X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Sheena Halili inaming isa siyang 'praning nanay' sa anak niyang si Martina

5 min read

Sa isang Instagram Story na inilabas ni Sheena Halili nito lamang linggo, ipinakita nito ang pagsuot ng bike rain cover habang buhat ang anak na si Martina at nasa isang elevator.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Sheena Halili, walang masama sa pagiging 'praning' na nanay
  • Pagiging nanay ni Sheena Halili

Sheena Halili: "Praning nanay"

Sheena Halili inaming isa siyang praning nanay sa anak niyang si Martina Photo from Sheena Halili's Instagram

Sa caption nito, isinulat ni Sheena ang, “Ladies and gentlemen, ang praning na nanay ni Martina.” Dahil raw ayaw ng sumakay ni Martina sa kaniyang bike ay napilitan si Sheena na suotin na lamang ang bike rain cover habang karga ang anak upang maprotektahan ito. 

Lalo na’t medyo matagal silang naghintay bago makasakay sa elevator dahil mas gusto ni Sheena na walang kasamang ibang tao sa loob ng maliit na space. Bukod pa rito, hindi rin nakapagsuot ng mask ang anak kaya doble ingat talaga ang ginawa ni Sheena. 

Walang masama sa pagiging ‘praning’

Sheena Halili inaming isa siyang praning nanay sa anak niyang si Martina Photo from Sheena Halili's Instagram

Nakakahiya man ay alam naman umano ni Sheena na maiintindihan ng ibang tao ang ginagawa nito. Habang si Martina, tila nakikipaglaro lamang sa ina habang nasa loob ng bike rain cover.

Sinuportahan naman ito ng mga netizen na nagsabing walang masama sa pagiging praning na ina lalo na’t kasalukuyan pa rin tayong nasa pandemya at ang mga sanggol ay hindi pa maaaring mabigyan ng dagdag na proteksyon sa pamamagitan ng bakuna.

Isa pa, mahalagang unahin ang kaligtasan ng anak, dahil mas magiging mahirap na sitwasyon kung ang iyong anak ay tatamaan ng sakit, Covid-19 man o hindi. 

Para kay Sheena, ang pagiging maingat ay mas mabuti kaysa sa magsisi sa huli. Aniya pa, “Alam ko nakakapagod na minsan kahit anong ingat naten tinatamaan parin sila ng sakit, pero at least binibigay naten best naten to protect them, walang "'sana pala.'" 

Sheena Halili bilang ina

Sheena Halili inaming isa siyang praning nanay sa anak niyang si Martina Photo from Sheena Halili's Instagram

Si Sheena Halili ay ikinasal sa kaniyang non-showbiz boyfriend na si Jerome Manzaneros noong February 2020 at isinilang ang kanilang anak na si Martina noong December ng parehas na taon. 

Sa ngayon, si Martina ay more than 1 year old na.

Covid-19 safety tips para sa iyong anak

1. Pabakunahan ang inyong anak kung siya'y 5 years old and above.

Ang pagbabakuna ay dagdag proteksyon hindi lamang sa mga miyembro ng pamilya na maaari nang kumuha nito ngunit lalo na para sa mga bata at sanggol na walang bisa ng bakuna at vulnerable pa sa nasabing virus.

February 7 ang pilot roll-out ng COVID-19 vaccination para sa mga bata ng nasabing edad. Ito ay ginanap sa 6 na vaccination sites sa Maynila.

Base sa pahayag ng National Vaccination Operations Center, tinatayang ngayong darating na February 14, Valentine’s day ang national rollout ng pagbabakuna sa mga batang edad 5-11 anyos.

2. Sundin ang minimum health standards.

Paulit-ulit man itong nababasa at sinasabi, patuloy na magsuot ng face mask, maghugas ng kamay, mag-disinfect, at iwasan ang paghawak sa mukha, mata, at bibig lalo na kung hindi pa nahuhugasan ang mga kamay. Mag-practice rin ng social distancing at wag nang lumabas ng bahay kung hindi naman kinakailangan.

3. Tignan ang mga sintomas.

Kung ikaw ay nakararanas ng sintomas ng Covid-19, mabuting mag-isolate muna hanggang maaari nang mag-take ng test upang makumpirma ito.

Sumangguni sa doktor kung anong gamot ang maaaring inumin at anong mga hakbang ang dapat gawin. Ipagbigay alam din ang sitwasyon sa iyong barangay health worker o local health unit.

Panghuli, ihanda ang listahan ng iyong mga napuntahan at nakasalamuha noong mga nakaraang araw para sa contact tracing. 

4. Panatilihin ang malusog na pangangatawan.

Isa pang panlaban sa malubhang epekto ng Covid-19 ay ang pagpapanatili ng healthy body. Ito ay sa pamamagitan ng pagkain ng masusustansyang pagkain at pag-iwas sa mga bisyo tulad ng smoking o vaping. Ito ay malapit na iniuugnay sa malubhang mga epekto ng pagtama ng virus. 

5. Keep a positive mind.

Bukod sa pangangalaga sa physical body, alagaan din ang mental at emotional state ng bawat isa. Ang patuloy na pagsubok ng Covid-19 ay maaaring makaapekto sa mental and emotional state ng sino man.

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

Kaya naman, mabuting mag-ehersisyo ng self-care. Makipag-usap sa mga kaibigan at pamilya virtually. At suportahan ang mga kamag-anak o kakilala na kasalukuyang lumalaban sa virus na ito. 

6. Maging updated sa balita at protocols.

Dahil lamang ang may alam, ugaliing magbasa ng balita at updates mula sa mga key agencies. Ito ay upang malaman ang mga kasalukuyang protocols gayundin ang estado ng virus sa bansa. 

 

Hopkins Medicine, Bandera, PEP, Instagram

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Margaux Dolores

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Sheena Halili inaming isa siyang 'praning nanay' sa anak niyang si Martina
Share:
  • Max Collins kinumpirma na matagal na silang hiwalay ni Pancho Magno: “Every separation is difficult, but it was amicable.”

    Max Collins kinumpirma na matagal na silang hiwalay ni Pancho Magno: “Every separation is difficult, but it was amicable.”

  • Arjo Atayde gusto ng tatlong anak kay Maine Mendoza: "In God's time"

    Arjo Atayde gusto ng tatlong anak kay Maine Mendoza: "In God's time"

  • Chesca Garcia Kramer hindi pa handang bumalik sa showbiz, priority ang mga anak

    Chesca Garcia Kramer hindi pa handang bumalik sa showbiz, priority ang mga anak

  • Max Collins kinumpirma na matagal na silang hiwalay ni Pancho Magno: “Every separation is difficult, but it was amicable.”

    Max Collins kinumpirma na matagal na silang hiwalay ni Pancho Magno: “Every separation is difficult, but it was amicable.”

  • Arjo Atayde gusto ng tatlong anak kay Maine Mendoza: "In God's time"

    Arjo Atayde gusto ng tatlong anak kay Maine Mendoza: "In God's time"

  • Chesca Garcia Kramer hindi pa handang bumalik sa showbiz, priority ang mga anak

    Chesca Garcia Kramer hindi pa handang bumalik sa showbiz, priority ang mga anak

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.