Isang baby ang naging biktima ng shaken baby syndrome kamakailan matapos na yuyugin ng kaniyang daddy dahil sa sobrang galit. Naistorbo umano ng baby ang panonood ng paboritong football match sa TV ng kaniyang daddy nang mangyari ang insidente.
Paano nagkaroon ng shaken baby syndrome ang sanggol?
Pansamantalang iniwan ng nanay na si Nicola Smith ang kaniyang 4 na buwang gulang na anak na si Hope Sofia sa pangangalaga ng kanyang 34-anyos na asawang si Neil Smith upang lumabas kasama ng kanyang mga kaibigan.
Ito ang unang beses na iniwan ni Nicola sa kanyang asawa ang kanilang baby kaya tumatawag ito sa FaceTime upang kamustahin ang mag-ama. Matapos ng 10 minuto mula nang huli niyang kamustahin ang mag-ama ay nakatanggap ito ng tawag mula kay Neil na may nangyari kay baby Hope Sofia.
Dali-daling umuwi si Nicola sa kanilang bahay sa Warsall, West Midlands at isinugod sa Birmingham Children’s Hospital ang walang malay na si baby Hope Sofia.
Matapos ang 3 buwan na pamamalagi sa intensive care unit ay idineklarang brain dead si baby Hope Sofia at tinanggal ang kaniyang life support. Sa post mortem report niya ay napag-alamang nagkaroon ng matinding head injuries ang baby na tugma sa pagkakaroon ng shaken baby syndrome.
“Soon after Hope Sofia’s admission to hospital, doctors began to explain that she had suffered serious ‘non accidental’ injuries and she was unlikely to survive them,” sabi ni Nicola sa isang statement na kanyang inilabas.
Agad na ipina-aresto ang daddy na si Neil at nang dininig ang kanyang kaso sa korte, umamin ito na niyuyog niya ang kaniyang anak at inihagis sa sofa dahil sa sobrang galit.
Nagalit umano siya nang naistorbo ng kaniyang baby ang panonood niya ng paborito niyang football match sa TV.
“I listened to the injuries he caused, graphically described by doctors and experts, during the trial. Her own father shook her so hard he killed her,” ani Nicola.
Dahil sa kaniyang pag-amin, nahatulan si Neil Smith ng reclusion perpetua o habambuhay na pagkaka-bilanggo ng Birmingham Crown Court na may minimum sentence na 13 taong pagkakakulong sa kasong murder.
“I cannot forgive him for what he has done, I loved that man, I cared for that man, I loved him, for better for worse and in sickness and in health; but he snatched away our daughter’s life and has not been brave enough to accept it or to tell anyone why he did it,” sabi ni Nicola.
“I will miss Hope Sofia every day and I will miss experiencing the life she would have had, those things other mothers get to share with their daughters, the things you take for granted.” dagdag niya.
Senyales ng shaken baby syndrome
Ang shaken baby syndrome ay ang nangyayari kapag naaalog ang baby ng marahas. Nagiging sanhi ito ng brain injury na pumapatay sa brain cells ng baby. Dahil sa brain injury, nahahadlangan ang pagdaloy ng sapat na oxygen sa utak ng bata na nagre-resulta sa brain damage o kamatayan.
Narito ang ilang senyales ng shaken baby syndrome na dapat bantayan:
- iritable o hindi mapatahan
- antukin
- hindi makahinga ng maayos
- mahina dumede o kumain
- nagsusuka
- namumutla o medyo blue ang kulay
- seizures
- paralysis
- coma
Hindi madaling makita sa pisikal na anyo ng isang baby ang pagkakaroon ng shaken baby syndrome dahil internal ang pinsalang natatamo nito. Kung minsan, ang mga batang nakaka-survive sa shaken baby syndrome ay nagpapakita ng behavioral at development problems sa kanyang paglaki.
Kung ang baby ay nagpapakita ng ilang senyales na nabanggit, huwag mag-atubiling dalhin ito sa pinakamalapit na ospital.
Source: Metro UK
Images: Shutterstock, SWNS
BASAHIN: Shaken Baby Syndrome: Kung bakit hindi dapat inaalog nang marahas ang baby