Karen Reyes warns parents matapos ma-ospital ang anak dahil sa madaming SINGAW

Iwasang lumala ang singaw ng iyong anak at magdulot ng pasakit sa kaniya sa mga paraang tampok sa artikulong ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Singaw ng bata hindi dapat basta isawalang-bahala.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Babala ng aktres na si Karen Reyes tungkol sa singaw ng bata.
  • Lunas at mga dapat iwasan kung may singaw ang bata.

Singaw ng bata

Image from Karen Reyes Instagram account

 

May babala ang ex-PBB housemate at aktres na si Karen Reyes sa mga magulang. Ito ay ang huwag balewalain ang singaw. Dahil sa singaw anak ni Karen na-ospital.

Sa Instagram ay ibinahagi ni Karen Reyes ang kaawa-awang pinagdadaanan ng anak niya ngayong si Lukas. Ang kaniyang anak ay na-confine sa ospital dahil sa singaw na inakala ni Karen na kusa lang gagaling at mawawala.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Nov4, nung nilagnat si Lukas akala ko non sa pagod lang.

Nov5 lunchtime, kumakain pa sya at nakakadede. Nung hapon I noticed ang pamumula ng gums nya. So when I checked it up, nakakita ako ng mga singaw hanggang sa lalamunan.

Ako na singawin sabi ko mawawala din.

So I gave him paracetamol lang for the fever.”

Ito ang pagkukuwento ni Karen tungkol sa mali niyang akala sa singaw.

Pero hindi naman basta nagpabaya si Karen agad niya rin ipina-teleconsult ang anak. Ito ay niresetahan ng antibiotic na isang challenge ipainum sa anak niya.

Una, nahihirapan na itong kumain at walang laman ang tiyan niya. Pangalawa, masakit ang bibig ng bata at tinatanggihan ang mga pagkain at inuming ibinibigay sa kaniya.

Bata na-ospital dahil sa singaw

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Image from Karen Reyes Instagram account

Dahil sa iyak na ng iyak sa sakit ang anak niya, dagdag pa ang nanghihina na ito at hindi makakain at makadede ay minamabuti ni Karen na dalhin na lang ito sa ospital.

Bunsod ng COVID-19 pandemic, ay hindi basta na-admit ang anak niyang si Lukas. Kinailangan pa ang negative na COVID-19 test para lang tanggapin ito at masimulang ma-treat sa ospital.

“So lumabas ang result ng RTPCR, which is Thank God negative… dumeretso na kami ng ER..
After few days, wala naman nakitang ibang infections aside from the SINGAW!!! Yes, naospital si Lukas ng dahil sa singaw. Dmagdag pa jan(dyan) ang tonsilitis.”

Ito ang pagbabahagi pa ni Karen. Sa ngayon, ayon kay Karen ay naka-antibiotic treatment pa rin ang anak niya sa ospital. Namumula pa rin ang gums nito at may maliliit pang singaw sa kaniyang dila. Pero nakakadede na ito at unti-unti ng nakaka-recover.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paliwanag umano ng doktor, naging nakakabahala ang mga singaw sa bibig ng kaniyang anak, dahil sa ang katawan nito ay mahina ang resistensya laban sa mga sakit.

“Sabi ng Doctor ang cause ng singaw is because mababa ang resistensya (so mga mommies, vitamins is REALLY A MUST tinigil ko kasi ang vitamins niya dahil iniluluwa niya lang) and because of too much sweet tapos konti ang water intake.”

Ito ang paalala ni Karen. Dagdag pa niya sa mga magulang, huwag basta balewalain ang singaw sa mga bata!

“Sa mga mommies out there, ‘wag nating balewalain ang mga mga singaw kahit isang maliit lang ‘yan dahil pwede siya magspread sa bibig since its viral.”

BASAHIN:

Singaw: Dahilan, lunas at paano makakaiwas

10 epektibong gamot sa singaw na natural

May singaw si baby? 6 na posibleng sanhi nito at mga dapat gawin ng magulang

Paano maiiwasan at malulunasan ang singaw ng bata?

Ang singaw o canker sore sa salitang Ingles ay tumutukoy sa lesion o sugat sa loob ng bibig. Ito ay madalas na pabilog o pa-oval ang hugis na maaaring kulay puti o dilaw at may red border sa kaniyang paligid.

Walang pinipiling edad ang singaw, nagiging nakakabahala lang ito sa mga bata dahil sa ito ay masakit at maaring makaapekto sa kanilang maayos na pagkain.

May mga home remedies na maaaring gawin para malunasan ang singaw ng iyong anak. Ang mga ito ay ang sumusunod:

  • Magmumog ng maligamgam na tubig na may asin o baking soda.
  • Patakan o pahiran ng milk of magnesia ang singaw ng paulit-ulit sa loob ng isang araw.
  • Lagyan ng ice ang singaw o magbabad ng maliit na piraso ng yelo sa loob ng bibig.

Kung ang mga singaw ay hindi gumaling sa pamamagitan ng nabanggit na paraan ay mabuting magpakonsulta na sa doktor. Lalo na kung ang singaw ay malalaki at paulit-ulit na nararanasan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ganoon din ang mga singaw na matagal gumaling o inaabot ng higit sa dalawang linggo. Pati na ang nagdudulot ng labis na hirap sa pagkain at pananalita na sasabayan pa ng lagnat.

Para naman maiwasan ang pagkakaroon ng singaw, narito ang mga pagkaing hindi mo dapat ibigay sa iyong anak.

Food photo created by pressfoto – www.freepik.com 

  • Huwag siyang pakainin ng mga mga matitigas at magagaspang na pagkain. Tulas ng potato chips at nuts na maaring maka-irita sa kaniyang gums.
  • Mainam rin na iiwas siya sa maalat, maanghang at acidic na pagkain tulad ng lemons at tomatoes. Maari ring maka-iritate ito sa kaniyang bibig.
  • Huwag din siya bigyan ng mga pagkaing allergic ang iyong anak. Dahil sa ito ay maaring magdulot ng singaw sa kaniya.

Tandaan rin na sa bata niyang edad ay dapat may good oral hygiene habits ang iyong anak. Regular siyang pagsipilyuhin gamit ang soft-bristle brush. Palakasin rin ang kaniyang resistensya sa pamamagitan ng pagbibigay ng masusustansyang pagkain sa kaniya.

 

Source:

Kid’s Health

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement