Naging karaniwan na ang eksena ng piggy-back ride sa mga Koreanovelas. Lubos itong nakakakilig sa mga kabataan na sumusubaybay sa mga romance dramas na ito dahil bunsod na ito ng pagkakaroon ng relasyon ng mga karakter ng istorya. Ngunit para kay Wang Xiaomin, ang pag-pasan sa kaniyang kabiyak na ata ang pinaka-ultimate na simbolo ng pag-ibig.
PHOTO: Screenshot from Pear Video
#RelationshipGoals
Nakatawag pansin si Xiaomin sa kaniyang mga kapwa travelers sa kaniyang pagbisita sa Huangshan mountain sa Anhui province sa China. Imbis kasi na backpack ang dala sa kaniyang pag-hike sa Unesco World Heritage site, pasan niya ang kaniyang asawa.
Ayon sa report ng Philippine Daily Inquirer, matagal nang ginagawa ni Xiaomin, 57, ang pag buhat sa kaniyang asawa mula ng magkasakit ang kaniyang misis ng motor neurone disease limang taon na ang nakakaraan. Tinatamaan ng sakit na ito ang utak at ang nerves na nagiging sanhi ng pagkawala ng kontrol sa mga muscles. Unti-unting nalilimitahan ang mga galaw at napaparalisa. Kapag tumagal pa, mawawalan na rin ng kakayahan ang pasyente na kumain at huminga nang walang tulong medikal. Walang gamot para sa sakit na ito.
Kaya naman bago pa lumala ang kundisyon ng kaniyang misis, nag-desisyon si Xiaomin na ipakita sa kaniyang asawa ang iba’t ibang parte ng mundo na hindi pa nila nararating. Wala silang anak ng kaniyang misis kaya’t malaya silang makapag-travel. Ang huli nilang napuntahan ay ang Potala Palace sa Lhasa, Tibet.
Saad ni Xiaomin: “Alam kong maliit na ang tsansa na gumaling siya sa kaniyang karamdaman kaya gusto kong makakita siya ng iba’t ibang lugar.”
Dagdag nito, “Masyadong malaki ang mundo. Gusto ko siyang dalihin sa iba’t ibang lugar para pag-lisan niya sa mundo, wala siyang pagsisihan.”
Hindi pa alam ni Xiaomin kung saan ang susunod nilang destinasyon pero ipinapangako niyang, malapit man o malayo, patuloy niyang papasanin ang kaniyang misis bilang simbolo ng pag-ibig nito sa kaniya.
SOURCE: Philippine Daily Inquirer
Ikaw, paano mo pinapakita ang pagmamahal mo sa asawa mo? Heto ang ilang tips!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!