Madalas bang naglalagas ang buhok mo Mommy kapag nagsusuklay o naliligo? Kung oo, maaaring signs iyan ng tinatawag na postpartum hair loss. Gusto mo ba ng remedy para diyan? Alamin ang anim na best brands ng shampoo sa naglalagas na buhok na safe kahit sa mga breastfeeding mommies.
Bilang isang ina, mahirap na pagsabay-sabayin ang pagpapasuso, pag-aalaga sa mga anak, at pagliligpit sa bahay kaya naman nakakalimutan na nating alagaan ang ating mga sarili.
Mas mainam kung bigyan halaga rin at panahon ang ating sarili upang matugunan ang pangangailangan ng ating katawan.
Talaan ng Nilalaman
Ano ang postpartum hair loss at bakit ito nararanasan?
Ang postpartum hair loss ay stage kung saan ang bagong panganak na ina ay nakakaranas paglalagas ng buhok na kung minsan ay umaabot sa pagkapanot o pagkalbo.
Nakakabahala ang ganitong sitwasyon lalo na sa mga bagong ina na nakakaranas nito. Bukod pa rito, idagdag pa ang stress na dala ng puyat sa pag-aalaga sa bagong silang na sanggol. Kaya naman lalo itong nagpapalala sa hair loss na nararanasan.
Normal na yugto ito bilang isang ina, katunayan, karamihan sa mga nakakaranas nito ay umaabot sa 200-300 hair strands ang nalalagas sa kada araw. Ang dahilan nito ay ang pagbalik sa dating level ng estrogen sa katawan.
Ang pagtaas ng level ng estrogen sa katawan ng babae ay nangyayari sa panahon ng kanyang pagbubuntis. Habang tumataas ang estrogen level sa katawan, ang nagbubuntis ay nagkakaroon ng makakapal at magandang tubo ng buhok. Ang kaunting paglalagas lamang ang nararanasan dahil rito.
Mga pagkain para mabawasan matinding ang paglalagas ng buhok
Ang postpartum hair loss ay walang gamot. Subalit sa pamamagitan ng pagkain ng masustansya, ehersisyo, at sapat na tulog, makakatulong ito ng malaki para maibsan ang paglagas ng buhok. May mga pagkain na makakatulong para maibsan ang matinding paglalagas ng buhok.
Kabilang na rito ang pagkaing mayaman ng L-lysine. Ang L-lysine ang tumutulong para maabsorb ng katawan natin ang calcium at para sa pagbuo ng collagen na nagpapatibay at nagpapalago ng ating buhok.
Ang mga pagkain na karne, keso, itlog, sardinas, tokwa, abokado, at kamatis ay nagtataglay ng L-lysine na makakatulong ng malaki sa paglalagas ng buhok.
May mga shampoo product na nirerekomenda gamitin ng mga taong nakakaranas ng postpartum hair loss. Mas makakabuting suriin muna natin ang bibilhing produkto para malaman kung safe ba ito sa breastfeeding mommy.
Best brands ng shampoo sa naglalagas na buhok
Treatment Shampoo for Postpartum Hair Loss
|
Bumili sa Shopee |
Moringa O2 Anti Hairfall Shampoo with Argan Oil
Best Herbal Shampoo
|
Bumili sa Shopee |
Dove Shampoo Hair Fall Rescue
Best Scalp Nourishing Shampoo
|
Bumili sa Lazada |
Head & Shoulders Supreme Moisture Shampoo with Argan Oil
Best Anti-Dandruff Shampoo
|
Bumili sa Lazada |
Pantene Pro-V Hair Fall Control Shampoo
Best Hair Vitamin Shampoo
|
BUMILI SA SHOPEE |
Aloe Grow Hair grower Shampoo
Best Shampoo for Breastfeeding Moms
|
Bumili sa Lazada |
Mama’s Choice Treatment Shampoo
Why we love it?
Maaaring maraming hair loss o hair fall shampoo na mabibili ngayon pero hindi maipagkakailang espesyal ang Mama’s Choice Treatment Shampoo dahil ito ay ginawa para lamang sa mga nagdadalang-tao o nagpapa-breastfeed. Dahil riyan, makakasiguro kang ligtas ito sa iyong kalusugan at ng iyong anak. Wala itong SLS, SLES, paraben, dyes, alcohol o silicones.
Nakakatulong itong linisin, bigyan ng sustansya at patibayang ang buhok. Ito ay dahil sa mga sangkap nitong natural ingredients tulad ng kiwi, candlenut at green peas. Ang kiwi ay mayaman sa vitamin C nakakatulong patibayin ang buhok habang ang candlenut ay nakakapagpasigla ng tubo ng buhok. Ang green peas naman ay nakakatulong na maging malusog ang tubo ng buhok.
