CHED pabor isama ang comprehensive sex education sa curriculum

Ito ang nakikitang paraan upang mabawasan ang kaso ng teenage pregnancies sa Pilipinas. Lalo pa ngayon sa panahon ng COVID-19 pandemic na napatunayang mas dumadami ang mga kabataang nagbubuntis kapag may nararanasang kalamidad ang bansa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sex education curriculum in the Philippines isinusulong ng bagong senate bill, CHED sinang-ayunan ito.

Senate Bill 1334 or Prevention of Adolescent Pregnancy Act of 2020

Nitong nakaraang Linggo ay inihain na sa senado ni Senator Rissa Hontiveros ang Senate Bill 1334. Ito ang bagong isinusulong na batas na naglalayong maiwasan ang teenage pregnancy at mabigyan ng social protection ang mga batang ama at ina. Ang batas ay kilala rin sa tawag na Prevention of Adolescent Pregnancy Act of 2020.

Ayon kay Hontiveros na chairperson ng Senate committee on women, children and family relations ay patuloy parin ang pagtaas ng kaso ng teenage pregnancy sa Pilipinas. Base sa datos na kaniyang ibinahagi may 24 na sanggol ang ipinapanganak ng mga batang ina kada oras sa bansa. Kaya naman sa tulong ng Prevention of Adolescent Pregnancy Act of 2020 ay susubukang mabawasan ito. Ito ay sa gagawin sa pamamagitan ng pagbibigay ng komprehensibong impormasyon sa mga batang edad 10-21 tungkol sa sex at iba pang isyu na may kaugnayan dito.

Image from Live Science

Comprehensive sexuality education o CSE

Sa ilalim ng batas, ito ay tinatawag na comprehensive sexuality education o CSE. At ito ay dapat compulsory o sapilitang kailangang maisama sa itinuturo sa mga estudyante. Habang sinisiguro na magiging normal nalang ang pagtatalakay rito at mawawala na ang stigma o agam-agam ng mga kabataan na mapag-usapan ito.

Sa CSE ay dapat mapag-usapan ang human sexuality at epektibong pagamit ng mga contraceptives. Pati na ang pag-iwas sa mga sakit na may kaugnayan sa reproductive health, gender equality at equity, sexual violence at marami pang iba.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maliban rito nilalayon rin ng batas na mabigyan ng social protection ang mga batang ama at ina. Ito ay upang sa kabila ng kanilang maagang pagharap sa responsibilidad ay magkaroon parin sila ng magandang kinabukasan.

“And also to provide social protection of young Filipinos… to enable them to find their footing again, to actually complete their schooling, find decent jobs and establish livelihood.”

Ito ang bahagi ng pahayag ni Senator Hontivertos tungkol sa Prevention of Adolescent Pregnancy Act of 2020.

Sex education curriculum in the Philippines

Sinang-ayunan naman ng CHED o Commission on Higher Education ang mga nakasaad sa ilalim ng panukalang batas. Ayon sa kanila, walang problema kung isasama sa curriculum ng mga batang estudyante ang sex education. Basta’t ito ay idadagdag nalang sa kanilang mga existing subjects. Dahil magiging mahirap ang pagbuo ng bagong subject tungkol dito. Lalo pa ngayon na nakalatag na ang curriculum para sa darating na pasukan.

“If the addition is just to integrate it, that will be an easier thing to do.” “Mas mahirap if you have a separate subject because the number of units and the curriculum in general education has already been decided and is already being implemented.”

Ito ang pahayag ni CHED Chairman Prospero De Vera.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

Dumadaming kaso ng teenage pregnancies sa Pilipinas

Ang pagkakaroon ng sex education courses rin ang nakikitang paraan ni Senate Committee on Basic Education chair Sen. Sherwin Gatchalian para mabawasan ang kaso ng teenage pregnancy sa bansa. Lalo na ngayon na may nararanasan na COVID-19 pandemic. Kung saan ayon sa kaniya ay napatunayang mas tumataas pa ang kaso ng mga kabataang nabubuntis kapag humaharap sa pagsubok o kalamidad ang bansa.

Napatunayan ito ng isang pag-aaral na isinagawa ng Department of Science and Technology-National Research Council of the Philippines o DOST-NRCP. Ayon sa datos na kanilang nakalap may 23.5% ng mga teenage girls ang nabuntis sa Eastern Visayas matapos ang bagyong Yolanda noong 2013. Nasa 14.8% sa mga ito ang nabuntis muli matapos ang isang taon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa United Nations Population Fund o UNFPA, ito ay nangyayari dahil nawawalan ng access sa paaralan ang mga kabataan sa oras ng kalamidad. At sila ay walang sapat na kaalaman tungkol sa sexual at reproductive health care.

Sex education curriculum in the Philippines/ Image from Philippine Lifestyle News

Comprehensive sex education ang paraan para mabawasan

Kaya naman naniniwala si Sen. Gatchalian na sa tulong ng pagkakarooon ng comprehensive sex education, ang mga kaso ng teenage pregnancies sa bansa ay mababawasan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Matagal nang hamon sa atin pigilan ang pagdami ng kaso ng maagang pagbubuntis ngunit dahil sa COVID-19, nanganganib na mas dumami pa ang mga kabataang kababaihan na maging batang ina at huminto sa pag-aaral.” “Ngayon natin dapat mas patatagin ang mga programa laban sa maagang pagbubuntis upang hindi mapagkaitan ang ating mga kabataan ng magandang kinabukasan.”

Ito ang pahayag ni Sen. Gatchalian tungkol sa pagkakaroon ng comprehensive sex education sa Pilipinas.

Para matagumpay na maisakatuparan ito, hinihikayat niya rin ang mga local government units sa bansa na makipagtulungan. Ito ay sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga awareness campaigns laban sa teenage pregnancies. Dahil bago pa man ang COVID-19 pandemic, ito ay itinuring ng national emergency. Sapagkat may 200,000 na batang babae na edad 15-19 years old ang nabubuntis taon-taon. Ang datos na ito ay mula sa POPCOM o Commission on Population.

 

Source:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

ABS-CBN News

BASAHIN:

The role of parents in sex education