Hindi ka pa ba nakakapag-register ng iyong sim card? Extended ang deadline ng sim card registration nang 90 days, ayon sa DOJ. Alamin dito kung paano ang globe sim registration at smart sim registration.
Para saan ang sim card registration?
Ano nga ba ang SIM Registration Act at bakit kailangan ito? Ang SIM registration Act ay ang batas na nag-uutos na ang lahat ng sim cards ay mai-register sa kani-kanilang telco providers bilang requirement para sa activation ng mga ito. Ipinanukala ang nasabing batas bilang pagprotekta sa mga consumer mula sa illegal activities tulad ng mobile scams, smishing, at fraud.
Larawan mula sa Pexels kuha ni Picjumbocom
Nagsimula ang sim registration noong December 27, 2022 at itinakdang matapos sa April 26, 2023. Subalit, dahil sa low registration turnout inanunsyo ni Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa naganap na inter-agency task force meeting sa Mindoro na na-extend ng 90 days ang deadline ng sim registration.
Inanunsyo ito ng DOJ secretary matapos ang sectoral meeting kasama si Pangulong Bongbong Marcos. Kung saan ay pinag-usapan ng mga ito kung i-eextend ba o hindi ang sim card registration.
Globe sim registration at Smart sim registration: Paano ito?
Larawan mula sa Pexels kuha ni tofroscom
Para sa mga hindi pa nai-register ang kanilang mga sim card narito ang 3 easy steps kung paano i-register ang inyong sim.
- Pumunta sa website ng Smart o Globe at i-input ang inyong sim card number para makapag-send ng one-time pin (OTP) ang network.
- I-input ang OTP at sagutan ang form. Kompletuhin ang iyong profile at mag-attach ng valid government ID.
- I-save ang inyong control number.
Pagkatapos nito ay iva-validate na ng telco provider ang detalye ng iyong registration. Magpapadala ng notification sa pamamagitan ng SMS o text ang telco provider matapos ang ilang araw upang ipabatid kung successful ba ang pagrehistro.
Sa mga magrerehistro ng kanilang sim card bisitahin ang mga link na ito:
Globe sim registration
Smart sim registration
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!