How to use?
Basain ang buhok at imasahe mula anit pababa. Banlawan ito ng maigi. Maaari itong sundan ng Mama’s Choice Treatment Conditioner para sa mas magandang resulta.
Moringa O2 Anti Hairfall Shampoo with Argan Oil
Best Herbal Shampoo
Why we love it?
Gawa ito sa mga natural na sangkap na binubuo ng moringa (malunggay) at Argan Oil. Ang Moringa ay natataglay ng iba’t ibang bitamina at mineral na kailangan ng ating katawan kaya naman nabibilang ito sa tinatawag na superfood. Ang moringa ay nagbibigay ng natural na proteksyon sa ating buhok mula sa pagkasira at pagkalagas.
Katulad ng ibang nabanggit na produkto, ang Moringa-O2 Herbal Anti-Hair Fall Shampoo rin ay may Argan Oil. Ito ang isa sa essential oil na tumutulong upang maibalik ang ganda, tibay, at lusog nito. Ito rin ang nagbibigay ng moisture sa anit para maiwasan ang brittle o madaling maputol na hair strand.
How to Use?
Maglagay ng sapat na dami ng shampoo sa kamay bago ipahid sa basing buhok. Imasahe sa anit ng dahan-dahan papunta sa tip ng buhok. Banlawan ng maigi. Para sa mas epektibong resulta, gumamit ng Moringa-O2 Herbal Contioner after mag-shampoo.
Dove Shampoo Hair Fall Rescue
Best Scalp Nourishing Shampoo
Why we love it?
Ang produktong ito ay ginawa para sa mga taong nakakaranas ng hair fall o hair loss. Ito ay naglalaman ng ng hair and scalp-loving ingredients na talaga namang nakakatulong para malabanan ang matinding pagkalagas ng buhok.
Ang mga star ingredients ng shampoo na ito ay ang dynazinc at grapeseed extract na kayang i-nourish ang scalp upang mas patibayin ang bawat hibla ng buhok. Ito rin ay parehas na nakakatulong upang kumapal ang buhok kaya naman talagang ito ang hair fall rescue shampoo na tiyak na makakatulong sa problema mo.
How to use?
Katulad ng pangkaraniwang shampoo, basain ang buhok. Maglagay Dove Nutritive Solutions Shampoo Hair Fall Rescue+ sa buhok. Dahan dahan imasahe mula anit pababa. Banlawan maigi pagkatapos ng 5 minuto.
Head & Shoulders Supreme Moisture Shampoo with Argan Oil
Best Anti-Dandruff Shampoo
Why we love it?
Ang Head & Shoulders ay kilalang brand ng shampoo para sa naglalagas na buhok dahil sa mabisang pantanggal nito ng dandruff na kalimitang sanhi ng paglalagas o hair loss. Mayroon silang iba’t ibang variants ng shampoo mabibili sa grocery o online stores. Ang mga ito ay depende sa pangangailangan ng inyong buhok.
Ang Head & Shoulders Supreme Moisture Shampoo with Moroccan Argan Crème ay maroong argan oil na kung saan hindi lang nagbibigay ng proteksyon sa buhok laban sa matinding init ng araw.
Habang ang argan oil ay nagtataglay rin ng fatty acids, antioxidant, at Vitamin E na kinakailangan ng isang malusog na buhok upang maiwasan ang hair breakage at hair loss.
How to use it?
Basain ng bahagya ang buhok, maglagay ng shampoo sa kamay at ipahid sa buhok. Huwag kuskusin ang scalp upang maiwasan ang lalo pang pagkalagas. Maingat na pagmasahe sa scalp ang kinakailangan. Banlawan mabuti at gamitan head na shoulder conditioner.
Pantene Pro-V Hair Fall Control Shampoo
Best Hair Vitamin Shampoo
Why we love it?
Ang Pantene ay kilalang brand noon pa man sa buong mundo dahil sa epektibo nitong formula ng shampoo na nilalabanan ang hair fall o hair loss. Ang produktong Pantene Hair Fall Control Shampoo ay nagtataglay na Pro-Vitamin Formula na nagko-convert ng Vitamins sa ating katawan upang labanan ang paglagas ng buhok. Pinapatibay ng formula nito ang strands ng ating buhok mula anit pababa.
Ayon sa clinical trial na kanilang isinagawa, umaabot sa 98% ang nababawasan na hair fall mula sa mga taong nakasubok na ng produktong ito.
How to use it?
