Kahit na may asawa ka na, may mga pagkakataon pa rin na magpapantasya ka tungkol sa ibang tao. Minsa’y magugulat ka na lamang kapag nanaginip ka tapos paggising mo maalala mo na nakipag-sex ka sa panaginip ngunit hindi ang asawa o partner mo ang iyong kasama. Mapapatanong ka na lamang sa iyong sarili na “Ano ang kahulugan ng panaginip ko na ‘yun?”
Huwag kang mabahala.
Hindi naman ito masama. Minsan nga’y nakakatulong pa itong pag-igtingin ang pagsasama ninyo at ipakita kung ano ang areas for improvement, ika nga, sa inyong sex life para mas maging satisfying ito.
Ang importante ay gamitin mo ito upang mapalapit at ma-improve ang sex life ninyong mag-asawa.
Kahulugan ng sex sa panaginip: Pagtataksil nga ba o karaniwang pantasya lamang?
Na-experience mo ba ang managinip na nakikipag-sex ka sa hindi mo asawa? Nalilito ka ba kung ang kahulugan ng panaginip na ito ay pagtataksil?
Narito ang mga iba’t ibang scenario na posibleng mapanaginipan at ang maaaring ibig sabihin nito para sa inyong pagsasama.
Kahulugan ng sex sa panaginip: Pagtataksil nga ba o karaniwang pantasya lamang?
1. Sex sa panaginip kasama ang kapwa babae o lalaki
Ang kahulugan ng panaginip na ito ay karaniwang pantasya ng ibang babae at lalaki. Ano nga ba ang pakiramdam na makipag-sex sa same sex partner? Healthy na aspeto ito ng sekswalidad na hindi dapat ikahiya o katakutan.
Hindi naman ibig sabihin nito ay kapwa babae o lalaki na ang hanap mo ngayon. Maaaring ang “emotional closeness” na nararamdaman mo sa iyong kaibigan ay nagiging mas malalim sa panaginip.
Bakit hindi ito ikuwento sa iyong asawa, lalo na kung open-minded naman siya. Malay mo, puwede kayong mag-roleplaying para mas maging exciting ang pagtatalik.
2. Sex sa panaginip kasama ang taong kinaiiritahan mo
Maaaring nanaginip kang nakikipagsex sa isang tao kahit hindi ka naman attracted sa kanya dahil hindi siya ang usual “type” mo. Maaari pa nga na kinaiinisan mo ito sa totoong buhay. Hindi naman ibig sabihin nito ay may “hidden desire” ka para sa taong ito.
Maaaring ang emosiyon tulad ng pagkainis ay nagbabago sa panaginip, nagiging “passion” na ibang klase, kahit na parang pisikal na pinagpapantasiyahan mo ito.
Kahulugan ng sex sa panaginip: Pagtataksil nga ba o karaniwang pantasya lamang? | Photo by: Dainis Graveris on SexualAlpha
3. Sex sa panaginip kasama ang ex mo
Ayon sa Psychology Today, maaaring managinip ka pa rin na nakikipagtalik sa ex mo. Dahil sa pinagsamahan ninyo, maraming mga alaala na natitira pa rin sa subconscious mo. Hindi naman ibig sabihin nito’y mahal mo pa rin ang ex mo. May times lang talaga na bigla na laman sila papasok sa isipan, at minsan sa panaginip mo pa.
Huwag mo masyadong i-overanalyze ito. Pero kung madalas itong mangyari, puwede mong tanungin ang iyong sarili kung bakit nga ba nangyayari ito? May mga kulang ba sa kasalukuyang relasyon mo? O di kaya’y na-idealize mo lang ang sex life mo noon kasama ang ex mo? Gamitin ito upang pagtibayin ang pagsasama niyo ng iyong asawa imbis na mabahala na senyales ito na wala nang pag-asa.
4. Panaginip kasama ang asawa mo (pero iba ang itsura niya!)
Aminin na natin, wala naman sa atin ang perpekto. Oo, attracted tayo sa partners natin pero hindi maiiwasang magka-crush o humanga tayo sa mga guwapo’t magaganda, celebrity man o hindi. Dahil dito minsa’y napagahalo ng subconscious natin ang mga aspeto ng itsura o mannerisms ng ibang tao.
Halimbawa, nakikipag-sex ka sa panaginip sa asawa mo, pero sa panaginip ay may abs siya at mas slim. Hindi naman ibig sabihin nito ay hindi ka attracted sa asawa mo. Sa katunayan, magandang sign nga ito kasi kahit medyo iba ang itsura nila sa panaginip mo, sila pa rin ang laman ng pantasya mo.
Kahulugan ng sex sa panaginip: Pagtataksil nga ba o karaniwang pantasya lamang? | Photo by: Dainis Graveris on SexualAlpha
5. Sex sa panaginip kasama ang asawa ng kaibigan mo
Ang kahulugan ng panaginip na ito ay nakaka-bahala (at nakaka-guilty) dahil nga asawa ng kaibigan mo ang pinagpantasiyahan mo. Huwag mo masyadong ipag-alala ito. Unless, sobrang dalas na nitong mangyari. If isa o dalawang beses lamang ay huwag mo nang pansinin. I-focus mo na lang ang “sexual energies” mo sa inyong mag-asawa.
Tandaan: kahit na ano pa ang mapanaginipan mo, wala naman talaga tayong kontrol sa utak at imahinasyon natin habang tulog. Huwag masyadong mag-alala, lalo na’t sa paggising mo ay hindi mo na naman nararamdaman ang urges na ito.
Ang importante ay hindi natin hayaan itong sumira sa ating pagsasama, na pagsikapin pa rin nating mapalapit sa partner natin sa kabila ng mga “sex dreams” na kakaiba.
Naranasan mo na ba ang mga sex sa panaginip na ito? Laging tandaan na ang pagpapantasya ay hindi laging senyales na may problema sa inyong pagsasama. Sa katunayan ay ang maaari namang senyales ang pagpapantasya ng healthy sex life at maaari itong gamitin upang pag-igtingin pa nga ang pagsasama ninyong mag-asawa.
sources: Psychology Today, Science Daily, Dream Moods
BASAHIN: 5 uri ng pagtatalik na makapagpapabalik ng init sa inyong pagsasama
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!