X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Sherilyn Reyes, lumipat ng bahay dahil sa nakakatakot na "imaginary friend" ng 10-anyos na anak

5 min read
Sherilyn Reyes, lumipat ng bahay dahil sa nakakatakot na "imaginary friend" ng 10-anyos na anak

Anak niya minarkahan daw ng 14 na ibig sabihin ay kukunin ito o bigla nalang mawawala bago ang 14th birthday niya.

Aktres na si Sherilyn Reyes Tan at kaniyang pamilya napilitang lumipat ng bahay dahil sa nakakatakot na karanasan sa “imaginary friend” ng 10-anyos na anak.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Kababalaghang nagaganap sa dating bahay nila Sherilyn Reyes Tan.
  • Anak ni Sherilyn na babae mayroong imaginary friend.

Kababalaghan sa dating bahay ng aktres na si Sherilyn Reyes Tan

Kamakailan lang ay muling nakita ng kaniyang mga fans on national TV ang aktres na si Sherilyn Reyes. Ito ay nang mag-guest siya sa talk show program na Mars Pa More sa GMA na kung saan sina Iya Villania at Camille Pratts ang host ng programa.

Sa naturang programa ay ibinahagi ni Sherilyn ang nakakatakot na naging karanasan ng kaniyang pamilya sa dati nilang bahay. Ayon kay Sherilyn, higit sa sampung taon sila doon namalagi ng kanilang pamilya.

Marami mang mga memories doon na nabuo at pinagkakaingatan ang mga pamilya niya ay kinailangan nilang lisanin ito. Dahil ayon kay Sherilyn, mayroon umanong ibang entity ang nakatira dito.

Sa katunayan, sa loob ng sampung taon ay nakasanayan na nila ito at hindi nagdudulot sa kanila ng takot at pag-aalala. Hanggang sa isang araw ay may nalaman silang nagpatindig ng mga balahibo nila. Lalo na sa kaniya na isang ina na hinding-hindi papayag na mawala sa kaniya ang anak niya.

Kuwento ni Sherilyn, ayon sa bisita nilang may 3rd eye ng makita ang anak niyang babae, ito umano ay may kasamang dalawang bata. Ang mga bata umano na kasama nito ay may marka na mga numero na 9 at 13. Habang ang anak niya ay may marka ring numero na 14.

Sherilyn Reyes Tan

Image from Sherilyn Reyes Tan's Facebook account

Anak ni Sherilyn bigla na lang mawawala sa 14th birthday niya

Maliban sa dalawang bata na nakita ng kanilang bisita na hindi nila nakikita, mas kinatakot ni Sherilyn ang kahulugan ng numerong 14 na iminarka sa anak niya.

“Iyong bahay namin before, we lived there for more than 10 years.  Tapos meron talagang ibang entity na parang nakasanayan na namin.

Then there was a time na nagkaroon kami ng bisita na medyo malakas siguro yung 3rd eye niya. Nakita niya 'yong daughter ko pagbaba ng hagdanan. Tapos sabi niya alam mo minarkahan siya.

May kasama siyang dalawang bata, 9 and 13, tapos minarkahan daw ng 14 sa likod. Meaning on or before her 14th birthday, matutulog na lang siya, hindi na siya gigising.”

Ito umano ang sabi ng kaniyang bisita na kahulugan ng nakitang numero sa likod ng anak niya.

Ayon sa anak ni Sherilyn siya ay may playmate na siya lang ang nakakakita

Sherilyn Reyes Tan

Image from Sherilyn Reyes Tan's Facebook account

Kaugnay nito ay nagsabi rin daw ang anak niya sa naturang bisita na bumalik ang dati niyang playmate o imaginary friend. Nakiusap umano ito na huwag sasabihin sa kanila na mga magulang niya ang tungkol dito.

Dito mas lalong tumindig ang balahibo nila Sherilyn. Kaya naman totoo o hindi nag-desisyon silang umalis sa dati nilang bahay at lumipat nalang sa iba.

“So alam mo 'yon, whether or not na totoo parang alis na tayo dito.”

Ito nalang daw ang nasabi ni Sherilyn sa kaniyang asawa at mga anak nila.

BASAHIN:

Is having imaginary friends normal or dangerous? Experts weigh in on the issue

11 Creepy imaginary friends kids have

Kids’ imaginary friends brought to life in fun exhibit

Madali naman umano nakahanap ng bagong bahay na lilipatan sina Sherilyn. Pero hindi naging madali ang paglipat nila. Dahil sa pagtaka pa lamang nilang pag-alis ay may mga kababalaghan pang naranasan ang kaniyang pamilya.

“Nakakita kami ng bahay na lilipat. Then noong time na pinakita namin sa mga bata, that was the first time she saw it. Pag-uwing pag-uwi namin naubo lang 'yong husband ko and then nagyaya na siya sa ospital.”

Ang nakakagulat umano higit sa isang linggo sa ospital ang asawa niya. At ang simpleng pag-ubo nito ay nakitang dahil umano sa lacerations sa kidney niya.

Dahil sa nangyari halos 3 buwan umano hindi makagalaw at makakilos ng maayos ang asawa niya. Ayon sa may 3rd eye na nakakita ng kababalaghan sa bahay nila, ito umano ay nangyayari dahil sa pinipigilan silang umalis ng masamang elementong nakatira sa dating bahay nila.

Sherilyn Reyes Tan

Image from Sherilyn Reyes Tan's Facebook account

Para makalipat ng maayos ay nagsagawa pa sila ng ritwal

Para masigurong makakalipat sila ng maayos ay nagsagawa ng ritwal sila Sherilyn sa bago nilang bahay. Pero hanggang doon ay hindi natapos ang kababalaghan na nararanasan nila.

“Paglipat pa namin may ritwal pa kaming ginawa, ganoon din. Umpisa palang ng ritwal nabasag na yung bowl of salt na dala ng isang anak ko.”

Noon umano ay nataranta sila at hindi alam ang gagawin. Pero ginawa nila ang lahat para matapos ang ritwal. Sa awa ng Diyos ay nagawa nila ito ng maayos at natapos. At ngayon ay tahimik at masaya na ang kaniyang pamilya sa bagong bahay nila.

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

Source:

YouTube 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Sherilyn Reyes, lumipat ng bahay dahil sa nakakatakot na "imaginary friend" ng 10-anyos na anak
Share:
  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

  • Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

    Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

  • Bawal ba ang pabango sa buntis? Epekto pabango sa buntis

    Bawal ba ang pabango sa buntis? Epekto pabango sa buntis

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

  • Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

    Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

  • Bawal ba ang pabango sa buntis? Epekto pabango sa buntis

    Bawal ba ang pabango sa buntis? Epekto pabango sa buntis

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.