child star na si Serena Dalrymple
Kay bilis nga talaga ng panahon, at hindi natin namamalayan na ang mga noong hinahangaan nating cute na mga batang artista ay mga adults na. Katulad na lang ng sikat na child star noon na si Serena Dalrymple. Siya ay nakilala sa mga comedy movies nina Dolphy, Babalu at Redford White na kung saan mas nagdadagdag siya ng kuwela at cuteness.
Marami rin siyang drama movies na pinagbidahan. Isa na nga rito ang “Bata, Bata Paano Ka Ginawa”. Siya ay ang isa sa anak doon ng Star For All Seasons na si Vilma Santos kasama niya ang isa ring child star noon na isa ng ama ngayon na si Carlo Aquino.
Si Serena nalalapit na rin sa pagbuo ng kaniyang sariling pamilya. Dahil base sa latest Instagram post ng kilalang child star noon, siya ay magpakasal na sa susunod na linggo sa kaniyang French fiancé na si Thomas Bredillet.
Sa kaniyang nasabing post ay ibinahagi ni Serena ang naging timeline ng pagmamahalan nila ni Thomas. Ayon kay Serena, 2018 sila nagkakilala at unang bumisita sa Pilipinas. Sa sumunod na taon ay nagpunta naman sila sa Scotland at Paris.
Taong 2020, tila mas lumalim ang pagmamahalan nila at nagdesisyon na silang bumili ng bahay sa New Hampshire. Matapos nito ay na-engage na sila at ngayong taon ang takda nilang pagpapakasal.
Ito ang caption ng nasabing post ni Serena na may kasamang mga larawan nila ni Thomas.
“A timeline:
“2018 – when we first met, also visited the Philippines and we went to Banff.
“2019 – our trip to Scotland and Paris.
“2020- we bought a home and moved from New York to New Hampshire!
“2021 – we got engaged.
“2022 – we are getting married next week!!! “
Ito ang sabi ni Serena sa kaniyang IG post.
Ang mga celebrity friends ni Serena natuwa sa post na ito ng dating child star at ipinaabot ang pagbati nila sa kaniya.
John Prats: Congratulations guys!
Shaina Magdayao: Awwwwwww. Congratulations, bes.
G Tongi: congrats
Engagement nina Serena at boyfriend na si Thomas
Sa isa pang IG post ay ibinahagi ni Serena na nagkakilala sila ng fiancé ngayon na si Thomas sa isang dating site noong 2018. Hindi niya daw inakala na doon magsisimula ang love story nila ng lalaki na ngayon ay nalalapit niya ng maging asawa.
“4 years ago today, I went out on a date to meet this French dude I matched on Bumble. Who knew that I’ll end up marrying this handsome smart sweet (now) American dude this year?”
Ito ang sabi pa ni Serena sa kaniyang IG post.
Ibinahagi naman ni Serena ang engagement nila ni Thomas sa pamamagitan pa rin ng isang IG post noong nakaraang taon. Ito ay kasabay ng pagdiriwang ng couple ng kanilang 3rd anniversary bilang magkasintahan.
Sa larawan na kalakip ng post ni Serena ay makikitang nag-kiss sila ni Thomas habang nasa harap niya ang kamay na may suot na engagement ring. Ang kanilang engagement naganap sa Chatham, Massachusetts.
Bumaha naman agad ng pagbati noon kay Serena, pati na ilang throwback comments mula sa mga netizens na iniidolo ang dating child star.
“Dati sa debut ni Camile naalala ko promise niyong tatlo ni Angelika na dapat sila muna mauna mag asawa hehehehe now nauna ka pa kay Angelika congrats.”
“I’m so happy that you are doing great! You are a big part of my childhood in PH even we have the same age. You were just a kid too. Stay happy and bless, Serena.”
“Hay, I’m really old.”
Ito ang ilan sa naging comments ng netizens sa naging engagement ni Serena noong nakaraang taon.
Kumusta na nga ba si Serena?
Taong 2010 ng huling makita si Serena sa big screen sa pamamagitan ng pelikulang “Tanging Ina”. Siya ay isa sa mga anak ni Ai Ai delas Alas sa nasabing comedy film sequel.
Sa sumunod na taon ay pinili ni Serena na iwan na ang showbiz at mag-concentrate sa kaniyang pag-aaral. Siya ay nagtapos ng kursong Business Administration sa De La Salle-College of St. Benilde noong 2011.
Ipinagpatuloy pa ni Serena ang pag-aaral at kumuha ng master’s degree. Siya ay nagkaroon ng masters degree sa International Business sa Hult International Business School sa London noong 2014.
Mula noon ay namalagi na si Serena sa Amerika at pumapasyal na lang sa Pilipinas para muling makapiling ang kaniyang mga kamag-anak at kaibigan.