Singil sa kuryente bababa sa Hunyo ayon sa Meralco

Ayon sa Meralco, singil sa kuryente bababa na ngayong Hunyo.

Matatandaan na noong Marso ay nag-anunsyo ang Meralco ng pagtaas sa singil ng kuryente. Ngunit ngayong Hunyo, nakatakda naman silang magbaba muli ng singil sa kuryente.

Singil sa kuryente bababa

Isa rin ba kayo sa nabahala dahil sa biglang pagtaas ng singil sa kuryente noong Marso hanggang Mayo? Bukod kasi sa nagpatong ang bill dahil sa Enhanced Community Quarantine — nagkaroon ng P0.0278/kwh na increase noong Marso dahil sa generation at transmission charge.

Ang ibig sabihin nito ay nagkaroon ng dagdag na 5.60 pesos para sa mga kumukunsumo ng 200 kwh. Para naman sa 300 kwh ay 8.40 pesos. Habang 11.20 pesos naman sa 300 kwh at 14 pesos sa 400 kwh.

Ngunit kaugnay naman ng panibagong report mula Meralco, bababa na muli ito ngayong Hunyo.

Meralco bill

Image from Freepik

Bukod sa mga tinanggal na charges ng Meralco, nagmura rin umano ang supply ng kuryente kaya naman asahan na bababa talaga ang singil sa kuryente ngayong Hunyo.

Nasa P0.02 kada kilowatt hour (kWh) ang bawas sa singil ng kuryente para sa June bill. Katumbas umano ito ng 4 pesos na bawas sa mga kabahayang may 200 kWh na konsumo, 6 pesos sa 300 kWh, 8 pesos sa 400 kWh at 12 pesos sa 500 kWh.

Pahayag ni Meralco head of utility economics Larry Fernandez, “Binalik na ‘yong P4.95 na feed-in-tariff allowance this June pero pinahinto naman ng ERC (Energy Regulatory Commission) ang pagkolekta ng environmental charge.”

Tips para makakatipid sa kuryente

1. Siguraduhing palaging malinis ang mga aircon at electric fan

Image from Freepik

Kapag naiipon ang dumi at alikabok sa mga aircon o electric fan sa bahay, mas madaming kuryente ang nakokonsumo ng mga appliances na ito dahil bumabara ang dumi at alikabok at ito ay nagpapahina sa hangin na lumalabas dito.

Kaya naman siguraduhin niyo na malinis ang mga electric fan at mga aircon ninyo, para mas efficient at mas tipid sa kuryente!

2. Buksan ang mga bintana

Kung sobrang init sa bahay ninyo, baka naman laging nakasara ang mga bintana? Maganda din kung hinahayaan natin na pumasok ang preskong hangin para hindi puro hangin ng electric fan at aircon ang nasasagap natin.

3. Wag masyadong lakasan ang aircon

Minsan, hindi naman natin kailangan na naka-todo ang aircon. Kahit yung “low” setting, sakto na para hindi mainit sa bahay. Mahalaga rin naka-timer ito para hindi ma-overuse.

4. Tanggalin sa saksakan ang appliances kung hindi ginagamit

Bukod sa ito ay isang fire hazard, mahalagang tanggalin sa saksakan ang mga appliances na hindi ginagamit upang hindi na ito dumagdag sa konsumo ng kuryente.

5. Palitan ng LED lights ang inyong mga ilaw sa bahay

Image from Freepik

Mas maliit kasi ang konsumo sa kuryente ng LED lights kumpara sa mga normal na bumbilya.

 

Source:

ABS CBN News

Basahin:

ALAMIN: Meralco bill computation pagkatapos ng community quarantine


Sinulat ni

mayie