Medyo nahihirapan ba ang iyong anak sa pag-aaral o nais mo lamang siyang gabayan para mas maging madali ito para sa kanya? Narito ang 12 tips para sa mga mag-aaral na napatunayan na ng Siyensiya.
12 tips para sa mga mag-aaral
1. Isulat ang mga tala sa papel, hindi sa laptops o smartphones
Isa sa mga tips para sa mag-aaral ay ang paggamit pa rin ng notebooks. Habang mas madali gamitin ang laptops o smartphones sa pagsulat ng mga tala—karaniwan narin itong gamitin ng mga estudyante sa mga panahon ngayon—walang makakatalo sa pagsusulat ng mga tala sa papel gamit ang lapis o ballpen. Ang aktwal na pagsusulat ay nakapagpapagana ng mas maraming parte ng ating mga utak kumpara sa pagta-type, kaya naman mas nakakatulong itong matandaan ang ating mga isisinusulat. Kaya naman dapat ituro sa ating mga anak na mas mabuting isulat ang kanilang mga tala kaysa ito ay i-type.
2. Hindi kailangan ng highlighters, paganahin ang active recall
Ayon sa pag-aaral, ang pagha-highlight, pagsasalungguhit, at muling pagbabasa ng mga takda ay hindi ganoon ka-epektibo pag dating sa pag-aaral. Ang isang mas mabisang paraan para matuto ay ang paggamit ng tinatawag na active recall or ang paraan kung saan ang isang bata ay sinusubukang alalahanin ang importasyon gamit lamang ang kanilang memorya, at saka susubuhin ang sarili para masigurong tama ang kanilang sagot. Nakakatulong ito sa pag papagana ng utak ng mga bata at nakakatulong rin na mas matuto sila sa pamamagitan ng simpleng pagbabasa at pagme-memorya.
3. Pag-aaral kasama ang isang grupo sa halip ng mag-isa
Pinakamainam na mag-aral kasama ang isang group kasya sa pag-aaral ng mag-isa. Hindi lamang dahil nakakatulong ito maging mabisa ang pag-aaral kung hindi nakatutulong rin itong pag-ibayuhin ang kanyang social at teamwork skills. Subalit, importante ring siguraduhin na ang kasama nilang mag-aral ay makakatulong sa kanilang magpursigi rito sa.
4. Huwag mag-multitask
Kapag nag-aaral ang inyong anak, siguraduhing ang pag-aaral lamang ang pinagtutuunan nila ng pansin. Ilayo ang kanilang cellphones, patayin ang radyo pati narin ang telebisyon habang sila ay nag-aaral. Pagkatapos nilang mag-aral, hayaan silang magrelax, manood ng TV, makinis ng musika, at iba pa.
5. Ngumuya ng chewing gum
Ayon sa pag-aaral, nakatutulong ang pagnguya ng chewing gum sa pagko-concentrate. Kaya naman kung nagkakaproblema ang inyong anak sa pagko-concentrate sa kanilang pag-aaral, maaaring makatulong ang pagpapanguya sa kanila ng chewing gum.
6. Masustansyang pagkain
Ang pagpapakain sa inyong anak ng mga masusustanyang pagkain ay makakatulong sa kanilang brain development, na s’ya naming makakatulong sa kanilang memorya.
7. Magpahinga
Hindi rin maganda ang hindi pagpapahinga kapag nag-aaral kaya payo ng mga eksperto, magpahinga paminsan-minsan. Pagdating sa pag-aaral, ang kalidad ng pag-aaral ay mas mainam kaysa sa haba ng panahong ginugol dito. Nakitang sa pagpapahinga kada 25-minuto ng pag-aaral ay nakakatulong sa memorya at focus.
8. Payuhan silang maglakad-lakad
Sa halip na sabihan silang matulog o kaya ay humiga para magpahinga, nakatutulong rin daw na yayain silang maglakad-lakad sa labas para makalanghap ng sariwang hangin at ma-relax ang kanilang utak. Nakatutulong rin daw ito para makaisip sila ng mga bagong ideya.
9. Importante ang tindig o pustura
Ang pag-upo o pag-tayo ng tuwid ay importante rin daw sa kanilang pag-aaral. Kaya naman kung nakikita n’yo ang inyong anak na nakukuba, tulungan n’yo silang ayusin ang kanilang pustura.
10. Pagtulog ng mahimbing
Mahalaga ang kalidad ng tulog sa kakayahan ng isang tao na matuto. Ang pagtulong ng sapat at mahimbing gabi-gabi ay nakatutulong na kanila na makagawa ng maraming bagay sa araw na s’yang makakatulong na matuto sila ng mas mainam at mas mabilis para tumaas ang kanilang mga grado sa eskuwela.
11. Pag-eehersisyo
Ang pagiging matalino ay kaugnay ng pagiging malusog. Kaya naman kung ang inyong anak ay nagkakaproblema sa pag aaral, mainam na sila ay hikayating mag ehersisyo sa umaga. Kahit ang 20-30 minuto na pag-eehersisyo ay makakatulong ng lubos sa kanilang kalusugan at sa pagpapatalas ng kanilang isipan.
12. Pagtatanong
Turuan ang inyong anak na huwag matakot na magtanong lalo na kapag may mga bagay silang hindi maintindihan. Ang pagtatanong upang sila ay matuto ay mas mabuti kaysa sa pagpapanggap na nauunawaan nila ang lahat. Nakakatulong rin ito na mapag-ugnay nila ang mga bagay na hindi obvious, at nakatutulong rin sa kanilang pagkamausisa.
Ang article na ito ay unang isinulat sa ingles ni Alwyn Batara.
Source:
READ:
10 Backpack school essentials for your kids