Ang pagtago ng mga sikreto ay nakaka-apekto sa pisikal na kalagayan ng isang tao, ayon sa pag-aaral. Napapababa nito ang pakiramdam ng isang tao at nakaka-apekto sa pananaw at lakas ng nagtatago nito.
Natutunan sa pag-aaral na kapag nagtatago ng mabigat na sikreto, maaaring managyari ang mga sumusunod:
-
- tingin ay napakalayo ng isang distansya
- tingin ay mas matarik ang mga daanan
- mas malabong tumulong sa iba
Ngunit, nakakapagpagaan ng loob kapag nasabihan ng sikreto dahil sa halaga ng nabahaging impormasyon. Ito ay ayon sa pagaaral nila Slepian, Chun at Mason nuong 2017 tungkol sa mga sikreto ng mga tao.
Sikreto ng mga mag-asawa
Sa mga mag-asawa, ang pagtatago ng sikreto sa isa’t isa ay nagbibigay ng pakiramdam ng kakulangan sa pagiging totoo. Kapag nakaramdam ng ganito, ang relasyon ang nahihirapan. Kapag lalong iniisip ang sikreto, lalong nalalayo ang sarili mula sa asawa. Dahil dito, nalalagay sa panganib ang pagsasama ng mag-asawa.
Kapag ang pagtatago ng sikreto ay nakakabigat ng pakiramdam, nakakagaan ba ang pagsabi ng sikreto sa iba?
Ayon sa isang bagong pag-aaral nila Slepian at Moulton-Tetlock nuong 2019, nakakatulong minsan ang pagbabahagi ng sikreto sa iba. Ang pagbahagi ng sikretong tinatago ay paraan ng pagtanggal ng stress. Hindi lamang nito napapadama ang suporta ng iba sa pagdadala ng bigat ng sikreto, nababawasan din nito ang pag-iisip sa sikreto.
Ano nga ba ang mga sikretong tinatago ng mga tao?
Ayon sa pagaaral nila Slepian nuong 2017, ang ilang sikreto ay maaaring ibahagi sa mga malalapit sa atin, ngunit may ilang hindi talaga sinasabi sa iba.
Ito ang 10 sikretong tinatago na tinatago ng tao:
1. Extra-relational na mga naiisip
Ito ang mga pag-iisip ng pagkakaroon ng romantiko o sekswal na relasyon sa ibang tao bukod sa kasalukuyang karelasyon.
2. Sekswal na mga gawain
Kabilang dito ang mga sekswal na aktibidad tulad ng panonood ng pornograpiya, masturbation at fetishes na itinatago mula sa ibang tao.
3. Mga kasinungalingan
Ang pagsisinungaling sa isang tao tungkol sa mga bagay na hindi man masaad sa listahan na ito.
4. Mga romantikong pagnanasa
Maaaring paghanga, pagiging in-love, o ang paghahangad ng relasyon sa isang tao na hindi asawa o karelasyon.
5. Paglabag sa tiwala
Ito ang pagsira sa tiwala ng isang tao sa pamamagitan ng pagbahagi ng kanilang sikreto, pagkiki-alam sa kanilang mga personal na impormasyon, hindi pag-papaalam sa pag-gamit ng mga bagay nila, at iba pa.
6. Pagnanakaw
Ang pagkuha ng isang bagay na hindi mo pag-aari.
7. Emosyonal na pagtataksil
Kabilang dito ang pagiging emotionally involved, paglalandi, o pagiging masyadong palakaibigan sa isang tao na hindi karelasyon.
8. Ambisyon o layunin
Isa rin sa mga sikretong tinatago ang mga ambisyon o layunin sa mga aspeto ng career, kalusugan, relasyon, at iba pa.
9. Detalye tungkol sa pamilya
Ito ay ang mga impormasyon tungkol sa iyong pamilya na hindi ibinabahagi sa iba.
10. Sikreto sa pera
Kasama dito ang lahat ng mga detalye na tungkol sa pera na hindi ibinabahagi sa iba. Maaaring ito ay sikretong bank account, pagkita ng higit na masmababa o masmataas kaysa sa laging sinasabi, pagbabayad ng utang, mga namana, at iba pa.
Ang pinaka-mainam na paraan upang mabawasan ang negatibong epekto ng sikreto ay ang pag-amin nito, pagbunyag o pag-ensayo ng mindfulness upang maturuan ang utak na tumuon sa kasalukuyan at hindi mapamahagi ang sikreto.
Source: Psychology Today
Basahin: Ang sikreto sa pagsasama ng pinakamayamang mag-asawa sa buong mundo