Para sa mga new parents, madalas ay sex ang huli nilang iniisip. Siyempre, tutok sila sa kanilang anak, at madalas ay pagod sila sa pag-aalaga, at pagpupuyat. Pero alam niyo ba na mayroong mga sex positions for new parents?
Sa mga positions na ito, hindi kayo gaanong mapapagod, at siguradong hindi mawawala ang intimacy sa inyong pagsasama. Heto ang mga positions na ito.
5 sex positions for new parents
1. Woman Down
Sa position na ito, nakahiga ka sa kama, habang si mister naman ay naka-perpendicular sa position mo. Ang position ninyo dapat ay parang T shape.
Sa ganitong position papasok si mister, at hindi ninyo kinakailangan na masyadong gumalaw o maghanap ng komportableng posisyon dahil parehas kayong nakahiga.
2. Duck and Cover
Ang position naman na ito ay variation sa spooning na sex position kung saan nakatagilid kayo ni mister, at papasok siya sa likod.
Kaya ito tinawag na duck and cover, ay puwede ninyo itong gawin ng nakakumot para mas komportable kayong dalawa.
3. All Hands on Deck
Sa position na ito, magkatabi kayong dalawa ni mister, at sabay kayong mag-masturbate. Mainam ang position na ito kapag gusto ninyong mag-sex, pero masyado kayong pagod para sa iba pang mga positions.
4. Doggy Style Spoon
Ang doggy style spoon position ay isang variation sa doggy style position. Sa ganitong position, ay sa halip na nakaangat ang iyong katawan, ay nakadapa ka lamang sa kama, at nakapatong sa likod mo si mister.
Ang kinaganda ng position na ito ay hindi ito nakakapagod, at parehas kayong marerelax ni mister habang nagse-sex.
5. Missionary
Bagama’t tipikal na posisyon ang missionary, isa ito sa pinakakomportableng sex positions. Ito ay dahil nakapatong lang sayo si mister, at hindi ninyo kailangan na gumawa ng kung anu-ano pang mga acrobatics.
Kaya pagdating sa mga sex positions for new parents, ang regular na missionary position ay talagang epektibo.
Source: Women’s Health
BASAHIN: 7 sex positions na siguradong magpapainit ng inyong gabi