Sharon Cuneta adopted son na si Miguel nagdiwang ng kaniyang 14th birthday. Imbis na magbigay ng sweet message sa anak, Megastar may hiling sa mga social media followers niya.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Sharon Cuneta adopted son Miguel’s birthday.
- Pakiusap ni Sharon para sa kaniyang pamilya.
Sharon Cuneta adopted son Miguel’s birthday
View this post on Instagram
Nitong October 29 ay masayang ipinagdiwang ng pamilya ni Sharon Cuneta ang 14th birthday ng adopted son niyang si Miguel. Ito ay ibinahagi ng Megastar sa Instagram kalakip ng larawan ng naging birthday dinner nila. Ang caption ng post ni Sharon ay mahaba bagamat maikli lang rito ang tumutukoy sa birthday ng anak niyang si Miguel.
“My son Miguel celebrated his 14th birthday with us on Oct.29! A simple dinner at the place he wanted to go to. Missed our Kakie and KC but I am happy to have been able to be with my family.”
Ito ang bahagi ng IG post ni Sharon tungkol sa birthday ni Miguel.
Pagpapaliwanag ng Megastar, magmula ngayon ay magbibigay siya ng mensahe sa mga anak sa pamamagitan ng personal notes nalang. Ito ay para maiwasan ang issue at pag-awayin ang mga anak niya. May pakiusap rin siya sa mga followers niya ukol dito.
Pakiusap ni Sharon para sa kaniyang pamilya
“To those who find pleasure in hurting the feelings of my family members, please, tama na. Nananahimik kaming lahat and they don’t deserve any negativity.”
Pagpapatuloy pa ng Megastar, ang nagdaang tagumpay ng “Dear Heart” concert nila ni Gabby Concepcion ay hindi mangyayari kung walang go signal ng mister na si Kiko at anak niyang si Miguel. Sa katunayan ito daw ang unang bumati sa kaniya pagtapos ng concert. At ang mga ito alam niyang proud sa kaniya.
Larawan mula sa Facebook account ni Sharon Cuneta
“Never ko sana nagawa ang shows namin ni Gabby without my husband and kids’ approval. They were the first to congratulate me after MOA! Malawak kasi isip ng pamilya namin sorry naman!😊 Proud sila of me!”
Ito ang sabi pa ni Sharon Cuneta.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!