Basain ang buhok at maglagay ng sapat na shampoo sa kamay bago ipahid sa buhok. Imasahe hanggang anit ng marahan. Banlawan at pigain ng bahagya gamit ang kamay. Para sa mas maganda resulta, sabayan ito ng Pantene Pro-V hair Fall Control Conditioner after mag-shampoo.
Aloe Grow Hair Grower Shampoo
Best Shampoo for Breastfeeding Moms
Why we love it?
Ang Aloe Grow Hair Grower Shampoo ay gawa sa mga natural na sangkap at essential oils kaya naman safe itong gamitin ng buntis at ng breastfeeding mommies.
Mayroon itong mga sumusunod na sangkap:
- Aloe Vera- kilala bilang halaman gamot nagpapatubo ng buhok, mayroong itong antioxidant at antibacterial properties
- Vitamin E- isa rin itong antioxidant na kailangan ng ating buhok
- Argan Oil- nakakatulong sa pagtanggal ng dandruff at maibsan ang paglalagas ng buhok
- Biotin- ay isang variant ng Vitamin B na tumutulong sa pangangalaga ng buhok
How to use it?
Gamitin ng katulad ng pangkaraniwang shampoo. Safe gamitin sa araw-araw. Para sa magandang resulta, gamitin ito sa loob ng isa hanggang dalawang buwan. Maari ring gumamit ng conditioner after magshampoo.
Price Comparison Table
Brands | Volume | Price (Php) | Price per ml (Php) |
Mama’s Choice Treatment Shampoo | 150 ml | 399.00 | 2.66 |
Moringa O-2 Herbal Anti-Hairfall Shampoo | 200 ml | 225.00 | 1.13 |
Dove Hair Fall Rescue Shampoo | 340 ml | 361.00 | 1.06 |
Head & Shoulders Supreme Moisture Shampoo | 330 ml | 328.00 | 0.99 |
Pantene Pro-V Hair Fall Shampoo | 900 ml | 514.00 | 0.57 |
Aloe Grow Shampoo | 300 ml | 385.00 | 1.28 |
Tips para malabanan ang paglalagas ng buhok
Ang paglalagas ng buhok ay isang normal na proseso na pagdadaanan matapos manganak. Gayunpaman, may ilang mga paraan upang maibsan o maiwasan ang labis na paglalagas ng buhok. Narito ang ilang mga tips na maaari mong sundin:
-
Panatilihing malusog ang iyong mga buhok.
Magpatuloy sa isang malusog na pang-araw-araw na regimeng pangangalaga ng buhok. Panatilihin ang iyong mga buhok malinis at lubusan itong banlawan matapos gamitin ang shampoo at conditioner. Gamitin ang mga produkto na may mga sangkap na nagtataguyod ng kalusugan ng buhok tulad ng bitamina at mga protina.
-
Huwag abusuhin ang buhok.
Iwasan ang sobrang paggamit ng mga styling tool tulad ng hair dryer, straightener, o curling iron. Ang labis na init ay maaaring makaapekto sa kalusugan ng iyong mga buhok.
-
Pumili ng relaxed na hairstyle.
Iwasan ang mga hairstyle na nagdaragdag ng tensyon sa iyong mga buhok tulad ng sobrang mahigpit na ponytail, bun, o cornrows. Ang labis na tensyon sa iyong mga buhok ay maaaring magdulot ng traction alopecia o pagkakalagas ng buhok dahil sa pagka-stretch o pagka-bunot nito.
-
Maging maingat sa paggamit ng kemikal.
Mag-ingat sa mga kemikal na inilalapat sa iyong buhok tulad ng mga hair dye, relaxer, o iba pang pampaganda ng buhok. Ang mga kemikal na ito ay maaaring makasira sa buhok at makapagdulot ng labis na paglalagas.
-
Pangalagaan ang kalusugan ng iyong katawan.
Ang pangkalahatang kalusugan ng katawan ay may malaking epekto sa kalusugan ng iyong buhok. Kumuha ng sapat na pahinga, kumain ng balanseng diyeta na mayaman sa bitamina at mineral, at iwasan ang stress o pang-aabuso sa katawan. Ang malusog na katawan ay malusog na buhok din.
-
Kumonsulta sa dermatologist.
Kung ang labis na paglalagas ng buhok ay patuloy at hindi napapabuti sa pamamagitan ng mga natural na paraan, mahalaga na kumonsulta sa dermatologist.
Sa tulong ng mga anti-hair fall shampoo brands na ito at pagsunod sa aming mga tips, tiyak na mababawasan ang iyong pangamba sa patuloy na nararanasang mong postpartum hair loss.