Shaira Diaz umaming naiyak ng minsang mahuli niyang nanonood ng porn ang fiancé na ngayong si EA Guzman: “Nasaktan ako”

Aktres pinapahalagahan kasi ang kaniyang virginity at pinapractice ang no sex o celibacy hanggang sila ay maikasal ni EA.

Shaira Diaz umaming nasaktan ng minsang nahuli niyang nanonood ng porn ang fiancé na ngayong si EA Guzman. Ayon sa aktres, alam niyang normal ito para sa mga lalaki pero hindi niya daw matanggap na pinapantansya noon ng boyfriend ang ibang babae.

Mababasa dito ang sumusunod:

Pagsasama ni Shaira Diaz at EA Guzman

Hindi lang magtatagal at maikakasal na sina Shaira Diaz at EA Guzman. Ang kanilang pagsasama naging usap-usapan matapos ibahagi ni EA noon sa isang panayam kung gaano naging kahirap sa kaniya ang mga unang taon sa kanilang pagsasama. Dahil paliwanag ni EA, si Shaira pinapractice ang celibacy o no sex before marriage na isang challenge daw para sa isang lalaki na tulad niya.

Pero si Shaira matibay ang paniniwala at talagang sinubok si EA sa hangganan ng pagmamahal nito sa kaniya.

“I’m really just honoring my family, especially my mom and dad. Yun ang promise ko talaga sa kanila na kahit iwan mo ako saan, eto, buong-buo pa rin ako. And they told me, yun ang best gift na maibibigay mo sa magiging asawa mo.”

Ito ang pagbabahagi ni Shaira sa isang panayam.

Shaira naiyak ng minsang mahuling nanonood ng porn si EA Guzman

ea de guzman and shaira diaz

Larawan mula sa Instagram account ni Shaira Diaz

Matapos ang 11 years sa kanilang relasyon ay nakatiis naman daw si EA. Pero pagkukuwento ni Shaira, minsan niyang nahuling nanonood ng porn si EA. Naging masakit daw ito sa kaniya. Pero mas pinatibay daw nito ang paniniwala at pagsasama nila.

“Umiyak ako kasi nasaktan ako. Kasi siyempre, sinasabi kasi nila na normal lang sa lalaki na manood ng ganito, ganyan-ganyan. Bakit parang kailangang i-normalize?”

“Kasi para sa akin, ha, parang kung nanonood ka nun e, di parang pinagpapantasyahan mo ‘yung ibang babae. Hindi ko alam. Basta, nasaktan talaga ako.”

Ngayon si EA binago nabago na ang ugali niyang ito. Ito ay para lang maipakita kay Shaira na kaya niyang mabago at respetuhin ang paniniwala nito.

shaira diaz and ea de guzman

Larawan mula sa Instagram account ni Shaira Diaz

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!